5 - Ang Aking Mundo

1 0 0
                                    

Ang Aking Mundo

... mula't sapul ay umikot lamang sa pagpupursigi upang mabuhay sa mapait na mundong kinagisnan ko. Ni hindi ko naisip na mangarap ng mas masayang buhay dahil ayokong paasahin ang sarili ko. May karapatan ba ang tulad ko na makaramdam ng pagmamahal na tulad ng kay Uno at sa mama n'ya? Tingin ko ay hindi talaga iyon para sa'kin.

Ihininto ko muna ang pagmumuni-muni ko dahil baka lamunin lamang ako nito.

Pagkatapos kong maglibot sa sementeryo, nakita ko mula sa malayo na tumayo na si Uno. Patakbo ko s'yang nilapitan.

"Uno, tapos na kayong mag-usap ng mama mo?" tanong ko sa kanya. Iling lang ang sagot n'ya sa'kin. Napansin kong medyo seryoso ang mukha niya ngayon, wari mo'y may susuunging gyera.

Kainaman, Uno. Ako kamo ang may susuunging g'yera. May mga famiglia pa 'kong lilinisin, tapos iimbestigahan ko pa ang pagkamatay ng mama mo. Iniisip ko pa nga lang ngayon ay tila maiiyak na'ko.

"Jared," tawang ni Uno sa'kin, "Salamat nga pala sa pagsama sa'kin ngayon ah. Naabala pa kita," sabi niya. Hindi ako nakatiis at binatukan s'ya nang malakas.

"Ewan ko sa'yo! Parang 'di tayo magkaibigan ah, pa-Jared-Jared at pa-salamat-salamat ka pa. Tara na ngang umuwi," sabi ko, sabay lapit sa mama niya, "Tita, uuna na po kami ng pa-stranger n'yong anak. Sa susunod na lang po ulit!"

Matapos n'yon ay kinaladkad ko na si Uno pabalik ng sasakyan.

"Ano, masaya ka na ngayon? Mga isang oras din akong parang timang na lumilibot sa buong sementeryo kasi mga isang oras mo rin akong kinalimutan!" asar ko sa kanya habang nakangisi. "'Di ko na mabilang kung ga'no karaming beses akong kumain eh."

Tumawa lang siya habang inii-start ang sasakyan.

"OA nito, parang ilang minuto lang 'yon, ah?" sabi niya sabay harurot ng sasakyan.

"Nakakainip kaya!" tugon ko sa kanya. Halos gumawang na ang sasakyan dahil napapa-ub-ob na s'ya sa manibela sa sobrang katatawa.

"Tawa pa more! Mabilaukan ka sana ng laway mo sa katatawa mo!"

"Hihinto na nga, sir-- Bwiset, 'wag mong kainin ang ube halaya ko! Sa San Pablo ko pa binili 'yan! Alam mo ba kung ga'no kalayo 'yun dito, hah?"

"Gutom na 'ko, Uno! Malapit nang mag-ala-sais!"

Hindi pa man kami nakakakalahati ng byahe ay may bigla akong naramdaman na kaba.

Parang may nakatutok sa mga ulo namin na baril... BARIL?

"ACE, DAPA!" sigaw ko. Dahil nasa loob kami ng kotse, yumuko na lang kaming dalawa para hindi kami makita sa bintana. Buti na lang at nasa tollway kami at halos walang dumaraang sasakyan, kung hindi'y may masasagasaan kami.

Dali-dali kong inubos ang hawak kong ube halaya. Maya-maya pa'y may biglang putok ng baril kaming narinig. Dahil sa pagewang-gewang ang sasakyan namin, dumaplis lang ang bala sa may side mirror.

"Nyets naman," rinig kong bulong ni Uno. "Paborito kong kotse 'to eh!"

Kinuha n'ya ang baril n'ya sa may likod ng upuan, saka binuksan ang bintana sa gilid n'ya. Tumingin naman ako sa labas upang makita kung sino bang bumabaril sa'min. Isa... dalawa... anak ng- sampu?!

"Anak ng putakte! Sampung kotse?! Gano'n ba 'ko ka-famous, to the point na gan'to karaming gustong pumatay sa'kin?" gulat na sabi ni Ace. Tiningnan n'ya ang magasin ng baril n'ya at nainis. "Puchang gala, mauubusan na naman ako ng reserve na bala. Tsk!"

Bwiset! Ang tanga ko! Dapat nahulaan ko nang maaari 'tong mangyari eh! Putspa! Sana 'di ko iniwana ang baril ko sa dorms! Jay, ang tanga tanga mo talaga!

"Ah!" Bigla kong naalalang lagi kong nakikitang nagdadala ng isa pang baril si Ace tuwing gagala kami.

"Bakit, boi?" tanong ni Ace

"Akin na 'yung extrang baril mo!" sigaw ko kay Ace. Nagtaka s'yang tumingin sa'kin.

Bang. Bang. Bang.

"Pa'no mo nalamang may extra akong baril?" tanong sa'kin ni Uno na may bahid ng pangamba habang minamaniubra ang sasakyan upang lumipat ng linya. Hindi ko s'ya nilingon dahil may mga umaasinta sa'kin.

"Pwede bang mamaya na lang natin pag-usapan 'yan, pag-uwi natin? Ang dami pa nila, oh." sagot ko.

Itinuro n'ya ang compartment sa may shotgun seat. Kinuha ko ang handgun at ikinasa ito pagkatapos balahan. Inilagay ko naman ang mga natirang bala sa bulsa ng suot kong jacket. Matapos n'yon ay binuksan ko ang bintana ko upang bumaril ng mga hinayupak na basura.

Bang. Bang.

"Bwiset, malapit na 'kong maubusan ng pasensya sa mga 'to," reklamo ni Uno. Maya-maya pa't tila may naisip siya na magandang ideya, dahil nakangiti s'yang bumaling ng tingin sa'kin.

Bang. Bang. Bang. Bang.

"Pula, ihuhulog ko 'yung mga sasakyan nila sa madadaanan nating tulay. Kumapit ka nang mabuti!" ... at ipinaharurot na nga niya ang sasakyan.

Bang. Bang.

Kahit na medyo nakakalayo na kami sa mga sasakyang humahabol sa'min, at marami-rami na rin kaming nasugatan at napatay, ay hindi pa rin mawala-wala ang aking nararamdamang kaba.

Bigla akong may naaninag na kuminang sa may tulay.

"PUNYEMAS!" "BWISET KA, ACE! NAHULAAN NILA 'YUNG GAGAWIN 'MO!"

"ANAK NG- PLAN B! BALIK TAYO SA PINANGGALINGAN NATIN!!"

Agad kong tinadtad ng putok ang pinanggalingan ng kinang sa may tulay. Si Ace naman at tuloy lang sa pagbaril sa mga nakabuntot sa sasakyan namin.

"Diretso lang sa tulay, Uno!" sigaw ko.

"Ano?! May nag-aabang sa'tin do'n, tapos papadiretsuhin mo 'ko sa tulay? Raratratin tayo do'n! Maawa ka sa baby ko! Saka gusto mo na bang mamatay? Boi, kung gusto mong mag-suicide, 'wag mo naman akong idamay!" pabebeng reklamo ni Uno. Ngunit kahit na gano'n, nakangisi pa rin s'ya na tila bang matagal na n'ya 'tong hinihintay.

Bigla kong naalala ang pustahan namin noong nakaraang taon.

"Uy, nagkukunwari lang na nerd! Bro! Jared! Pulang kasing-pula ng mens! Sorry na. Na-impatso ako ngayon eh," pakiusap ng target habang pinipisil-pisil ang pisngi ko na parang ako ang aso n'yang kakamatay lang tatlong taon ang nakalipas. "'Di ko intensyon na magpabuhat kanina! Napamali lang ako ng pili ng hero! Parang awa mo na, tulungan mo 'ko sa case study ko. Pleeeeeaaaaassssssseeeeee."

Wala lang naman talaga sa'kin na binuhat ko s'ya kanina, pero bigla kong naisip na pagtripan s'ya. Kaya, nagkunwari akong galit. "Pahamak ka, Alajar. Muntik na tayong matalo kanina. Kung 'di ko nasira 'yung huling tore nila bago pa nila masira 'yung atin, baka bumaba na ang rank na ilang buwan ring pinaghirapan ko." Matapos nito ay umismid ako, dahil hindi ko pa rin tuluyang natatanggal ang lintek na OOC na 'to.

Matapos ang ilang saglit na pagkatulala, nagsalita na rin sa wakas ang target.

"Tandaan mo, Jared, balang araw, ikaw naman ang magpapahamak sa'kin."

"Neknek ng talong mong tinorta. Sa tino kong tao, ako pa ang magpapahamak sa'yo? Imposible."

"Ano, pustahan? Kung sino ang sunod na mapapahamak ng isa?"

"Geh. Anong taya?"

"Kiss sa cheeks! 5 seconds! Walang malisya! Alam ko namang 'di mo kaya 'yun eh."

"Gagi ka! Ako pa ang hinamon mo! G! Pero 'pag natalo ka, luluhod ka sa harap ko at tatawagin mo 'kong boss!"

"G!"

"Nyeta," bulong ko. "Yung pride ko... BWISET! Bahala na, Uno, basta dumiretso ka sa tulay!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit Na Naiinis AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon