DLMF 4

17 0 0
                                    

#4



Iniuwi lang naman talaga ako ni Vander. Wala ng iba pa. Masyado lang talaga akong naparanoid sa senaryong nakita ko sa kanya.

"Sinong naghatid sa'yo, Ate?" Zion asked me. Nakaupo sya sa aming bangkong kawayan sa labas. Hinihintay pala ako. Ini-lock ko ang aming gate na gawa sa kawayan at kahoy bago maglakad papasok.

"Si Vander." maikli kong sagot. Hindi na sya nagtanong pa at naglakad na din kasunod ko.

Nasa kusina si mama na naghahanda ng aming pagkain. Hindi nya ako sinermunan dahil gabi na ako nakauwi. Sanay na sya sa akin kapag ganun. Naiintindihan nyang baka naglalakad ako pauwi kapag hindi nasusundo ng motor ni Zion.

"Bakit hindi mo ako sinundo?" tanong ko sa aking kapatid. Nakaupo na sya sa sala namin ngayon, nakaharap sa libronh wari ko ay may quiz sya.

"Flat gulong ko." sagot nya sa akin.

"Bakit di ka nagreply?"

"Expired na load ko."

Napabuntong hininga na lang ako. Ang malas ko naman talaga ngayong araw. Walang tricycle kanina sa labasan ng paaralan ko. Flat ang gulong ni Zion kaya di ako nasundo kanina. Na expired ang load kaya di nakapag reply.

Pero malas din ba tawag dun sa paghatid kanina ni Vander. Naalala ko na tahimik lang ako sa kanyang sasakyan kanina. Hindi ko makapa ang aking sasabihin kaya ginusto ko na lang na manahimik. Ang kaba sa aking dibdib kapag malapit sya ay nanatili pa din. Hindi ko alam kung bakit ganun ang epekto nya sa akin.

Matapos ang aming hapunan ay nagpasya na akong magreview para sa quiz ko bukas. Ang daming terms na naman ang aking tatandaan. Mabuti na lang wala sa general mathematics kundi ay hindi ko na alam ang aking gagawin.

"Fucking shit! Naiinis na ako sa strand na pinili ko!" mura ni Jesseih ng nagkasabay kami papasok ng campus. Hawak nya ang kanyang notebook habang ako naman ay isang papel lamang na kung saan nakalagay ang mga terms.

Pagkababa ko ng tricycle ay sya ding pagbaba nya kaya nagkasabay kami papasok. Iilan pa lang ang estudyante sa campus. Maaga lang talaga kami pumasok ni Jesseih. Dumiretso kami sa library habang nagmamaktol sya sa pagrereview. Kahit naman ako ay umaangal din. Sa dami ba naman ng terms na dapat tandaan tapos iilan lang ang mapapasama sa quiz. Iyon ang nakakainis e.

Lumipas ang isang linggo na puno kami ng gawain. Sobrang stress ang dulot noon sa amin. Baka tama nga si Zion dapat ay pinag-isipan ko muna ang pinasok ko. Pero wala na akong magagawa, andito na ako ipagpatuloy ko na lang.

Sabado ng magkaroon ako ng pahinga. Wala si mama ngayon dahil sa kanyang trabaho mansyon ng mga Villamonte. So Zion naman ay may practice ng basketball para sa nalalapit naming intramurals.

Winalisan ko ang aming bakuran upang may magawa naman ako sa maghapong dadaan. Bilin din ni mama iyon dahil tambak na ang dahon mula sa punong nasa loob ng aming bakuran.

"Good morning, Zovena!" agad akong tumingin sa bumati sa akin sa labas ng aming gate. Sumalubong agad sa akin si Gray na may malapad na ngiti. Sakay sya sa kanyang motor habang nakasuot ng jersey shirt.

"Good morning, Gray! San practice nyo?" tanong ko. Nasa kanyang harapan ang isang bag na sa wari ko ay naglalaman ng kanyang mga gamit. Basa pa ang kanyang buhok at nanunuot sa aking ilong ang kanyang pabango.

Lumabas din ang ganda ng kanyang braso sa damit na kanyang suot. Nakatukod ang paa nya sa kongkretong kalsada para maging suporta sa kanyang motor.

"Sa gym." maikli nyang sagot. Agad nyang kinalkal ang kanyang bag sa hindi ko malamang dahilan.

Iniabot nya sa akin ang libro ng sa pareho naming subject. Naalala ko hinihiram ko nga pala ito sa library ngunit naubusan ako. Kaya nagpresinta sya na ipapahiram nya sa akin ang ganun nyang libro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villamonte Series #1: Don't Let Me FallWhere stories live. Discover now