Dedicated toPercieAnne Salamat sa mainit na suporta, painitin payan!
Natapos ang kainan ng puno ng saya at tira tirang sarsa sa bawat labi ng pamilyang De Lapa.
Ngayon nandito kami sa Labas, sa bakuran. Nakaupo kami ni Rio, medyo sumakit ang tiyan ko kanina sa labanan ng kainan kung kaya't nag-aya agad ako dito.
"Ikaw ah, ibinenta mo ako sa harap ng iyong pamilya!" Bigla kong ani.
"Hoy anong binenta yan?!" Naguguluhan niyang tanong.
"Pinagkaisahan niyo ako, kasama ang iyong lipi, ng iyong angkan. Kitang kita ko kung paano niyo lampasuhin ang aking pagkatao!" Nagdadrama kong ani.
"Bakit dimo ba nagustuhan ang naging kaganapan kanina? Sa tingin ko nga pabor pa saiyo ang ginawa ng aking kuya, tama ba ako lala?" Nanlilisik ang mata ni Rio habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"Hoy Rio, anong kaganapan? Anong pabor?" Naguguluhan kong tanong.
"Lala wag na tayong maglokohan dito alam ko naman eh, dika ba nasiyahan ng ang kuyang Deon ang naghapag at umasikaso sayo kanina?!" Pasiring niyang saad.
Hala hindi kaya! Mas lalo akong kinabahan sa ipinapakita ngayon ni Rio. Hindi kaya!
"Bakit naman ako masisiyahan aber?" Pagkukunwari ko.
Kailangan di ako magpahalata kundi huli ako. Malay ko ba kung hinuhuli lang ako nitong si Rio, hindi ako madaling utuin at higit sa lahat di ako pabibitag sa kaniyang mga silo.
"Lala gusto mo bang sa akin manggaling ang mga katagang nasa isip mo?" Pananakot niya, kaya mas lalo akong kinabahan.
"Rio di ako natatakot sayo, dahil wala namang dahilan para ako'y kilabutan sa mga katagang iyong sasabihin!" Matapang kong sabi.
"Sige, makikita natin ang tapang mo!"
"Sige Rio ako pa talaga ang hinamon mo!" Tapang tapangan kong saad pero ang totoo ay kinakabahan ako sa maaaring sabihin ng kaniyang matalim na labi.
Kilala niyo naman si Rio Delapa, Isa sa mga hinulma ng panahon upang magkaroon ng hubog ang nguso. Ang bawat salita na lumalabas sa kaniyang mapanuksong labi ay nagtataglay ng kakaibang mahika.
"Lala matagal ko nang alam na may gusto ka sa aking kuyang Deon, kaya wag kan-"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil maagap kong tinapalan ng aking mga daliri ang kaniyang paoblong na nguso.
"Ano kaba Rio baka may makarinig sayo!!" Kinakabahan kong saad sa kaniya habang hawak hawak parin ang kaniyang bunganga.
Lintek na Rio'ng ito pano niya nalaman na may gusto ako sa kuya niyang si Deon.
"Sinong may gusto sakin Rio?!"
Parang binuhusan ng tubig na puno ng yelo ang buo kong kaluluwa at pagkatao! Hinde, mali lang yung narinig ko, marahil sa sobrang kabusugan kolang ito kung kaya't kung ano-ano nalang ang naririnig ng aking lingaw na tenga, tama.
"Oh Samara nandito kapa pala?"
Doon bumagsak ang resistensiya ng aking katawan. Nandito na nga ang kawatan.
"Ah-Oo nandito pa nga ako, Pero pede mo namang isiping wala na ako hehe." Nauutal kong saad.
"Haha totoo nga ang sabi nitong si Rio, mapagbiro ka nga!" Natatawang ani ni DEON!
Punyemas ano nanaman kaya ang isinabog na sikreto ni Rio patungkol sakin, tapos sa kuya niya pa talaga kinuwento, kay Deon pa talaga. Si Deon na aking buhay at kaluluwa.
BINABASA MO ANG
Till Our Last Goodbye
RandomSamara Atieza Silvan isang babaeng simple at tila hilaw na mangga, dalaginding pero maasim. Babaeng magiliw at puno ng saya ang mata. Babaeng nahumaling sa isang maginoong lalaki, Deon Madrid De Lapa. Lalaking magdidilig sa kaniyang pusong uhaw. Lal...