Kung Hindi Rin Lang
... ikaw ang target ko, malamang sa malamang, nasupalpal na kita na may halong pektus sa ngala-ngala.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Muli kong tiningnan ang mensahe sa phone ko dahil baka nagkamali lang ako ng pangalang binasa.
---
Notification: Welcome sa rank H na mundong ito, boss Jay! Dahil nakalampas ka ng 1000 pts sa huli mong mundo, napagdesisyunan ng mga kinauukulan na itaas ang rango ng sunod mong misyon.Mga Misyon Ngayon (hindi muna ipapakita ang puntos):
1. Kaibiganin ang bida ng mundong ito (Ace Alajar)
2. Suportahan ang bida sa problema n'ya sa famiglia ng hindi n'ya nalalaman
3. Galain ang bayang sakop ng iyong misyon sa loob ng 200 araw.Total: -
Good luck sa'yo, boss Jay!
---Ace Alajar nga ang pangalan ng bida. Ngunit bakit ganoon? Hindi ba't isang rango lang ang itinaas ng mundong ito kumpara sa una kong misyon? Bakit hindi man lang ako pinapansin ng taong ito?!
"Ace? Hello? Earth to Ace? Yoo-hoo! Kausapin mo naman ako! Sige na! Please! Pakiusap! Por Favor! S'il vouz plait! Onegai shimasu!" kulit ko sa bida habang niyuyugyog ang mga balikat niya.
Pero kung hindi lang ako nalilimitahan ng OOC, kung ano man 'yun, eh hindi ko na gagawin 'to. Ako 'yung tipo ng tao na mas pipiliin pang manapak ng kaibigan kaysa magpabebe.
Siguro ay nakulitan na s'ya sa'kin, dahil medyo naiirita s'yang humarap at tumitig sa'kin ng nanlilisik.
"Ano ba 'yun, nerd?! Unang beses pa lang nating pagkikita, papatayin mo na ko eh! Ano bang gusto mo, ah?!" sigaw n'ya sa'kin.
"Pwede bang makipagkaibigan? Magkadorm naman tayo, 'di ba? Apat na taon din tayong magkasama sa iisang bubong, maliban na lang kung lumipat ka ng dorm. Wala kasi akong kakilala dito eh. Sige na naman oh. Please!"
Tiningnan n'ya 'kong parang isang tanga ang tinitingnan n'ya, tapos bigla s'yang napabuntong-hininga.
"Alam mo, hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa hindi mo naman kakilala! Malay mo ba kung mandurukot pala ako, o scammer! Paano ka ngayon?! Hayst. Ano nga palang pangalan mo?"
"Jared. Pero gusto pa rin kitang maging kaibigan, Ace! Mabait ka naman eh, saka hindi mo ako pagsasabihan kung may masama kang intensyon," tugon ko sa bida.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos ay biglang nagsalita ang bida.
"Oo na nga!"
"Oo na ano?"
"Kakaibiganin na kita!"
Biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko man ito tingnan ay alam ko na ang ipapakita nito...
---
1. Kaibiganin ang bida ng mundong ito (Ace Alajar): 100 pts
---
BINABASA MO ANG
Kahit Na Naiinis Ako
FantasiTuwing magigising si Jay sa isang bagong mundo, may biglang magnonotif sa phone niya. --- Notification: Welcome sa mundong 'to, boss Jay! Kailangan mo lang gawin ang mga misyon na iaatas sa'yo sa mundong 'to para hindi mabura sa balat ng lupa ang ka...