Kabanata 1

27 8 17
                                    

"Bugtong bugtong pala-bugtong. Malambot ng ipinasok, matigas ng inilabas?" Asik ni Rio.

"Hmmp" kunwaring pag-iisip ko. "May ganon ba?"

Mukang wala namang ganon na bagay, niloloko nanaman ata ako nitong si Rio.

"Oo merong ganon, subukan mo kasing mag-isip hindi puro bibig lang pinapa-iral mo," aniya.

"Binibiro mo lang ata ako ih, ibahin mo nalang. Yung mas madali!" Suhestiyon ko.

"Sige ito, bago!" Lahad niya na parang nauubusan na ng pasensiya. "Bugtong bugtong pala-bugtong. Katawan ay mahaba, Ulo ay nakadapa?"

Huh? May ganon ba? Lalo lang akong nahirapan sa bago niyang bugtong. Minsan pa naman medyo may kagagahan ang isang 'to.

"Hoy ano na?" Dunggol niya sakin. "Ito na, sasagot na!" Singhal ko.

Katawan ay mahaba samantalang Ulo ay nakadapa!

"Ang hirap naman kasi ng mga pinapahula mo sakin ih." Angal ko.

"Anong mahirap don, napakadali lang ng isang 'yan! Kahit ang bata ay kayang sagutan ang bagay nayan," saad niya habang nakangisi.

"Eh hindi naman sakin naturo 'yan ih. Tsaka magbigay ka nalang ng paramdam para mahulaan ko!" Pangangatwiran ko habang nakanguso.

"Tss daming alam, sige na. Basta ito na ang huli pag dimo pa'to nahulaan may kapalit na!" Pananakot niya. Maduga gumagamit ng alas. "Oo na, alam ko namang dyan ka magaling!"

"Paramdam. Matigas at matulis. Bumabaon at sumasagad!" Aniya na may nakakalokong ngisi.

Matigas? Matulis? Ibinabaon? Sinasagad? Saan?

Wahhhhhh! Hindi kaya!

"Alam kona!" Taas noo kong saad.

"Sige ano ang sagot mo?"

"Hmmmp, masyadong madali. Pako, pako ang sagot!" Lahad ko, at base sa reaksiyon niya ay tama ako.

"Maduga ka kasi, lala. Madami ka masyadong arte. Yan tuloy nahulaan mona!" Maktol niya, daig pa ang batang iniwan ng ina.

"Ganon talaga, kailangan mautak ka para masihan ang kalaban!" Ani ko sabay tawa.

"Sa susunod hindi na mauulit ang ganitong eksena!" Pananamba niya. "Sisiguraduhin kong mawawasak ang iyong utak sa talim ng aking tabak!"

Siya si Rio, Isa sa tinuturing kong tunay na kaibigan. Walang makakatalo sa talas ng kaniyang dila, kulang nalang pede nang panghasa.

Madalas kaming magkasama simula ng magkakilala kami nakaraang buwan lang, sa tabi ng ilog.

Mula noon madalas na kaming magkasama, naglalaro at nagkaka-isa. Mga larong pangbata, gaya ng luksong aso. Habulang saksak. Piko. Batuhang tsinelas. Kadang-kadang. Patid paa. At marami pang iba.

Ganyang mga bagay eh masaya na kami ng kaibigan kong si Rio, mababa ang kaligayahan namin.

Hindi na kami bata, tutuusin disinuebe na ako samantalang siya ay disiotso pa lamang. Sinusulit lamang namin ang buhay dalaga dahil darating ang araw na maitatali na kami sa rehas ng aming mga asawa.

"Oh siya, Mauna na pala ako sayo Rio, kailangan kopang umuwi at makapagluto na!" Nagmamadali kong sabi.

"Ano kaba lala sa amin kana kumain tutal marami ang niluto ng ina, diba sinabi ko sayo kaarawan ngayon ng aking kuyang si Deon!" Pangaaya niya sa akin.

Till Our Last GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon