LIGAYA'S POV
Mahigit 2 araw narin ang nakalipas noong kami ay magusap, narito ako ngayon sa aking silid ng biglang kumatok si Manang Ester dahil nariyan daw si Isagani, Mabilis kong inihanda ang aking sarili at bumaba kung saan nakita kong kausap na siya nina Ama at Ina. Huminga ako ng malalim dahil galit na galit parin ako sakanila.
"Magandang umaga Binibining Ligaya" wika ni Isagani at pilit naman akong ngumiti. Natapos ang aming kainan na hindi man lamang akong nagsasalita, gusto ko na lamang na magpahangin kaya aking napagdesissyunan na magpahangin sa labas, naramdaman ko ang paglapit ni Isagani sa aking likuran, "Binibini may bumabagabag ba sa iyong isipan?", tanong niya na may pagaalala sa mukha, "Ah-eh, Wala naman" at nagpakawala ako ng isang mapait na ngiti.
"Binibini, batid kong madami akong nagawang kasalanan sa iyo", wika niya habang kami ay naglalakad sa aming hardin, "Sa lumipas na araw ay natutunan ko ng patawarin ka ngunit may tanong lamang ako na patuloy na bumabagabag sa aking isipan", may halong kasinungalingan ang aking mga sinabi dahil hanggang sa ngayon ay hindi ko parin siya kayang patawarin, "Ano ang iyong katanungan Binibini?", wika niya habang nakatingin ng deretso sa akin, "kamusta na kayo ni Binibining Susan?", batid kong sumaya ang kanyang mga mata, magsasalita na sana si Isagani ng biglang tumawag si Manang Ester upang ipaalam na hinahanap na siya ng kanyang ama.
—————
Kinabukasan ay aking napagpasyahan na magtungo sa bayan upang maghanap ng sanglaan, batid kong nauubos na ang aking oras at kailangan ko ng gawin ang plano.
Madaming tao ngayon sa bayan dahil nalalapit na ang taunang anibersaryo ng San Fernando, habang naglalakad ako ay may nabunggo akong isang babae, gulat akong tumingin dahil ang babaeng iyon ay si Susan mabuti na lamang ay wala akong ganang makipagtalo sakanya, tatalikod na sana ako ng biglang niya akong hatakin, "Ano ba? Kulang pa ba ang hirap na binigay nyo sa akin?!", sigaw ko habang hinahatak niya ako sa isang lugar kung saan walang masiyadong tao, "Ligaya alam kong galit ka sa akin pero sana mapatawad mo ako, putol na ang ugnayan ko kay Isagani dahil alam kong hindi na siya sasaya pa sa akin, nagawa kitang saktan sa takot na mawala siya sa akin ngunit gulo at pahamak lamang ang naging resulta nito, Ligaya...alam mong mahal na mahal ko si Isagani at nagawa kong bumitaw dahil nakikita kong masaya siya kapag kapiling ka, kaya sana mapatawad mo na ako".
—————
May halong awa ang aking naramdaman kay Susan kung alam lang sana niya ang plano ay hindi na dapat niya ginawa ang lahat ng iyon, Sa totoo lang ay mas lalo lamang akong nagalit kay Isagani dahil ganun na lamang kabilis ang pagibig niya sa isang babae at ang gumugulo sa akin ay bakit hindi man lamang ako nahirapang paibigin siya?, alam ko ring sa huli ay sasaktan ko siya dahil walang ni-kaunting bugso ng damdamin ang nararamdaman ko para sakanya, narito lamang ako upang tapusin ang aking plano at upang makalayo at mamuhay na lamang ng walang sinusunod.
Nakaramdam ako ng sakit ng ulo at mabilis na umupo sa aking kama, hindi magandang nagiisip at nagagalit ako sapagkat maaari akong makagawa ng masama, hanggang ngayon ay wala pading nahahanap na gamot sa sakit na ito at ang tanging magagawa ko na lamang ay umasang gagaling pa ako.
—————
Nagtuloy-tuloy ang pagpunta ni Isagani upang samahan ako kung saan man akong magtutungo, halos araw araw ay palagi kaming magkasama ngunit ni hindi parin ako makaramdam ng pag kagusto sakanya, pakiramdam ko ay kinasusuklaman ko siya una ay dahil planado ang lahat at pangalawa ay alam kong hindi siya ang lalaking nakatakdang magpatibok ng aking puso at bumuo ng aking mga araw.
———-
Araw ng Lunes ito na ang huling linggo bago matapos ang buwan na ito at ito narin ang huling mga araw na inaantay ko ang paghingi ni Isagani sa aking kamay upang maging kabiyak niya. "Magandang umaga Binibini", nakangiti ngayon si Isagani at nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad patungo sa kanya, "Magandang Umaga din Ginoo", sumulyap ang mga ngiti sa kanyang mga mata, "Halika, may pupuntahan tayo", nakangiti parin siya sa akin habang inaalalayan ako upang makasakay ng kalesa, "Saan ang ating tungo?", pagtatakang tanong ko sakanya, "Mamaya ay masasaksihan mo ito Binibini", batid ko ang pagkamisteryoso sa kanyang mukha.
Nakarating kami sa isang napakagandang dagat, bakit ngayon ko lang ito nalaman?, may ganito pala sa San Fernando?, namamangha parin ako sa aking nakikita ng aking naramdaman ang paglakad niya papalapit sa akin, "Kay gandang pagmasdan ng tanawin lalo na't ikaw ang makikita ko kasama ng araw na senyales na malapit ng magtakip-silim at sanhi upang panibagong araw ang ating abutin", Lumapit siya sa akin, aking nadadama na ito na ang panahon kung saan kukunin niya ang aking kamay at upang ako ay kanyang pakasalan, "Binibining Ligaya, maari ba kitang maging kabiyak, pangakong ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang unos at pasakit ikaw parin ang pipiliin", nagbitaw ako ng mapait at pekeng ngiti tsaka sumagot, "Oo Isagani pumapayag ako"
Eto na ang iniintay kong paghihiganti, matatapos na ang lahat ng pagtitiis at pagpapanggap ko, makakawala nako sa mundong ito, sambit ko sa aking isipan habang yakap niya ako...
———————-
To be continued......
#Ligaya
Sorry po sa typo's:)
========
Photos from:
Cavite.info
BINABASA MO ANG
LIGAYA
Historical FictionSi Ligaya Salazar ay nagiisang anak nina Doña Milinda At Don Raymundo Salazar na kilala sa larangan ng medisina na kinalaunan ay tuluyang naghirap. Mapipilitan siyang paibigin ang anak ng isang mayamang mangangalakal na si Isagani Del Rosario upang...