Naramdaman niya ang rumaragasang hanging sumasalubong at ang mabilis na paghila pababa ng lupa.
Nakakatakot... Para siyang lumilipad ngunit nakakaiyak na hindi patungo sa mga ulap ang punta niya...
Matatapos din ito agad...
Maililigtas rin niya kahit ang kapatid lamang niya mula sa mga nilalang na ito.
All of a sudden, her downfall stopped.
Bumagsak na ba siya sa lupa?
Sa gitna ng pinaghalong takot at hinagpis ay naramdaman niyang isang pares ng mga braso ang nakapalibot sa kaniya.
What is happening??
Nang tingalain kung sinuman ang nagmamay-ari ng mga brasong iyon, hindi niya inaasahang makita ang mukha ng lalaking akala niya ay panaginip lamang niya.
"Hindi ko akalaing magagawa mo 'to Miss Suarez... A coward's way out."
Si Zael. His eyes were glowing blue again. Bakit ba nagugulat pa siya na nakakalipad ito sa ere?
"Wag mo kong ibabalik sa kaniya! Please!" pagmamakaawa niya. "I'd rather die kaysa malaman niya kung nasaan ang kapatid ko!"
Ngunit hindi man lamang siya nito nilingon habang nadarama niya ang marahang pag-angat nila pabalik sa ika-limang palapag.
"Zael!" Tinanaw niya ang papalapit na balkonahe. Nakakatakot mang isiping ilang metro ang layo nila sa lupa, higit niyang kinatatakutan ang magbalik sa itaas. Naruon at nakatanaw sa kanila si Ravel, glowing red eyes so evident on the natural light. "Oh my God, magkakilala kayo! Pareho kayo ng lalaking iyan!"
Nagpumiglas siya. Oo takot siyang mamatay ngunit hanggat kaya niya pa ay mas gugustuhin niyang mawala siya kaysa ipahamak ang kapatid niya. She needs to do this now or else she might lose the courage to sacrifice herself.
"Tumigil ka sa kalilikot mo Miss Suarez. Hindi ako natutuwa."
Naramdaman niya ang paglapat ng mga paa ni Zael sa sahig.
Shit.
Lalo niyang pinag-igihan ang pagpupumiglas. Ngunit kulang ang sabihing malakas para idescribe ang lalaking to.
He clamped down on her legs and arms, hard enough na hindi man lang niya maikilos ang mga iyon.
She's an athlete. Hindi siya mahina. Ngunit tila wala ni katiting na epekto sa lalaki ang ginagawang pagpupumiglas niya maliban sa inisin lamang ito.
"Titigil ka, o ihahagis kita sa lugar kung saan habang buhay kang hindi makakaalis."
Seryoso ba ito?! She stopped moving. Kung mabubuhay na lang din naman siya, dapat gamitin niya ang pagkakataon para makabalik sa kapatid niya.
"I see you catched my entertainment."
Lalo siyang nanigas sa mga braso ni Zael nang marinig ang malumanay na boses ni Ravel.
Nalingunan niya itong malapit sa kanila.
Naghanda siyang lumaban sa oras na maibaba na siya ni Zael. Hindi niya alam bakit niya pa iniisip ang ganito kung sa umpisa pa lamang ay hindi na patas ang laban dahil sa ibang kakayahan ng dalawa.
But she has to fight. No matter what. She would go down kicking.
Ngunit hindi rin niya nagawa ang plano dahil pagkalapat ng mga paa niya sa semento ay mariing hinawakan ni Zael ang magkabilaang braso niya.
Wala siyang nagawa kundi muling harapin si Ravel.
"Tsk tsk. You could have died."
Tila ba isang nakakatawang bagay lamang ang binabanggit nito dahil sa paraan ng pagsasalita ni Ravel.
YOU ARE READING
Dark Immortals Saga: Azael (ONGOING)
ParanormalSeries in collaboration with @AncientRuinsOfficial "Don't go looking for darkness. You might end up finding out that it has been looking at you... From the start." Huli na nang marealize ni Gwen na totoo ang kasabihang "Ignorance is bliss." She was...