Law School Secret Files > Law School Secret Files
18 hours
Ang daming cute sa first year, pero top one sa listahan si AA4. Na-love at first sight yata ako sa kanya. Mukha siyang anghel. Grabe. Ang gentleman niya! I recently found out na sa library siya nag-aaral from 8AM until magklase siya so I went there just to see him (wow dami ko time 'kala mo 'di law student). Kahapon, nagkasabay kami pumasok sa law library... Super gentleman niya kasi he held out the door for me at pinauna niya kong pumasok while saying, "Una ka na, miss." That was the first time we talked. OMG OMG OMG. My heart skipped a beat. He is so manly and handsome. Gumagaan ang stressful day ko sa law school whenever I see him. He is my happy pill.#StalkerNiAA4
#HappyCrush
#SorryNotSorry
#PakasalNaTayo(6 likes) (38 shocked) (57 hearts) 4 Comments . 217 shares
Most Recent
Sittie de Asis
Hahahahaha crush ko rin siya!
(Like) (Reply)Charm Aguilar
Puchaaaaaa! Hahahaha Ikaw 'to no?@Sarah De Guzman
(Angry React) (Like) (Reply)Patulog na ko nang magbukas ako ng Facebook. Nagulat ako nang makita ang post na ito. Ano 'tong nababasa ko sa Law School Secret Files?
AA4... ang ibig sabihin ba nu'n ay Aurelio Almario IV? Initial ko 'yun. Ako ba 'yung pinag-uusapan sa post pati na sa comments section?
Ang lakas ng kutob ko na ako 'yung tinutukoy nila? Ang sakit nila sa bangs. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mandidiri sa kanila. Ano sila tomboy? Hindi kasi alam ng babaing nagpost pati na nu'ng mga nagkumento na bading ako. Kung alam nila, siguradong-sigurado na magbabago ang isip nila...baka mandiri pa sila sa'kin.
Messenger
Aura Laurel messaged you
Nakita mo ba 'tong link na to? ? Ikaw ba pinag-uusapan nila?
(Like) (Reply)You
Teh! Ako nga yata! Ano'ng kababalaghan 'to?Aura Laurel
May fans club ka na hahahahahahaha
You
Kilabutan nga sila. Nakakadiriiiiiiiiii.
Aura Laurel
Wait teka, may bago yatang postYou
Saan???Aura Laurel
Sent a link
Law School Secret Files
Girls, nabakuran na si AA4. Wala na tayong pag-asa. Sila na ng isa pang law student na classmate niya na itatago na lang natin sa pangalan na Miss Genius (clue: she is very very smart, walang makakatalo sa kanya *wink wink*). Lagi silang magkasama, since day 1 ng law school. Sabay rin silang nag-aaral sa library. Sabay silang naglalunch. Ang daming nakakakita sa kanila na laging magkasama. Pareho rin sila ng dormitory. Live in na yata sila? Hahahaha joke lang. Mr. Perfect and Ms. Genius = POWER COUPLE! Sobrang meant to be nila sa isa't isa. Wala na tayong palag huhuhu. Hanggang crush na lang tayo. Naunahan na tayo.Charm Aguilar
Awwwww. Inom na ba tayo? @Sarah de GuzmanSittie de Asis
May pag-asa pa, hindi pa naman sila kasal no! Mag-asawa nga naghihiwalay, mag-jowa pa kaya? Hahahaha peace yow.Nika Olive
Hahahaha nakakacurious naman kung sino 'tong mga characters sa post.MM Adeya
Hay nako, kung ano-ano inaatupag ng mga tao rito. Bakit di na lang kayo mag-aral guys, malapit na midterm exams. Admin, gamitin niyo naman sa magandang bagay itong page.
Messenger
You
Ghoooorl, nadawit ka na yata hahahaha
Nabasa mo ba?Aura Laurel
Magjowa tayo? Lakas ng imahinasyon ng mga tao!!! Woooh drugs pa!!!You
Laugh trip ako habang nagbabasa! Hahahaha! 'Yan ang nangyayari ng kakaaral. Kung ano-ano na lang ginagawang past time.Aura Laurel
Baka kailangan nating totohanin mga inimagine nila para may past time pa rin sila. Ano'ng gusto mo'ng itawag ko sa'yo? Honey? Oppa? Love?You
Magtigil ka nga jan Aura. Nakakadiri ka hahahahahaAura Laurel
Honey, tulog na tayo kasi may klase pa tayo bukas.You
Gusto mong bangungutin ka kakatawag ng Honey sa'kin?Aura Laurel
Ayoko po, Honey. Gusto ko'ng makatulog nang mahimbing para mapanaginipan kita, Love.You
Isang buwan kang walang ice cream sa'kin isang tawag pa ng Honey!!!Aura Laurel
HAHAHAHAHA Opo boss, hindi na po. Tulog na tayo boss. Good night boss. See you tomorrow boss!You
'Yan! Very good! Good night!Law School Secret Files
Recently
I have good and bad news. Since gusto ng mga tao dito ng happy ending, uunahin ko na ang bad news para happy ending.
Good news: Hindi mag-on si MR. PERFECT at MS. GENIUS. Close friends lang talaga sila. Ano'ng proof ko? May suitor si MS. GENIUSat present. Kung sila ni MR. PERFECT, bakit may nanliligaw kay MS. GENIUS? May boyfriend ba'ng papayag na ligawan ang girlfriend niya?Bad news: Paminta si MR. PERFECT. The end.
(108 shocked) (62 angry) (237 shares)
Nika Olive
Huhuhuhuhu nightmareCharm Aguilar
Nalinlang ka 'yata girl... @Sarah de GuzmanSittie de Asis
Okay lang kahit pamin siya, yummy pa rin. Kawawa nga lang si ate girl, kasi pareho sila ng gusto (lalaki rin) sad.OVER LUNCH pinag-usapan namin ni Aura ang reaction ng mga tao.
"Paano na kapag nalaman ng mga tao 'yung tungkol sa'yo."
Actually, malaking problema 'to kasi tinatago ko 'to kay Daddy at sa community.
Sikat na personalidad si daddy.
Maaari itong gamitin ng mga kalaban niya sa pulitika laban sa kanya.
"'Di ba uso naman na ngayon 'yung tinatanggap ng pamilya.
"Kung si Dad lang, wala akong pakialam kung malalaman niya. Kung itatakwil niya ko, tatanggapin ko. Pero kung gagagamitin ito ng mga tao laban sa kanya? Hindi maaari. Gusto kong iwasan 'yun."
"So, ano plano natin?"
"May naiisip ako. Kaso 'wag kang magalit."
"Magpanggap tayo na tayo."
"Ha?"
"Oo."
"That means kailangan mo'ng i-turn down si Gavy. I know it sounds so selfish pero ito lang ang naiisip kong paraan."
"In short, gagawin mo akong pangfront mo?"
"Oo..."
"Ang dami nang gumagawa nito. Maniniwala ba mga tao sa'tin?"
"That means kailangan nating galingan."
BINABASA MO ANG
Ang Quasi Boyfriend
Teen FictionJiro has a secret that he wants to keep from everyone else: he is gay. But Ginger, his uber intelligent rival in school, uncovers it accidentally. To cover it up, he pretends to be a straight man and aims to make her fall in love with him. She plays...