Kabanata 4

11 3 1
                                    

Nagising ang aking magandang katawang lupa sa huni ng mga ibon sa labas ng aming tahanan.

'Mukang hinihintay na siguro ng mga ibon ang paglabas ng kanilang Inang Reyna'

Kaya dali dali akong bumangon at diretsyo sa labas upang salubungin ang aking mga alagad.

"Dito sa lupain ng albanya ay inyong makikita ang tila isang adarna, walang pakpak pero kayang lumipad na parang saranggola!"Linyahan ko habang dahan dahang hinahawakan ang puno ng bayabas, sabay pitas.

"Kamusta mga kaibigan?!" Pangangamusta ko sa kanila.

Habang hinihintay ko ang kanilang tugon, hindi ko na hinintay na kainin ang bunga ng bayabas. Nilasap at sinipsip ang katas. Almusal at kinakain sa ganitong oras.

"Maraming salamat sa inyong maagang pang-aabala, nagising na ako kaya't maaari na kayong lumisan sa aming palasyo!" Pagpapaalam ko sa aking mga alagad na ibon, sabay bugaw sa kanila gamit ang sarili naming lenggwahe.

Lenggwaheng namana kopa sa mga ninuno kong lawin. Tinatawag itong Lenggwaheng Burikat. Pili lang ang mga nakakaintindi ng ganoong salita. Wikang mayaman sa bitamina.

"Aba Samara, kay aga aga bayabas ang nginunguya mo, baka sumakit ang tiyan mo dyan!" Biglang pagsasalita ni lolo sa likuran ko kaya't umikot ako ng marahan.

"Lolo alam niyo namang hindi 'yon mangyayari, isa pa makakapal ang bituka ko kaya't walang mangyayari sakin!" Pagbibiro ko.

"Puro ka nalang kalokohan apo! Halika na dito at magalmusal na tayo. May nabili akong tinapay at may natitira pang kape dito!" Aniya. Kaya dali dali kong sinundan si lolo hanggang makapasok na kami sa aming kubo.

"Ako na po 'lo ang magtitimpla. Umupo nalang po kayo dyan!" Pangunguna ko.

Dali dali akong naghanda para sa aming mumunting almusal. Naglapag ng tasa at malinis na sinimot ang natitirang kape at asukal sa garapon.

"Ito na po 'lo ang inyong kape!" Lapag ko ng kape sa maliit na mesa.

"Oh ito ang tinapay, masarap 'yan lalo na't bagong luto lang 'yan ni hilda!"

"Buti at napaaga po kayo ngayon 'lo?!" Tanong ko.

"Ayun nga ang mabuti, dahil marami kaming nakuhang isda ngayon kaya't napagdesisyonan na naming umuwi ng maaga!" Lahad niya. Pero kataka takang walang dala maski ano si lolo.

"Eh bat wala kayong dalang isda 'lo? Wag mong sabihing binarat nanaman kayo ng mga talakitak na tindera ng isda sa palengke lolo!" Medyo tumataas ang boses kong ani.

"Dinaman nila ako binarat apo, tama lang ang pre-"

"Ay nako lolo wag mo na silang pagtakpan, gamay ko na ang mga ugali ng mga tinderang 'yan!" Naiinis kong ani, pero ayon siya tahimik lang at sigurado akong ganon nga ang nangyari.

"Lo sa susunod naman bawasan mo ang kabaitan mo sa iba, dahil nakikita nila yong dahilan para abusuhin ka!" Saad ko.

Tinapos na namin ang aming almusal at dumiretsyo na si lolo sa higaan para ipagpatuloy ang nauglot niyang pagtulog kaninang madaling araw gawa ng pangingisda sa karatig bayan.

Sa mga gantong bagay kami di magkaunawaan ni lolo. Tuloy ako ang naaawa sa sitwasyon niya, dahil sa kabaitan niya inaabuso siya ng mga walang awang tindera sa palengke sa centro masyadong binabarat ang kaniyang mga isda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Our Last GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon