Kabanata 6

24 1 0
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ko ang araw na maghihiganti ako, ang araw kung saan may buhay na mawawala at may dadanak na dugo...

Mabilis akong nagpunta sa tagong lugar kung saan ko pinapunta ang napilikong gagawa ng aking mga plano, ngayon ang selebrasyon na magaganap sa paggunit sa San Fernando at batid kong wala ng pakialam ang aking Ama at Ina kung ngayon man ang aming kasal.

"Alam nyo na ang gagawin", tumango siya at inabot ko ang bayad upang mabilis na makabalik sa loob ng aming bahay.

Alas dose na ng tanghali at naghanda na ang lahat para sa aming simpleng kasalan sa bayan talagang hindi makapaghintay si Ina na makahawak muli ng napakadaming pera at makalipat sa isang magandang mansyon, nagpipigil na lamang ako dahil ayokong masira ang plano ko, hindi nila alam ang balak kong pag-papatigil sa kasalan na ito, ang plano kong pagpapabaril kay Isagani ang isa sa pinakamainam na gawin upang matapos na ang kahibangan ni ina, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngunit pakiramdam ko ay puno na ako ng galit at ito ang nagtutulak saking kumitil ng buhay ng iba upang maging maligaya muli ako.

Matapos akong ayusan ay handa na ang lahat upang magtungo sa bayan, suot ko ang puting baro't saya na may mga diyamanteng nakapalibot dito, suot ko rin ang hikaw at kwintas na ipinamana ni Ina.

Nakita kong naroon na ang mga dadalo sa aming kasalan at naghihintay na lamang ako ng tugon upang makalabas, sa ganap na pagharap namin ni Isagani ay ito ang senyales upang iputok ang baril...

Tinawag na ako at lumabas sa isang silid upang magtungo na. Naglakad ako ng mabagal, mainam ang bilis at sa paglalakad kong ito ay tila bumabalik ang mga alaala, ang buhay ko noon, ang buhay ko na hindi kailangan gamitin at magpaikot ng iba, tuluyang tumulo ang namumuong luha sa aking mata, nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng pumasok sa aking isipan ang mga trahedyang nangyari sa akin mula ng planuhin ito ni Ina, galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon na dapat sanang masaya at punong punong ng  saya ang nasa puso ko..

ngumiti si Ina at Ama bilang senyales na maaari na akong kunin ni Isagani, ngumiti ako at nagaabang sa planong ito, bakit parang hindi ko dapat gawin ito?, bakit parang may hindi maganda akong nararamdaman?, may kaba sa aking dibdib ngunit hindi na pwedeng bawiin ang planong ito.

1.....2.....3, narinig ko ang putok ng baril at sa isang iglap ay nawala ako sa sarili ng may isang lalaking humarang kay Isagani upang saluhin ang bala, tinamaan siya sa balikat dahilan upang bumagsak siya, bakit ganito?,bakit nasira ang mga plano ko?, nakaramdam ako ng pag-aalala sa lalaking iyon at mabilis akong lumapit, "dalhin nyo siya sa pinakamalapit na klinika!" Sigaw ni Isagani at bumaling saakin, "Ligaya, mas makabubuting rito ka muna", mabilis niyang binuhat ang lalaki at isinakay sa kalesa..

Parang tumigil ang aking mundo, ano bang nangyayari sakin?!, Hindi na ako ito, hindi ito ang pagkatao ko, bakit parang may kumokontrol sakin?!, sumakit ang ulo ko at nagsimulag mawala ang aking paningin, naalala ko na lamang na gumising akong nasa aking silid..

"Manang Ester ano pong nangyari?", "Anak nagwala ka kahapon at biglang nawalan ng malay,batid kong epekto ito ng sakit mo", ngumiti siya at lumabas ng aking silid, nagaalala parin ako sa lalaking iyon, ngunit bakit ngayon ko lang nasaksihan ang tulad niya rito sa San Fernando?..

