PANAGINIP LANG ITO.
Iyon ang nasabi ni Gwen sa sarili nang magising ang diwa niya. Alam niyang nakahiga siya sa isang malambot na kama at gusto niyang isipin na iyon ang kama niya sa kwarto nila ni Esme.
Unfortunately, she's bright enough to know that everything that had happened were real and she can't escape it no matter how long she stayed on the bed.
Isang hindi kilalang kwarto ang nagisingan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili.
Mukha namang walang masakit sa kaniya maliban sa sikmura niyang nagugutom. Inaasahan niya ang mga pasa at iilang maliliit na mga sugat ngunit wala siyang natagpuan ni isa.
Kahit ang ininda niyang sakit sa braso at balikat sanhi ng pagkakatapon sa kaniya sa sementadong lapag ay nawala.
How long had I been sleeping?!
Isang suwero ang nakakabit sa kaniyang kamay. Nang suriin niya ay mukhang isang pangkaraniwang dextrose lang naman iyon.
Alam niyang wala siya sa ospital. She's pretty sure that Zael wont ever want her to see anyone that she could tell his secrets to.
Papatayin kaya siya nito para hindi niya ibunyag ang sikreto nito?
"Wake up, Sleeping Beauty."
Napabalikwas ng bangon si Gwen nang maramdaman ang mainit na hininga sa kaniyang tenga.
"Hey, sorry I scared you. Gusto lang kitang magising."
"Who the hell---" nanlaki ang mga mata niya. Nananaginip ba siya? "RAVEL?? Ravel Atienza??!"
Anong ginagawa dito sa kwartong ito ng kilalang vocalist ng isa sa pinakasikat na banda sa bansa???
"Hi. Nice to meet you!" nakangiti nitong iniabot ang palad sa kaniya. The guy was sitting on a chair beside her bed.
Alanganin niyang inabot iyon. His hand felt nice and warm sa gitna ng malamig na kwartong iyon.
Speaking of cold...
Duon lamang niya napansin na hindi sa kaniya ang bestidang suot niya.
"Do you like it?"
"Hah?"
Itinuro nito ang suot niya. "I bought it for you. Saktong sakto hindi ba?"
"Oo, salamat." Paano nga ba niya itatanong kung bakit ito nandito? "Bakit ka nandito?"
Well, guess there's no other way but straight.
Tumawa naman ang lalaki na tila ba may nasabi siyang nakakatawa. This guy is way gorgeous in personal. Lalong-lalo na kapag nakangiti ito o tumatawa.
No wonder both men and women fell helplessly to his almost perfect face and alluring voice.
"You are blunt, Gwen. I can call you Gwen, right? Or do you prefer Guinevere instead?"
Kinabahan siyang bigla. Bakit alam nito ang pangalan niya?? Asan si Zael? Magkakilala ba ang dalawang 'to??
"Gwen would be just fine. Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Easy peasy." May iniabot ito sa kaniya. "Nandiyan sa pitaka mo ang mga IDs mo. You don't mind me going through it to know who you are, right?"
"That's fine." Binuklat niya ang pitaka. Naruon nga naman ang mga IDs at credit cards niya. Ngunit natigilan siya nang makitang wala ruon ang pera niya.
Binuklat niya ang lahat ng parte ng pitaka ngunit wala siyang ibang nakita.
"I think nakuha na nila ang perang hinahanap mo." Napamaang siya rito. "Mabuti na lamang at ninakawan ka lang nila at hindi sinaktan. I found you nearby my vacation house which is why I brought you to my home."
YOU ARE READING
Dark Immortals Saga: Azael (ONGOING)
ParanormalSeries in collaboration with @AncientRuinsOfficial "Don't go looking for darkness. You might end up finding out that it has been looking at you... From the start." Huli na nang marealize ni Gwen na totoo ang kasabihang "Ignorance is bliss." She was...