Note: Read "A Prequel Beauty and Wonder" to be able to understand the next chapters. Thank you very much!
***
Chapter Two
"I do not understand what I do; for I didn't do what I would like to do, but instead I do what I hate."
- Romans 7:15
***
Year 1978.
BAGO ko nalaman ang malaking kalokohan ni Ysabella, hinayaan ko ang sarili kong maging alipin ng pag-ibig ko sa kanya...
"Are you alright?" I asked Aya while we were taking a shower together.
She's putting shampoo on my head and she's been doing it for a while now. Hindi rin siya nagsasalita—at hindi ko nakasanayan iyon dahil makuwento siyang tao.
Niyuko ko siya. Pagkatingin ko sa mga mata niya ay tagus-tagusan ang tingin niya. Her mind is somewhere else.
"Amalthea Ysabella," I called her attention softly, stopping her hands from massaging shampoo on my hair.
Napakurap siya. At last, she's back on earth and her eyes focused on me. "S-Santi..."
Tumalikod ako sa kanya para buksan ang hot shower. "You seemed bothered."
Hindi ko siya unang beses na nahuling ganoon. Sa katunayan ay magmula nang magbakasyon kami sa Baguio noong nakaraang buwan para sa kanyang summer break, lagi siyang may malalim na iniisip.
Ang unang akala ko ay dahil galit siya sa'kin nang kumalat noong nakaraang buwan na kasama ko ang isang aktres ng kompanya sa isang hotel. Nagkataon lang na parehas ang pupuntahan namin ng babae na meeting sa isang hotel. Pagkagising ko kinabukasan, malakas na ang balitang may bago akong babae.
Fuck the lying media!
Ngunit nilinaw naman ni Aya na hindi siya naniniwala sa balitang iyon. Mas naniwala siya sa'kin at sa palagay ko'y lalong nahulog ang damdamin ko sa kanya. Gayunpaman, madalas ko pa rin siyang nahuhuli na tulala at tahimik. Hanggang sa makauwi kami ng Maynila.
Pagkatapos ng isang linggo, nagkita kami ulit at dito siya matutulog sa bahay ko.
"S-Sorry... May iniisip lang ako." I heard her sighed.
"Magbanlaw ka na," sabi ko na lang sa kanya. Bumuhos sa'kin ang mainit na tubig mula sa shower. I shifted it to cold.
I think she's not in the mood to make love, so it's better if we finish this bath already. I don't want to force anything if we'd stay longer. Ilang beses ko nang naisip kanina iyon pero k-in-ontrol kong pilit ang sarili ko. Ayokong magkaroon ng rason para kamuhian niya 'ko at mawala siya sa'kin.
"I'm really sorry. Hindi ko alam na natutulala na 'ko."
I rinsed the shampoo off my hair. Hindi na lang ako sumagot. I shifted the shower from cold to hot, again.
"Santino, my handsome love..." I felt her wet naked breasts pressed against my back as she embraced me from behind. "Patawad na..." paglalambing niya pa.
Naramdaman ko ang labi niya sa likod ko at ang unti-unting pagbaba ng mga kamay niya mula sa baywang hanggang sa ilalim ng...
"Goddamnit!" Humarap ako sa kanya at mabilis na isinandal siya sa dingding.
BINABASA MO ANG
Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)
DuchoweDelos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Santos? Written ©️ 2019-2020