"Magsisimula tayong muli, Hindi ito ang katapusan, kung kailangang may magdusa upang bumalik ang ating yaman hindi ako magdadalawang isip". Kilala ko si ina oo mabait siya ngunit pagdating sa imahe ng aming pamilya gagawin niya ang lahat upang hindi lumubog ang pangalan ng aming pamilya habang si ama naman ay napipilitang sumunod kay ina dahil sa pagmamahal niya dito at sa takot na baka hiwalayan siya ni ina.
Paikot-ikot na ako sa aking silid dahil pilit akong binabagabag ng mga tinuran ni ina, hanggang sa nabuhayan muli ako ng biglang kumatok si manang Ester "Binibini narito na ang damit na iyong isusuot" nagulat ako at napatanong "Saan po ang aming tungo?" Nabatid naman agad ni manang Ester ang aking pagtatanong "Ahh, binibini isasama po kayo ni Doña Milinda sa bayan".
*******
Araw ng lunes ngayon at abala ang mga tao sa paghahanda para sa darating na kapistahan sa sabado. "Ina bakit po tayo nagtungo dito?", "Anak kailangan kitang isama upang magsukat ng baro't saya na isusuot mo, ikaw ang napiling Reyna Elena ngayong taon, pasensya na anak kung ngayon ko lang nabanggit sa iyo", Nagulat ako sa sinabi ni ina bakit naman ako ang pinili nila? Marami namang kababaihan ang nakahihigit kaysa saakin.Habang naglalakad kami ni ina patungo sa pamilihan ay nagtataka kong tinanong si ina "Ina bakit po kayo pumayag na ako ang mag Reyna Elena, diba po nagsimula ng mabawasan ang yaman natin?,mas makatitipid po sana tayo kung iba nalang ang tatayo bilang Reyna Elena", pinagwalang bahala lang ito ni ina at pabulong na sinabi sa akin ang kanyang balak "Anak may pera pa akong naitago na gagamitin natin ngayong darating na kapistahan, uuwi ang mayamang pamilyang Del Rosario at nasabi ko na rin kay Padre Luciano na ang iyong kapareho ay ang kanilang anak na si Isagani Del Rosario, kaya halika na nang makapagsukat kana"
**********
Kahit ako ay nagulat ng isuot ko ang baro't saya na ito, kulay asul na napapalibutan ng diyamante at kakaibang disenyo ang nagpaganda sa baro't saya na ito, hindi ako sanay sa mga ganitong kagarbong kasuotan dahil lumaki akong hindi hilig makipagpataasan sa iba, simpleng mga bagay lamang ay napapaligaya na ako na kabaligtaran naman ni ina.Noong araw din na iyon ay binili na ni ina ang sinukat kong baro't saya at ipinadala ito sa isa mga kasama naming kasambahay. Nais kong magtungo sa simbahan at pinayagan naman ako ni ina. Taimtim akong nagdasal na sana ay mabigyan na nang kasagutan ang mga tanong sa aking isipin dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako.
********
Hapunan na ng pumasok si ina sa aking silid "Anak pinaghanda kita ng hapunan batid kong napagod ka kanina", "Salamat po ina". Naisip kong ito na ang tyansa ko upang itanong sa kanya ang naputol niyang kwento saakin kanina, "Ina bakit po kailagan na ang aking kapareho ay si Ginoong Isagani Del Rosario?", ngumiti si ina at sinabing "Anak mayaman ang pamilya nila at maaaring umahon muli tayo sa paghihirap na ito kung mapapaibig at mapakasalan mo siya", bumilis ang tibok ng aking puso at lumabas sa aking bibig ang mga salitang "Ka-kasal?, Ina ayokong magpakasal o magpaibig ng taong hindi ko napupusuan, ayoko ring gumamit ng tao alang-alang sa kapangyarihan ng pamilya natin",
Nakita ko ang galit sa Mukha ni ina matapos kong bitawan ang mga salitang iyon batid kong wala akong magagawa sa balak niya, "Anak kung hindi ka susunod sa akin alam mo na ang mangyayari sa iyo",
Simula bata pa lamang ay takot nako sa aking ina ngunit gayunpaman ay mahal na mahal ko siya kaya wala akong nagawa kundi pumayag na lamang sa kagustuhan niya "Pumapayag na po ako ina".Naiiyak akong dumungaw sa bintana, "Ngayon alam ko na kung sino ang magdurusa, alam ko narin na mahal lang nila ako dahil may pakinabang pa ako, kung marunong lang sanang lumaban si Ama para sa tama sana ay may kakampi pa ako ngunit wala, siguro ito na nga ang kapalaran ng buhay ko, Ligaya man ang pangalan ko balot naman ng lungkot ang buhay ko" tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking mga mata gabi na at ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking muka.
BINABASA MO ANG
LIGAYA
Historical FictionSi Ligaya Salazar ay nagiisang anak nina Doña Milinda At Don Raymundo Salazar na kilala sa larangan ng medisina na kinalaunan ay tuluyang naghirap. Mapipilitan siyang paibigin ang anak ng isang mayamang mangangalakal na si Isagani Del Rosario upang...