Epilogue

39.1K 1.6K 925
                                    

Epilogue

"I give all my thanks to God, for His mighty power has finally provided a way out through our Lord Jesus, the anointed one!

So if left to myself, the flesh is aligned with the law of sin, but now my renewed mind is fixed on and submitted to God's righteous principles."

- Romans 7:25 (TPT)

***

Santino Pierre Oleastro Delos Santos

1954 - 2007

"Take heart, my son. Your sins are forgiven." Matthew 9:2

A son, a husband,

a father, a beautiful soul.

       Hinaplos ko ang nakaukit niyang pangalan sa lapida. Napangiti ako...

       "It's been a decade, Mr. Delos Santos..." nasambit ko. "Ang bilis! Kumurap lang ako, 2017 na!"

       Pumikit ako at huminga nang malalim. May kirot man akong nararamdaman dahil sampung taon na rin ang lumipas nang mawala siya... Pero hindi iyon mapapantayan ang ligayang nasa puso ko ngayon.

       Alam kong pulos saya at galak din ang nararamdaman ng asawa ko. Sa langit, puro pagmamahal na lamang ang mayroon.

       "How's your everyday talk with Jesus? I bet you know the reasons and answers now to all your why, my handsome love. It all made sense, for sure..."

       Sa balintataw ko, nakikita ko pa rin ang mga ngiti ni Santino. Naririnig ko pa rin ang mga pigil niyang pagtawa...

       "I will be with you soon, Mr. Delos Santos." Idinilat ko ang mga mata ko. "I just don't know how soon. I'm still waiting for Blair to come to Christ. Pero huwag kang mag-aalala. Katulad ng pangako ko sa'yo, hinding hindi ko rin susukuan ang mga bata. Ngayon pa ba?

       "Anyway, I just came to visit because I suddenly missed you. Nagta-trabaho ako ng payapa sa opisina mo, tapos ginugulo mo 'ko, eh." I chuckled. "I love you, handsome!"

       Nagdasal ako ng taimtim sa Diyos. Pagkatapos ay tumayo na 'ko.

       I still have a lot of story to tell. I still need to do a lot of things...

       And I was able to accomplish it all, actually. I died in peace and full of joy.

       Natupad ko ang lahat ng pangako ko kay Santino bago kami nagkita sa langit.

       Although, that's another story to tell.

***

Year 2019.

       "DADDY, shell!" Pinulot ng dalawang taong gulang na anak ko ang isang maliit na kabibe. "Look, Daddy!"

       Ngumiti ako at binuhat si Elijah. "Shell! For you, Daddy..."

       "Thank you, son." I kissed his forehead and took the shell. "This is beautiful..."

       Tumingala ang anak ko sa kalangitang napupuno ng mga bituin.

       "Stars!" Tinuro niya iyon. "Daddy, stars!

       Napatingala ako at nakita ang laging maningning na gabi ng Tierra Fe.

Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon