Nagising akong nanghihina at puno ng sugat narito ako ngayon sa klinika ng bayan, "Ligaya si Manang Ester ito ako muna ang magaalaga sayo abala kasi ang iyong Ama af Ina sa mga inaayos na papeles" tumingin ako kay manang at tumango, "Manang maaari bang umuwi nalang tayo?, maayos nanaman po ang aking kalagayan" ngumiti lamang saakin si Manang, "Anak, malala ang iyong naging sugat sa ulo kaya hindi ka pa maaaring lumabas", hinawakan ko ang aking ulo na balot na balot ng makapal na tela at bigla na lamang akong napapikit ng maalala ko ang lahat, naglalakad kami ni Isagani palabas ng pamilihan ng may biglang umatake saamin nakatakip ang mga mukha nila at hinila kami sa isang lugar na walang taong makakakita, naalala ko rin ang boses ng isa nilang kasama at alam kong si Susan iyon bago ako mawalan ng malay, hindi ko napagtanto na sa pagbagsak ko sa lupa ay may batong tumama sa aking ulo. Hinawakan ko ang aking ulo dahil bigla na lamang itong kumirot at sumakit dahilan upang mapasigaw ako ng malakas, "Manang!!! Tulong!".
Pagmulat ng aking mata ay bumungad saakin si Ama sinuri niya ang aking kalagayan at dumako ang mga mata saakin, "Anak hindi basta lamang ang natamo mo sa iyong pagkakabagsak at hirap man para sabihin sa iyo ito ngunit asahan mong madalas na sasakit ang iyong ulo at mawawalan ka ng kontrol sa mga nangyayari, patawad anak ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa nakahahanap ng lunas sa sakit na iyan tanging ang makakalimita lamang riyan ay ang hindi pagiisip at pagkagalit upang hindi mapwersa ang iyong kaisipan na nagiging dahilan upang lumala ang iyong sakit", natahimik ako ng ilang sandali ngunit ngumiti na lamang ako kahit sobrang sakit sa aking kalooban na hindi na ako mabubuhay ng normal katulad ng iba, tumulo ang mga luha sa aking mata dahil patong-patong na ang mga nangyayaring hirap saakin, "Ama ilabas nyo na lamang ako rito, batid kong mauubos na ang ating yaman kung patuloy akong gagamutin dito, pakiusap Ama ilabas nyo na lamang ako dito", pakiusap ko kay Ama at hindi naman siya nagdalawang isip na iuwi na lamang ako kinabukasan dahil mababantayan din niya ang aking kalagayan kung ako'y nasa aming tahanan.
********
Nakakabangon narin ako makalipas ang ilang araw ngunit hindi pa din ako maaaring lumabas ng aking silid, hindi narin masyadong sumasakit ang aking ulo at batid kong maayos narin ang aking pakiramdam.Bumangon ako upang sumilip sa aking bintana, "Alam kong si Susan ka, Alam ko ring planado ang lahat ng ito, ang pagpunta ni Isagani ay hindi nagkataon dahil ito ay sinadya" galit na galit kong ibinulong ito at nakaramdam ng kirot sa aking ulo, napahawak ako sa aking ulo bakit ako nagkakaganito? Hindi ko makontrol ang mga salita at ginawa ko?, akala ko ba ay maayos na ako?, bigla akong nakarinig ng katok mula sa pintuan ng aking silid, "Anak maaari ba kitang makausap sandali?" Wika ni Ina mula sa labas, mabilis kong binuksan ang pinto kahit iniinda ko parin ang sakit ng aking ulo. "Anak alam kong hindi kapa maaaring magpagod dahil sa nangyari sa iyo, ngunit ang isang buwan ay unti-unting nababawasan at sa loob nito tuluyan tayong maghihirap kung hindi mo itutuloy ang plano", galit kong tiningnan si Ina, "Mahal niyo pa ba ako ina? O mahal niyo lang ako dahil may pakinabang pa ako?", namanhid ang aking pisngi sa lakas ng sampal ni ina, "Ligaya kapag hindi mo nagawa ito at tuluyan tayong naghirap marahil ay hindi na nga kita ituturing na anak", padabog na lumabas sa ina at naiwan ako at ang katahimikan, tanging mga hikbi at paghihinagpis ko lamang ang bumalot sa apat na sulok ng aking silid.
