Chapter 8
Any volunteer?
DemiUmuwi na muna ako sa bahay upang makapagbihis at makaligo muna bago kami magbrainstorm kung ano ang dapat naming gawin. Naabutan kong nasa sala si Dad habang nagbabasa ng dyaryo. I was about to head out when he suddenly spoke.
"Heard 3 of your friends went missing. Again," the way he said those words made me turn to him with furrowed brows. Anong gusto niyang iparating?
"I'm warning you already. Stay away from them before you became a part of that serial killer's game," may diin ang bawat bitiw niya nang salita habang nananatili pa rin ang attensyon sakaniyang binabasa. I can't help but scoff. Nakita ko kung paano siya nailing. Ngayon pa siya nagbabala. As if naman hindi pa ako involved sa lagay na 'to. That killer is already messaging me for clues and instructions as if we're textmates. So yeah, I am already a part of this serial killer's game
"I won't force you. Pero wag kang mag expect na ipapahanap kita sa oras na mawala ka," He said with finality. Hindi ko man lang nabakasan ng pag-aalala ang kaniyang boses. I clenched my fists as tight as I can. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maluha. How can he say that to his own daughter? My expectations were low but holy fuck.
Padabog kong binuksan ang pintuan bago bumaling sakaniya, without facing him, "Wag kang mag alala kapag nawala ako, hindi kita aabalahin." I went out and closed the door behind me with full force. The wind chimes above the door shook with the intensity. Wala na akong inaasahan mula sakaniya bilang ama kaya bakit naapektuhan pa rin ako sa sinabi niya?
Pinalis ko ang aking luha at sumakay na sa sasakyan ni Matt nang makaalis na kami sa lugar na iyon. He knew that I was not in my best mood and that I don't want to talk about so he didn't push me. We arrived at the police station with the rest of us already brainstorming. Dito na namin napag-usapang ganapin ang aming pag uusap usap para mas ligtas. Salamat nalang talaga kina Tito Solomon at Tito Constantino-- ang tatay nina Luke at John.
Inabutan namin sina Luke at Mark na nakaupo sa sahig habang nakatingin sa libro na iniwan sa amin ng killer. Sinusubukan ni Mark na buksan ang cellphone ni Filey na may password. We decided to help so I sat next to Luke to try and figure out what other clues is left on that hollowed-out book. Samantalang sinubukan naman nina Matthew na buksan ang cellphone.
"Where's John?" narinig kong tanong ni Matt, "Sumama kay Tito Constantino para maghanap ng clues doon sa may abandonadong warehouse. So far they found none," sagot sakaniya ni Luke na may nireresearch sa kaniyang cellphone. I flipped over the pages of the book. Except sa mga pages na butas, may iilan pang blank pages pagkatapos nito. Tulad ng inaasahan ay wala akong nakitang ni isang sulat doon.
I closed the book. Sumuko na ako kakatingin dahil wala rin naman akong nahahanap. Aside from the citrusy smell of the book that was left on my fingertips, wala na akong ibang nakita. I already asked Mark if he can provide a blue light. Pinakuha niya pa iyon sa laboratory kaya mamaya pa namin ito makikita. I figured they must've used a special pen to write the clues on that book. Na tanging blue light lang ang makakakita nito kung sakali.
BINABASA MO ANG
12 Ways To Die
Mystery / Thriller//MYSTERY/THRILLER// Everybody lived peacefully. Well, atleast that's what I thought. 'Its the perfect place to stay', so they say Until one day... The Creeper went out and decided to Play... You better run You cannot hide What you're hiding from I...