HUMIHINGAL na tumatakbo si Gwen sa madilim at walang katao-taong kalsada na iyon.
Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang may sumusunod sa kaniya kahit na nga mabilis ang pagtakbo niya at wala naman siyang makita sa tuwing lilingon siya sa likuran.
"Pesteng sapatos 'to," bulong niyang sisi sa suot na rubber shoes. Nabili niya iyon sa tiangge kahapon pero ngayon ay nakauka na agad dahil sa katatakbo niya. Mahapdi na rin ang mga paa niya dahil sa mga maliliit na batong nakakapasok ng sapatos niya.
Lintek bakit nga ba ako tumatakbo?!
Tumigil siya at hinarap ang kaniyang likuran. Malinis iyon, walang sinuman ang naruon, tahimik.
Sarado na ang mga establisementong nadaanan niya kaninang umaga kahit na nga alas nuebe pa lamang ng gabi. Sa parteng ito ng lugar na iyon ay mas kapansin pansin na ang sobrang katahimikan dahil sa mga punong nakapalibot sa kaniya.
Itinutok niya ang mga mata sa madidilim na parte. May mga street lamps duon na nakahilera sa gilid ng tuwid na kalsada pero sa likuran ng mga iyon ay ang madidilim na bahagi na panay damo at kapunuan.
Napasinghap na lang siya nang may kung anung gumalaw sa tuktok ng pinakamalapit na street lamp. Ngunit wala naman siyang nadinig na anumang kaluskos o ingay.
Bakit kanina ang ganda ganda ng kalsada na 'to? Bakit ngayon nakakatakot na?!
Muli niyang inaninag ang madilim na parteng iyon ng kalsada. Syet, hindi siya likas na matatakutin pero sa kung anong dahilan ay hindi niya mapigilan ang hindi maipaliwanag na takot na gumagapang ngayon sa katawan niya.
She was just busy walking down this deserted street, trying to enjoy the peace and quiet when all of a sudden she felt as if someone was looking at her. Wala siyang makitang tao sa paligid but the feeling just intensified until she felt she was about to be attacked.
Kaya't tumakbo siya. And since then she can't shrug off the feeling of being hunted.
Ngunit wala naman talagang tao sa paligid. Guni-guni lang ba talaga niya ang takot niya?
Marahan siyang nagtuloy ng lakad, nakikiramdam sa paligid.
Then, she heard a faint sound of someone walking on the pavement...
May kung sinong naglalakad sa tahimik na kalsada katulad niya. Mula iyon sa di kalayuan sa kaniyang harapan, on her opposite side of the street, walking in her direction.
Syuta... Tao lang yan. Tao!
Alam niyang babae iyon dahil sa hugis ng katawan at sa suot nitong lumang palda na siyang pangkaraniwang sinusuot ng mga kababaihan duon.
May suot din itong balabal na nakapandong sa ulo at mukha nito. Again, a usual woman's outfit of the province.
Ngunit ang imahinasyon niya, isang kilometro na ang natakbo.
Breath in, breath out. You're safe, Gwen. Wag kang paranoid.
But her instinct was screaming.
Why is that woman walking along the bushes and not on the street?
Nagtatayuan ang lahat ng balahibo niya habang papalapit nang papalapit sa babaeng marahang naglalakad. Tinatahak nito ang daan sa likuran ng mga street lamp at mahinang kumakaluskos ang mga damuhang sumasagi sa damit at katawan nito.
YOU ARE READING
Dark Immortals Saga: Azael (ONGOING)
ParanormalSeries in collaboration with @AncientRuinsOfficial "Don't go looking for darkness. You might end up finding out that it has been looking at you... From the start." Huli na nang marealize ni Gwen na totoo ang kasabihang "Ignorance is bliss." She was...