Narinig ko ang pagpasok ni Ina sa aking silid, "Anak maayos na ba ang iyong pakiramdam?", umiwa ang akong tingin, "Hindi nyo na kailangang kamustahin ang anak niyong tinuturing niyo lang na anak dahil may pakinabang ako sayo", nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata, "Pagod na pagod na po ako, pagod na po akong magpanggap dahil hindi ako ito, hindi ko gusto ang pinapagawa niyo lahat ng ito mali lahat ng ito!, Ayoko na!" Sumigaw ako at mas lumapit si Ina sa akin, "Sabihin mo sa akin Ligaya... ikaw ba ang nagplanong kumitil sa buhay ng iyong mapapangawasa?", nanlaki ang mga mata sa kanyang sinabi, "Sumagot ka!!!", sumigaw muli siya at tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko at ang namumuong galit sa puso ko, "Oo ina!, Ako ang nagplanong gawin ang lahat!, dahil una ay ayokong mapakasal sa taong hindi ko mahal, pangalawa bakit ba hindi nalang natin tanggapin na tuluyan tayong maghirap?, kayang kaya natin muling bumangon sa lahat ng ito ina na hindi gumagamit ng pera ng iba at hindi panggamit sa sarili niyong anak!", malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin dahilan upang mapaupo ako sa sahig, narinig ko ang pagdating ni Ama, "Ano ba Milinda?!, talaga bang hindi mo titigilan ang planong ito, sa totoo lamang ay nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang ating anak na napipilitan lamang sa lahat ng ito, hinayaan ko ang plano mo dahil nagbabaka sakali ako ng baka maging totoo rin ang pagibig ni Ligaya sa kanya, ngunit nitong mga nakaraang linggo nasaksihan ng dalawang mata ko ang lungkot at bigat na kanyang dala", tumulo ang luha sa mga mata ni Ina at Ama, "Patawad Raymundo, patawad....magmula ngayon ay tatanggapin ko na ang katotohanan na wala ng makakahadlang sa mangyayari sa ating pamilya sa mga susunod na araw, patawad...", niyakap ni Ama si Ina habang ako ay patuloy na naghihinagpis at nabunutan ng tinik dahil natapos na ang lahat.....

Kinabukasan ay pumunta si Isagani sa aming bahay upang humingi ng tawad, dahil sa aking konsensya ay nagawa kong aminin ang pagtatangka ko sa kanyang buhay, haharapin ko na sana ang pagkakabilanggo ngunit sa pagmamahal ni isagani sa akin ay humingi na lamang siya ng isang kondisyon mula sa akin at ito ay ang pagalis sa mismong San Fernando at magpakalayo layo sakanya, galit na galit siya ngunit batid kong ayaw na lamang niyang palakihin ang gulo dahil alam niyang may sakit din ako..

"Isagani!", lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay, "Kamusta na ang lalaking tinamaan?", lumapit siya sa akin kita ko parin ang galit niya ngunit nananaig parin ang kahibangan at pagibig niya saakin, "Nasa maayos na kalagayan na ang aking kaibigan, nagpapagaling na siya", sumagot ako "Sino ba ang lalaking iyon?, tumingin siya sa akin "Siya si Joselito De la Vega anak ng pinakamayamang mangangalakal ng San Fernando na sina Doña Narsisa De la Vega at Don Lito De la Vega, kababalik niya lamang rito at inimbitahan ko siya sa dapat nating kasal", nanlaki ang aking mga mata hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari ngayong araw, bakit parang wala lang kay Isagani ang pagtatangka ko sa kanyang buhay at sa mga nalaman niyang panggagamit ni Ina sakanya ganito ba talaga dapat ang pagmamahal?, kahit na masaktan at maputol ang buhay mo ay kaya mong patawarin dahil lamang mahal mo?...

—————-
To be continued......
#Ligaya
Sorry po sa typo's:)
========
Photos from:
weddings.lovetoknow

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIGAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon