#1
"Zion!" tili kong sigaw ng tuluyan nya akong itulak sa talon. Rinig ko ang halakhak nya ng tuluyan akong bumagsak. Fuck this my brother.
Mabilis naman naka-adjust ang aking mata sa ilalim ng tubig. Ilang saglit lang ay bumagsak na rin sya sa tubig.
Habol ko ang aking hininga. Suminghap muna ako ng makaahon dahil sa kaunting tubig na pumasok sa aking ilong.
"What happened to your nose, Ate?" Zion asked, meters away to me. Umikot ang aking mata sa ere. Humalakhak na naman sya. Iniinis pa talaga ako. Itinulak ko ang tubig sa kanyang mukha ngunit agad nakalayo. Hinabol ko pa sya ngunit mabilis syang kumilos. Mahapdi na tumama sa aking mukha ang kanyang ganting tubig.
Halos halakhak lang namin maliban sa ingay ng talon ang lumukob sa magubat na bahagi na lugar.
"You sure to your chosen track, Ate?" sa gitna ng aking paglalangoy. Tumaas ang kilay ko sa kanyang tanong.
"You don't believe to your sister?" mapanuya kong tanong. Alam ko namang matalino sya at average lang ako kumpara lang sa kanya. I decided to take Academic track, since I am going to senior high this coming school year. Magulo pa ang utak ko kung ano bang strand ang pipiliin ko.
"You sure about Accountancy, Business and Management?" sa bawat tanong nya ay kunti na lang ay ma-offend na talaga ako.
"Not fully sure" ngisi kong sagot. Tumulak muli ako ng tubig sa kanyang mukha.
"Eh hindi ka pala sure doon. Bakit 'yun ang kukuhain mo?" tumigil ako sa aking ginagawa. Masungit ko syang tiningnan.
"Ako ba iniinsulto mo, Zion?"
"Of course not! Why would I?" tumaas ang aking kilay sa kanyang sagot.
"Kanina kapa nakaka-offend. Parang minamaliit mo ang aking kakayahan." may bahid ng lungkot ang aking boses. Gumuhit ang kaseryusuhan sa kanyang mukha. Dahan dahan syang naglakad sa tubig palapit sa akin. Halos lumapad ang ngiti sa aking mga labi.
He stopped when he saw my smile. Bago pa sya makalayo ay tuluyan ko tinulak ang tubig sa kanyang mukha dahilan para mapaubo sya.
"What the heck, Zovena!" sigaw nya sa akin. Humalakhak ako sa kanyang reaction.
"Kwits!" bago ako tuluyang umahon.
Sumunod si Zion sa akin sa malaking bato kung saan ang kanyang relo. Mabilis nya iyong dinampot upang tingnan kung anong oras na.
"Kailangan na nating umuwi, Ate. It's 3:30PM already. Mapapagalitan na tayo ni Mama." tumayo na agad ako bago kinuha ang tuwalya. Sinampay ko iyon sa aking dalawang balikat upang matabunan iyon. Medyo madamo ang daan pauwi, ayaw kong masugatan dahil doon.
Gusto ko pa sanang manatili doon ngunit may curfew kami kay Mama. Tamad akong naglakad kasunod ni Zion. Nilingon ko ang talon na aming inalisan. I'm gonna miss this place. One week after this vacation, ay balik eskwela na kami. And I'm sure, na hindi na ako makakabalik dito dahil sa daming gawain sa paaralan. Lalo na ngayon sasabak na ako sa Senior High.
Nakalabas na kami sa kagubatan ng mga Villamonte, one of the richest family in this province. Halos kalahati ng lupain sa probinsya ay pag-aari nila. Bumungad sa amin ang kanilang malawak na rancho. Naroon ang kanilang mga trabahador na nagpapastol ng kabayo o kaya ay baka. Ang iba naman ay inilalagay na sa kwadra ang mga kabayo. But one more thing that caught my attention are the group of teenagers, malakas itong nagtatawanan habang sakay ng kabayo. Tig-iisa. Nagkakarerahan siguro.
Apat sila na magkakasunod. Naiwan ako ni Zion dahil bahagya pa akong napatigil para panoorin sila. Muntik pang mahulog ang isa dahil sa pagdaan ng isang kabayo sa gilid nya. I heard him cursed and raise his middle fingers.