kabanata 3

9 4 1
                                    

Sabayan ko daw siya? Ano ako binge? Maharot lang ako kaya dali dali akong pumunta sa gilid niya at tuloy na ang prusisyon.

"Ano yang dala mo?" Tanong sakin ni Deon sabay tingen sa dala kong supot.

"Ah wala lang yan, tara na!" Saad ko na medyo kinabahan pa.

Medyo malamig ang simoy ng hangin paglabas namin ng kanilang bakuran, marahil tapat ito ng bukiran at isa pa malapit na ang tag-ulan.

Pero malaking pasalamat ko at napakaraming bituin na nagkikislapan at isang nagliliwanag na buwan, kay sarap tignan.

"Sabi nila kapag daw namatay ang mga mahal natin sa buhay aakyat daw sila sa langit at magsisilbing bituin!" Biglang basag ni Deon sa katahimikan.

"Sabi nga rin sakin iyan ni lolo!" Anas ko.

Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang kapaligiran. Ngunit para sa akin ay wala lang iyon, dahil puno ng pagmumuni ang isipan ko.

Pero unti unti rin iyon nawala ng magsalita nanaman si Deon.

"Kamusta pala kayo ng kapatid kong si Rio, alam mo bang dating tahimik iyon at panay nasa loob lamang ng kaniyang kwarto!" Paglalahad niya.

"Ayos lang naman kami, masasabi ko lang na napakabait ng kapatid mo. Bibihira makahanap ng kagaya niya kung kaya't maswerte ako!" Saad ko naman.

"Mabuti naman kung ganon, nakikita ko rin naman na maganda kang impluwesiya sa aking kapatid kung kaya't makaka asa ka sakin kung sakaling itatakas mo siya sa bahay upang makagala kayo, kaya ko kayong pagtakpan!" Mahaba niyang linya at sabay naman kaming natawa.

Wag ngayon! Kinukumbulsiyon ang aking kaibuturan, bakit napaka gwapo mong nilalang lalo't ikay nangiti!

"Haha kung ganon makakaasa pala ako sayo!" Saad ko naman.

"Eh ikaw? Kamusta ka naman?!" Nagitla ako sa katanungan niyang iyon.

Kinamusta niya ako? Wahhh! Baka mamaya niyan ligawan niya na ako, hindi pede! Bata pa ako. Magagalit ang lolo.

"Ako? Haha ayos lang naman. Tumitibok panaman ang aking puso!" Saad ko sabay tawa ng mahina.

"Mabuti kung ganon, siya nga pala salamat pala dahil dumalo ka sa aking kaarawan!"

"Wala iyon, dapat nga ako magpasalamat dahil inimbita mo ako. Siya nga pala maligayang kaarawan sa iyo, paumanhin pero wala akong regalo na maibibigay sayo!"

"Ano kaba haha, diko kailangan yon. Presensiya mo lang ang kailangan ko sapat na iyon!" Malambing niyang ani sabay ngiti.

Wahhhhh! Bakit parang ang landi mo Deon, wag kang ngumiti lalo akong nahuhulog!

Bawal maharot, Marupok ako!

"May gusto nga pala akong sabihin sayo Samara!" Bigla niyang saad na nagpakaba naman sa akin.

Ito naba iyon? Aakyat naba siya ng ligaw? Wahhh! Ang aga naman.

"Ano naman iyon Deon?!" Mahinhin kong tanong sabay lihis ng aking nakalaylay na buhok papuntang tenga.

"Kanina ko pa ito pinag isipan at buo narin ang aking desisyon, isa pa magkakilala nanaman tayo. Tandaan mo na nandito lang ako sa tabi mo!" Itong ito ang mga galawang mapupunta sa romansa.

Hindi ako ang may kaarawan pero mukang ako ang tatanggap ng regalo  hihi.

"Kaya kung gusto mo pede kitang tulungan sa aking pinsan na si Facundo!"

Till Our Last GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon