BWL 4 - CHEF

15 1 0
                                    

"Hey Jus-- KYAAAAH!"



BLAG.


What the heck! Ang balakang ko.




"Are you okay?"


Imbis na tulungan ako makatayo ay nakuha pa nya akong tanungin kung okay ako kahit obvious na hindi. Kasalanan ng tsinelas nyang pakalat-kalat sa tabi ng pool kaya nadulas ako!


Padabog na tumayo ako agad kahit pa masakit ang balakang at pwetan ko. Ayoko rin namang alalayan pa nya ako dahil basang-basa sya.



"Do I look okay to you? By the way, aalis ako. Maraming pinapaasikaso sakin sa Haze."


"Kawawa naman ang Fiancee ko..." -Justine



"Ano?"



"Wala. Sabi ko aalis ka na naman. Do you cook our lunch? I'm starving..."



Kunot noong napaisip rin ako sa sinabi nya. Wala pa nga kaming nalulutong pagkain for lunch. We manage to settled for just cereals and milk kaninang breakfast kaya hindi rin kami masyadong nag-abala magluto.



I can cook. But I don't have time to cook. Maraming pinapaasikaso sakin sa kumpanya at ngayon ay aalis na naman ako.



Mabuti pa nga ang lalaking ito ay pakanta-kanta lang sa pool at pabilad-bilad ng katawan sa araw. What a luxury time with himself.


"I guess wala akong kakainin for lunch. Sige, umalis ka na baka ma-traffic ka pa."


Napapakamot sa batok na sabi nya bago marahang umahon narin naman sa pool.



Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang sandaling dumapo ang mata ko sa abs nya. Accidentally, okay. Not intentional!




"Fine. I gotta go. Don't do anything ridiculous while I am gone."



Akmang tatalikuran ko na sya nang biglang maramdaman kong hatakin nya ako at hinalikan.


Hinalikan nya ako sa PISNGI. Tsk.



"Ano ba!" -automatic na tumama ang hampas ko sa dibdib nya.



"Goodbye kiss... para mainspired ka ngayong araw."



Ngiting pilyo na sabi pa ng magnanakaw ng halik.


"Pervert."



I bitterly spit out bago tuluyan na syang tinalikuran. Baka makagawa pa ako ng kasalanan at makita na lang sya ng mga magulang nya na lumulutang sa pool na walang buhay.




"Ako PERVERT? Kung pervert na pala ako edi sana sa labi na lang kita hinalikan!"


Naaasar na sabi pa nya bago ako tuluyang makalabas ng bahay.



Bahala sya sa buhay nya.



[HAZE Empire Group]

I want to laugh as I noticed how all of the guys turn their heads as I passed through their cubicles. Kalalabas ko lang ngayon ng office of the CEO mula sa mahaba-habang paperworks. Medyo masakit narin ang paa ko dahil sa suot kong heels but I can manage pa naman.




"Good Afternoon, Mam. Shana."


"Uuwi na po kayo Mam?"

Boys with Luv is in DANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon