Game #1:
Day #:1
Fiona's POV
Hello there guys! Fiona Zy here. First day nanaman ng klase (_._") Tinatamad ako! Tsk. Tsk. Tsk. Sana okay lang 'tong araw na toh.
"Hello guys! Na miss ko kayo!" ako.
"Namiss ka rin namin Fio." sabay sabay nilang bati sa akin pagdating ko sa room namin. Uwaaaaah..! 4th year high school na talaga kami! -.- Nakalimutan ko sabihin, Presidente pala ako ng school namin. Hay! Hay! Hay! Graduating na nga kami busy pa talaga masyado ako dahil may dalawa kaming project this year. My gosh! Classmates ko parin ang mga dati kong classmates. Walang kulang, walang bago. Star section kami eh. Kumabaga Section 1.
Pinapasok na kami ni Ma'am Lareen sa classroom namin. Language teacher namin siya nung 3rd year. Pagpasok, chismis doon, chismis dito, chismis diyan, asaran dun, asaran there.
"We will start the morning assembly. Who will lead the prayer?" Ma'am Lareen. Napatingin si ma'am saken at tama ang hula ko. Tsk. "Fiona, lead the prayer."
Nagstart na kami tapos back to business na. Chismis nanaman dito, duon, asaran, chikahan. Hanggang sa napadpad si Sir Sej sa amin.
"Good morning Sir Sej, we're glad to see you this morning." Buong klase.
"Please sit down." Sir Sej
"Thank you, Sir Sej," Klase. Nag-usap si Ma'am Lareen at Sir Sej sandali. May napansin ang klase na lalaki sa likod ni Sir Sej. Maputi, matangkad, cute, gwapo, chinito. May mga kinilig na babae. May mga nainis naman na mga lalaki.
"Insecure." sabi ko kay Jessa. Seatmate ko siya eh. Tawa kami ng tawa.
"Sana dito siya"
"Sana dito siya sa tabi ko."
"Sana kaklase natin siya."
"Sana hindi siya dito."
"Oo nga, maagaw si bla bla bla sa akin. Tsk."
Sana ganito, sana ganyan, yan ang maririnig mo. "SANA TUMAHIMIK NA KAYONG LAHAT." sigaw ko. Tumahimik naman. -.-
Natapos silang mag-usap. Parang may hinihintay si Sir Sej galing kay Ma'am Lareen. Instead na pakinggan ko yung mga "ASA" ng mga kaklase kong babae at lalaki, nagbasa na lang ako ng libro. The Hunger Games :] Kahapon ko lang ito binili. Trilogy. Babasahin ko palang ngayon.
Ngunit habang nagbabasa ako, feeling ko may tumititig sa akin. Nararamdaman ko talaga na may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa paligid hanggang napadpad ang paningin ko sa transfere na lalaki. Umiwas siya ng tingin at medyo namula siya. Ang cute niya. Pero namatayan ako ng loob ng narinig ko itong kataga ni Sir Sej "Oo nga, sa section ko siya." Si Sir Sej ay 3rd year advicer. And that means, si Mr. China ay 3rd year pa.
"Did you hear that?!" gulat na tanong ni Jessa.
"Malamang Jes, di ako bingi."ako.
Lumipas ang oras. Hindi ako maka-concentrate sa binabasa ko at sa mga sinasabi ni Ma'am Lareen. Pagdating ng recess kain kaagad kami ni Jessa. Weeee! 150 na baon ko! Dati kasi 130 lang.
"Sayang Fio no?" tanong sa akin ni Aleisha. Classmate ko rin si Aleisha. Mabait siya, matangkad at maganda. Kalaban ko siya sa election dati pero hindi nagbago ang tingin namin sa isa't isa nung nanalo ako.
"Ang ano?" Pakunwari kung sabi.
"Alam mo na." Umupo siya sa tabi ko.
"Yeah. Sayang nga..! Ah basta! Forever Lino ako!" Si Lino yung tunay kong crush. Nung 2nd Year ko siya nakilala. Nung first nga inis pa ako sa kanya pero later on... Yun na. Sabi nila mahal ko na daw siya and I don't care.
BINABASA MO ANG
Quit Playing Games With My Heart (ON HOLD)
Teen FictionWhat if... Magtatapat si Mr. Transferee kay Ms. President?? What if... Ms. President feels the same?? Pero kailangang umalis ni Mr. Transferee?? It's an irony... but that's how cruel poetic love can be. Pero tandaan: wag mong hayaang mawala sa iyo...