3 DAYS BEFORE...
Gwen anak, where are you? Bakit hindi kita matawagan?!
Gwen I need to talk to you, anak. Marami kang dapat malaman.
Gwen, totoo lahat sila. Kailangan mong pumunta dito para malaman mo ang totoo.
Anak... Mahal kita, kayo ng kapatid mo. Wag mong iisipin na itinago namin sa iyo ang totoo... I didn't know...
Tumulo ang mga luha sa mga mata ni Gwen matapos muling pakinggan ang mga voice messages sa Facebook Messenger na iyon ng kaniyang ina.
This would be the last time she would listen to those messages, not because she was trying to move on just like what those people told her to do, but because she would need to focus.
Pupuntahan niya ang bayan kung saan ipinanganak at namatay ang kaniyang ina.
Minsan talaga hindi mo malalaman kung gaano kaikli ang buhay ng mga tao sa paligid mo hanggat hindi ito kinukuha mula sa iyo. Hindi niya inakalang ang simpleng araw na iyon ang huling araw ng kaniyang ina sa mundo.
Isang single mother ang kaniyang ina. She never asked about her dad, she never felt the need to. Napalaki siya nang maayos at matino ng kaniyang ina. Silang dalawa ng kaniyang kapatid.
Hindi siya katulad ng mga taong isisisi ang lahat ng kabiguan sa mundo sa mga pagkakamali ng mga magulang, magpo-post sa Facebook ng salitang depression as if gustong gusto nilang tinatanong sila ng mga tao kung bakit at ano ang nangyayari sa kanila.
Those people dont know what depression is until it hits them bull's eye. She may be a millenial but she's proud to say na hindi siya nakiki bandwagon sa katangahan ng henerasyon niya.
"Gwen?" nilingon niya ang kapatid na halatang bagong bangon lamang sa higaan at nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Bakit may maleta ka?"
"Going somewhere."
"Iiwan mo 'ko?"
Tumawa siya. Pinilit niyang pasiglahin ang boses niya para sa kapakanan ng kapatid niya.
"Duh, as if. Bibisita lang ako sa probinsiya ni Mommy. May aasikasuhin lang ako duon sa mga assets na... iniwan niya."
Sapat na iyon upang matahimik ang kapatid. She looked at her sister, Esme. They were fraternal twins - kambal na magkaiba ang itsura. Pareho sila ng kulay at hugis ng kanilang maiitim na mga mata. Pareho din sila ng height. Ngunit duon natatapos ang pagkakapareho nila.
Athletic ang build niya at kayumanggi ang balat niya dahil sa mga marathon na sinasalihan niya, while her sister looks feminine, her skin fair, her personality soft and fragile.
Kabaligtaran sa pangalan nito na Esmeralda, the name associated sa isang Online game character na malakas at matibay. She, Guinevere, on the other hand, named under the same game, was associated with an elegant character. Naipagbaliktad ata sila ng Mommy niya na dati ay kilalang gamer sa kabataan nito. Her Mom said those 2 characters were her favorite.
"You wont leave me, right?" mahinang tanong ng kapatid, "Like Mom?"
Niyakap niya ito. "No, babalik ako. I promise."
ILIGAN CITY, LANAO DEL NORTE
A very nice place to be honest.
Mysterious dahil sa mga kwentong kinalakihan na nilang naikukwento tungkol sa lugar na iyon. The place looks clean, peaceful and beautiful. Probinsiyang probinsiya ang dating.
After securing an apartment for her and her baggage ay agad naglibot si Gwen sa maliit na bayan na iyon. They have their ancestral house where she could have stayed. But that place was where her Mom... died. Hindi niya gustong dalawin iyon.
YOU ARE READING
Dark Immortals Saga: Azael (ONGOING)
ParanormalSeries in collaboration with @AncientRuinsOfficial "Don't go looking for darkness. You might end up finding out that it has been looking at you... From the start." Huli na nang marealize ni Gwen na totoo ang kasabihang "Ignorance is bliss." She was...