Hindi ko lubos maisip kung bakit ako napunta sa ganitong klase ng pamilya, pakiramdam ko ay nandito lamang ako para maging laruan ng lahat, pakiramdam ko'y nabuhay lamang ako upang paulit-ulit na gamitin ng iba. Bakit ba Ligaya pa ang naging pangalan ko isa ba itong estratihiya upang itago ang madilim kong buhay?, hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko na lamang lumaya sa lahat ng ito.
**********
Lumipas ang dalawang araw napag-alaman kong pinatigil ni Ina ang aking pagaaral, lubos ko itong ikinagalit dahil pangarap kong sundan ang yapak ni Ama at dahil sa kanya nawala ang lahat. Patuloy na napuno ng galit ang aking puso, unti-unti kong kinainisan ang mundo, hindi ko alam kung kilala ko pa ang sarili ko ngunit pagkatapos ng misyon na ito wala ng ligaya ang muling tutungo dito sa San Fernando.Nagtungo ako sa bayan at naupo sa isang mapunong bahagi nito, nagiisip ako ng plano sa misyon na ito ng biglang may naramdaman akong nakatingin saakin "lumabas ka riyan" wika ko at gaya ng kinasanayan ay si Isagani iyon, hindi ko pwedeng ipahalata ang galit sa aking puso, kaya huminga ako ng malalim "Ano ang iyong ginagawa dito Isagani?" Tumingin ako sakanya, "Binibini patawad at hindi ako nakadalaw sa inyong tahanan, may iniutos kasi si Ama na patungkol sa aming negosyo nitong mga nakaraang araw, walang araw na hindi kita iniisip kung mabuti ba ang iyong kalagayan kaya't sana ay mapatawad mo ako", ngumiti ako ngunit pigil-pigil ko ang aking sarili na makapagsalita ng masama "Ayos lamang iyon, at tsaka bakit ka naman mag-aalala saakin? Gayong planado ninyo ni Susan ang lahat?, batid kong ang araw na iyon ay si Susan at ikaw ang mismong nagplano", nagulat si Isagani sa aking winika "Ligaya pinapangako kong wala akong kinalaman sa nangyari saatin noon, hawak ako ng isa sa kasama ni Susan at pilit akong kumakawala upang tulungan ka ngunit masyado siyang malakas, hindi ko rin nakilala ang kasama niya, ngunit noong nagsalita si Susan ay laking gulat kong siya iyon, noong bumagsak ka ay tumama ang iyong ulo sa bato at mabilis na tumakbo si Susan at ang kasama niya, mabilis kitang dinala sa klinika at siniguradong maayos ka bago ako lumisan upang harapin si Susan".
