Chapter 1

577 10 26
                                    

"MR. CHAIR, TODAY we are debating whether or not capital punishment should be implemented in the Philippines to reduce recidivism. I, as the Leader of Opposition, and my house say no."

Siya si Aura. Dito sa College of Law, walang hindi nakakikilala sa kanya. First year pa lang kami pero nakagawa na siya ng alamat na tumatak sa kasaysayan ng aming law school at sa alaala ng lahat ng law students. Biruin mo ba naman kasing nagvolunteer siya para magrecite sa klase ng kahindik-hindik, katakot-takot, kasindak-sindak na si Judge C? Iniisip ko pa lang na ako 'yung nakatayo sa klase at nakatuon sa'kin ang nanlilisik na mata ni Judge maiihi na 'ko sa takot! Ibang klase talaga si Aura kasi kinaya niyang sumagot na para bang magtropa lang sila.

Sobrang talino talaga ng best friend ko kaya kung saan-saang entablado siya nakakatuntong. Declamation Contest, Science Fair Contest, National School Press Conference, Math Quiz Bee, English Quiz Bee, History Quiz Bee, nagtapos bilang Summa Cum Laude, humakot ng iba't ibang parangal. Kulang na lang pati sa Tawag ng Tanghalan sumali na rin siya. Saksakan ng husay itong babaing ito. At ako naman ang best friend niyang sirena, ang dakilang PA (personal alalay) sa mga appearances niya. Tagadala ng tubig, taga-retouch ng makeup, taga-bitbit ng gamit, at kung anu-ano pa.

At ngayon nga ay kaharap niya sa championship ng debate ang pinakamahuhusay na debaters sa aming unibersidad. Katunggali niya si Gavier, ang crush ko... Kung nandito kayo sa auditorium, marahil kikilabutan kayo sa kung gaano kaseryoso ng atmosphere rito. Libo-libong estudyante at mga guro ang nakasubaybay sa debate. Mahigpit na pinakikinggan ng lahat ang bawat sinasabi ng dalawang koponan.

"We submit that death penalty as a punishment for heinous crimes does not lessen the crime rate as proven by solid data and statistics."

Binalaan na kami ng mga naging estudyante niya tungkol sa reputasyon niya. Terror na abogado at propesor si Judge C. Banggitin ko lang ang pangalan niya, nagbabalik na agad sa alaala ko ang mga pasakit na ipinaranas niya sa'min (kaya binigyan ko na lang siya ng codename rito). Ipinaramdam niya sa amin na inutil kami at siya ang kataas-taasan. Normal na sa amin ang masabihan niya ng 'basura!' o 'p*!@$6-1!*# mo hindi ka nag-aral!' o 'tonto, umupo ka na't mangitlog tutal itlog naman ang recitation mo!' Tuwing papasok siya sa aming silid-aralad, halos pigil ang paghinga naming lahat sa sobrang kaba. Hindi na ako magtataka kung may mabalitaan akong namatay sa nerbyos dahil sa kanya.

Sa palagay ko, ang tanging kasiyahan ni Judge ay ang magpahiya ng mga estudyante niya.

"According to Amnesty International, in 2013, executions around the world, excluding the thousands in number of executions in China, rose by 13%. And yet, despite the implementation of death penalty, crime indices still worsen from country to country..."

May madayang teknik si Judge para manggitgit ng estudyante - itatanong niya ang mga bagay na hindi importante sa aming pag-aaral pero nagiging big deal sa kanya, gaya ng address ng bahay at plaka ng sasakyan at suot ng biktima at kung ano-ano pa. Hindi ba't mas mahalagang alamin ang prinsipyo sa likod ng batas, ang tamang pagpapatupad nito, at ang pagsunod sa katotohanan at hustisya?

Hindi rin pwedeng magsabi sa kanya na "hindi ko po alam Judge" Ayon sa mga naging estudyante na ni Judge sa oras na sabihin mong "hindi ko po alam ang sagot Judge.", mas lalo ka niyang kakawawain "Alam mo mahal ang utak mo kung ibebenta mo... brand new e!" Imposible namang alam ng isang tao ang lahat ng kasagutan sa lahat ng bagay. Ano siya Diyos?

Kaya lahat ng mga estudyante niya gustong dumating ang araw kung kailan matuturuan din siya ng leksyon. Mapait na leksyon. At maipaghihiganti ang lahat ng pamamahiya at panlalait na ipinaranas niya.

Ang Quasi BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon