Chapter Ten
"What an unhappy man I am!
Who will rescue me from this body that is taking me to death?"
- Romans 7:24
***
SA PAGDILAT ko ng aking mga mata, ang unang pumasok sa isip ko ay kung anong nangyari?
Pinalibot ko ang tingin at ang sigurado ko lang ay nasa ospital ako. Paano akong napunta dito?
"Santino...?"
Sa pagbaba ko ng tingin ay saka ko lang nakita si Aya. Mula sa gilid ng kama ay tumayo siya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Her hand caressed my face. "Ang sabi ng doktor ay nagka-heart burn ka. You've been sleeping for 15 hours."
Napapikit ako at napadaing nang maramdaman pagkirot sa sentido. "W-What happened?"
She sighed. "The new driver said you were on your way home when you collapsed inside the car. Agad napansin ng driver habang nagmamaneho na parang hindi ka na basta nakatulog lang. Sinugod ka niya agad dito sa ospital at tinawagan ako."
Huminga ako nang malalim. Ilang beses hanggang sa nawala ang sakit ng ulo ko. Though, I can't still recall what fully happened.
Basta't ang natatandaan ko na lang ay ang pagtalikod sakin ng bunso kong anak.
"Blair hates me," nasambit ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"The dinner didn't go well last night, Santi?"
"I wish you're dead, Papa. So, I won't ever see the very first man who broke my heart anymore..."
I grimaced as I felt a different pain in my chest. Maliban sa mga huling salita na iyon na puno ng pait at sakit, ang umiiyak na imahe ng anak ko ang pumupuno sa isipan ko.
She poured out all her tears just like when she lost her child.
The need to comfort her and encage my daughter inside my arms was too strong, but last night she refused to be held like I used to do with her.
I knew she hates me. I just didn't know how deep. Naaalala pala nito lahat mula sa umpisa. Mula sa araw na nagbitaw ako nang mga salita at pangakong walang laman.
"People have their own choice on how they want to live their lives..." nasambit ko sa kawalan.
"Santino..."
"But behind their choices were reasons that pushed them to choose it. Sometimes, those reasons were circumstances. Most of the time, people..."
Umupo si Aya sa gilid ng kama. She leaned down a little bit forward and rested her forehead to mine.
I closed my eyes, again. I felt physically weak, mentally and emotionally tortured... Spiritually drained.
"Wala kang puwedeng sisihin sa mga desisyon mo sa buhay. Pero may mga rason, laging may rason... And my guilt is eating me up because I was one of Blair's reasons."
Just like I cannot blame my parents. Ngunit sa bawat naging desisyon ko, ang epekto nang ginawa nila sa'kin ay konektado doon. At ang mga maling desisyon ko ay nagkaroon ng epekto sa buhay ni Blair. Naging konektado sa kung paano niya pinatakbo ang buhay niya.
"You're right, Santino..." my wife softly spoke. "Everything is connected. May epekto ang bawat salitang binibitiwan, bawat kilos na ginagawa, bawat desisyon na pinipili. Hindi man lagi sa'yo, pero umaabot sa ibang tao... Sanga-sanga ang consequences...
BINABASA MO ANG
Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)
SpiritualDelos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Santos? Written ©️ 2019-2020