"SOBRANG UNFAIR. SIYA pa rin ang number one?!"
Hindi ko alam kung sino'ng tinutukoy ng nagsalitang babae sa gilid namin ni Aura. Kausap niya ang kasama niyang babae habang nakatingin sa bulletin board kung saan nakapaskil ang pangalan ng mga estudyanteng nagkamit ng pinakamatataas na marka noong nakaraang midterm exam. Nandito kami ni Aura ngayon para tignan iyon.
Hindi ako kasama sa top, 'wag na kayong umasa. Pero si Aura nandito sa listahan at siya ang nangunguna sa aming batch! Proud ako sa best friend ko, siyempre, lalo na dahil araw-araw ko siyang nakikitang nagsisipag at naghihirap sa pag-aaral. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita kong unti-unti niyang nakakamit ang mga pangarap niya.
"Palibhasa paborito siya ng Dean. Kahit mali-mali recitations niya 85 pa rin siya. Tapos 'yung exam niya sa CivPro 87? Kapag tinanong naman siya ng kahit ano 'di niya kayang ipaliwanag nang maayos. Mas magaling pa tayo sa kanya, sa totoo lang."
Ang bitter naman magsalita ng babaing 'to. Hindi ba niya kayang matuwa sa tagumpay ng ibang tao? O 'di kaya, manahimik na lang siya? Ang pait ng dila niya...
"'Wag ka maingay, baka may makarinig sa'yo. Hirap nang makabangga 'yun. Nasa tapat pa naman tayo ng Dean's Office."
"Ano ka ba, wala namang tao dy'an. Mamayang alas-dose pa ng hapon papasok sila Kuya Michael."
Si Kuya Mike ay isa sa tatlong clerks sa Dean's Office. Alas-dose ng hapon ang simula ng pasok ng mga empleyado sa Dean's Office o D.O. for short. 12 noon – 9pm ang shift nila. Karaniwan kasing nagsisimula ng alas-dose ng hapon ang pasok dito College of Law at natatapos naman ng alas-nuebe ng gabi ang pinakahuling klase.
"Alam mo ba, sabi sa'kin ng Daddy ko, 'yang batch 1990 ang batch na may pinakamaraming issue sa kasaysayan ng college natin," saad ng babaing ampalaya.
"Ano'ng issue raw?" tanong ng kausap niya.
"May mga napatalsik na estudyante dahil sa fraternity mortality, namatay dahil sa hazing. Binayaran ng school natin 'yung pamilya ng namatay na estudyante para hindi sila mag-ingay."
"That is so sick!"
"But you know what?
"What?"
"Hanggang ngayon buhay pa rin 'yung frat na 'yun. One of their most famous member is Dean Regalado..."
Dean Regalado? Tatay ni Aura?
"...Maraming protectors at connections ang brotherhood na 'yun nationwide kaya hindi sila bast-basta mabubuwag. Even some of our current professors are members of that fraternity."
"There's one more chika about batch 1990..."
"Really? What?"
"Do you know who the batch Valedictorian is?"
"Hindi? Is he or she a big name in the legal profession?"
"You would laugh! Siya ang tanging Valedictorian na hindi pumasa sa bar exam. Nakakahiya talaga! Kaya nga wala ang pangalan niya sa list of alumni sa labas ng law library. Ang meron lang du'n ay ang salutatorian, who happens to be Dean Regalado. Kahit yata sa yearbook inalis ang pangalan niya. Of course, kahiya-hiya 'yun on the part of the school, 'di ba? It's like it cancelled the reputation of our school."
BINABASA MO ANG
Ang Quasi Boyfriend
Teen FictionJiro has a secret that he wants to keep from everyone else: he is gay. But Ginger, his uber intelligent rival in school, uncovers it accidentally. To cover it up, he pretends to be a straight man and aims to make her fall in love with him. She plays...