(Flashback) ISAGANI POV
Mabilis kong itinakbo si Ligaya sa klinika at nagtungo sa aming tahanan dahil alam kong naroroon si Susan.Mabilis kong nilapitan si Susan at hinatak patungo sa aming hardin, "Paano mo nagawang saktan si Ligaya?!, Hindi mo ba alam na nasa malalang kalagayan siya dahil sa iyong ginawa!" Nangangalit kong sigaw sakanya, "Ano ba Isagani!, Wala akong alam sa iyong sinasabi", lumapit ako sakanya, "Wag mo nang itanggi Susan batid kong ikaw iyon!, lalo mo lamang inilalayo ang iyong sarili saakin, hindi na kita makilala, kaya mong gumawa ng ganoon sa isang taong walang ginagawa sayo, sana ako na lamang ang iyong sinaktan, Sana ako na lamang ang iyong pinahirapan at hindi na siya!, Sa mga nagdaang panahon ikaw ay tunay kong inibig, tinuruan ko ang aking pusong mahalin ka at sa pagtagal ng panahon ay nahulog na akong tuluyan sa iyo, ngunit nitong mga nakaraang buwan matapos tayong magbalik rito sa San Fernando tila nagbago ang lahat, Ano ba ang nagawa ko dahilan upang ang dating matamis nating pagsasama ay nalalamatan ng tuluyan?", nagtatanong ang aking mga mata at nakita ko ang luhang namumuo sa kanyang mga mata, "Isagani batid mong mahal na mahal kita noon pa, napakasaya ko noong mga panahong nalaman kong mahal mo na din ako,Oo alam kong tila nagbago ako matapos tayong dumating sa bayan na ito, naging matapang at mapanakit ako sa iyo ngunit may dahilan ang lahat ng iyon, Matapos mong maging katuwang si Ligaya sa Prusisyon naramdaman kong may nararamdaman kana sakanya, nagalit ako kaya't nasigawan at nasabi ko sa iyo ang mga salitang iyon noong tayo ay nasa hardin ng Simbahan dahil labis akong nasasaktan at dumaan ang mga araw palagi kong ipinaguutos sa aking tauhan ang pagmamasid sainyong dalawa, at isa sa mga araw na iyon ay ako mismo mo at ang mga mata ko ang nakakita kung gaano ka naging masaya sa piling niya, napuno ng galit ang aking puso kaya noong nagtungo ka sa bayan ay sinundan kita kasama ang isa sa aking tauhan nagtakip kami ng mukha upang hindi mo kami pagdudahan at makita, Nadurog ang puso kong makita kang kasama siya kaya inutos kong abangan kayo, at ang mga nasabi kong salita sa iyo ng araw na iyon ay di hamak na totoo dahil ramdam kong lumalayo kana saakin matapos akong mawala ng saglit na panahon, hindi ko rin inaasahan na ito ang kahahantungan ng galit ko, kaya sana Isagani sana mapatawad mo ako",
Hindi ako kumibo dahil sa aking mga nalaman ramdam ko din ang pagpatak ng luha sa aking mga mata ng bigla kong narinig ang pagsusumamo niya, "Isagani minahal kita na tulad ng kulay ng mga rosas na mapupula, hindi ko kakayanin na ikaw na nagdadala ng saya sa puso ko ay maagaw ng iba, patawad kung nagawa kong may dumanak na dugo para lamang bumalik ka", nakaluhod siya ngayon sa aking harapan at biglang bumuhos ang malakas na ulan, tila walang kumibo sa aming dalawa at hinayaan lamang ang bugso ng ulan na tumulo sa aming katawan, "Susan patawarin mo ako, batid kong nagawa kong turuan ang mahalin ka ngunit ng makita ko si Ligaya ibang pagmamahal ang aking naramdaman, ito ay ang tunay na pagmamahal na walang dapat aralin,sanayin at higit sa lahat kusang tumibok ang puso ko sa kanya"
Alam kong masakit para kay Susan ang sabihin ko ang totoo ngunit ayoko ng patagalin pa ang lahat ng ito sapagkat lalo lamang siyang masasaktan, ayoko ring sa unti-unti kong pagkahulog kay Ligaya ay makalimutan ko ang aming pinagsamahan. Kita ko sa kanyang mga mata ang sakit na dinadala, "Isagani, kung iyan ang tinitibok ng iyong puso ay sundin mo, Ako na ang bahalang kumausap kay Ama at Ina na ang ating relasyon ay hindi na magpapatuloy pa, Hindi na rin ako manggugulo lalayo ako at puputulin ang koneksyon sayo, maaari mo rin bang sabihin kay Ligaya na sana ay mapatawad niya ako", hinatak niya ako at mabilis na humalik sa aking pisngi, tumingin siya sa huling pagkakataon at mabilis na tumakbo papalayo kasabay ng malakas na ulan....
To be continued......
#Ligaya
Sorry po sa typo's:)
========
Photos from:
Cavite.info
BINABASA MO ANG
LIGAYA
Historical FictionSi Ligaya Salazar ay nagiisang anak nina Doña Milinda At Don Raymundo Salazar na kilala sa larangan ng medisina na kinalaunan ay tuluyang naghirap. Mapipilitan siyang paibigin ang anak ng isang mayamang mangangalakal na si Isagani Del Rosario upang...