Chapter VI - "Karuvel"

27 4 6
                                    

Because she's mine.

Napaismid si Gwen sa naalala at padabog na itinapon ang bitbit na basang basahan sa sahig.

Mine your ass! Mine to slave, ganuon?! Nanggagalaiti siya sa inis. Nuong una ganuon na lamang ang kagustuhan ng dalawang lalaking iyon na alamin ang kung anong tungkol sa kaniya.

Tapos sa isang iglap uutusan siya ni Zael na linisin ang buong 3rd floor ng bahay na iyon?!

Hindi niya alam kung kaninong bahay ba ito at wala na siyang pakialam. Kailangan na niyang makaalis at makabalik sa Manila!

Inilinga niya ang pansin sa paligid. Walang kung sinong naruruon. Matapos ang napakasaglit na usapan sa luob ng kwarto na iyon ay bigla na lamang natahimik ang dalawang lalaki at nagtitigan. Matapos nuon ay sabay itong tumayo at lumakad palabas ng kwarto. Kung hindi lang tumigil si Zael para mag-iwan ng utos ay iisipin niyang robot and dalawang iyon.

That was so weird!

"From horror to Cinderella story," bulong niya. Gusto sana niyang maglibot para makahanap ng madadaanan palabas. Pero nandito na naman ang pakiramdam niyang tila may nakatingin sa kaniya.

Diyan! Diyan nagsimula ang lahat sa pakiramdam na 'yan! Napabuntong hininga na lamang siya. Sisihin man niya itong instinct niya, hindi naman niya pwedeng ipagkaila na nakaligtas siya sa kapahamakan dahil sa kakaibang pakiramdam niya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang makarinig ng tila tunog ng mga kuliglig. Kunot-noo niyang inilibot ang paningin. Tila parami nang parami ang tunog ng mga kuliglig na iyon.

Naglalakad na sinundan niya ang tunog na iyon. Puro saradong pintuan ang laman ng mga kuwarto sa walang katao-taong hallway na nilalakaran niya. Kung hindi lang dahil sa magagarang furnitures na nadadaanan niya ay iisipin niyang nasa ospital siya dahil sa puting color scheme ng paligid.

Sa isang nakasarang pinto sa dulo ng hallway na iyon siya dinala ng tunog na sinusundan niya. Hinawakan niya ang seradura ng pinto saka muling luminga sa paligid. Wala man lang planong pumigil sa kaniya? It's either they're overconfident, or there's just something weird and probably monstrous behind this door.

She started making this silly bet with herself -- will this be an ordinary door to the outside world leading to her freedom, or will this lead her to another horrific nightmare?

Humugot siya ng malalim na hininga, naghanda upang sumigaw nang malakas, at itinulak ang pinto.

A backyard. A very huge, plain backyard. Napangisi siya at lumabas. Wala siyang matanaw na anumang bakod, isang malawak na damuhan lamang iyon at sa kalayuan ay ang makakapal na mga puno.

She was about to sprint on a run when all of a sudden, there was a very loud, ear-splitting sound. Tunog iyon ng mga kuliglig na tila ba sa isang iglap ay naging napakalakas at napakatinis. It was so sudden, so debilitating that she ended up sprawled on the ground, covering her ears and moaning in pain.

What was that about my freedom and my nightmare again?! Sa kabila ng sakit ay pinilit niyang lingunin ang paligid. What she saw made her blood run cold.

Sa ere ay nanduon ang isang nakapanghihilakbot na nilalang. Hugis tao iyon, tila isang babae na may tuwid at itim na itim na buhok at nakasuot ng isang maitim at gula-gulanit na bestidang hanggang tuhod. Puting-puti ang mukha nito at sa malalaki nitong mga mata at nakabukas na bibig ay tanging purong kadiliman lamang ang makikita. The creature was suspended in the air on top of her, pale hands outstretched to her, slowly coming down as if to get her.

Gusto niyang sumigaw ngunit ungol lamang ang kaya niyang mailabas. Nararamdaman niya ang mainit at malagkit na likidong umaagos mula sa magkabilaan niyang tenga, and yet, she still keeps on hearing the cricket-like sound coming from the creature's mouth.

Dark Immortals Saga: Azael (ONGOING)Where stories live. Discover now