#2
"Sa falls kayo magrereview, Ate?" my brother asked when he saw me putting my things in my mini bag.
"Yeah" maikli kong sagot.
Isang linggo pa lang ay madami na agad kaming mga quizzes. Ngayon pa lang ay parang gusto ko ng sumuko.
Hindi ko naman alam na sobrang hirap pala talaga nitong pinasok ko. Mukhang tama nga si Zion. Dapat sinigurado ko muna ang desisyon ko. Hindi yung ganito ako ngayon, gusto ng sumuko.
"Are you going to shift to another strand?" he is busy also, putting his things in his bag.
"No. I can do it!" masigla kong sagot. Binigyan kami ng isang linggong palugit para makapagdesisyon kung anong strand talaga ang aming kukuhain. Wala akong balak lumipat. It is my choose, I can do it and I will fight for it. Talunan ang taong hindi kayang tapusin ang kanyang nasimulan.
"Are you going with me?
"No. Ihahatid lang kita doon. Madamo ang daan, Ate. Baka may ahas." how sweet he is. Napakaswerte nga namin dito ni Mama kay Zion. Bukod sa masipag na, maalaga at mapagmahal pa.
"I'm not sweet. I'm concerned to you." ngumisi lamang ako. He always denied that he is sweet. Wala daw iyon sa kanyang katawan. Sinong niloko mo, Zion? Ako pa talaga na ate mo?
Mainit na tumama sa aking balat ang sikat ng araw habang sinasabayan naman ng mabining hangin para maibsan ang aking pawis.
"Sino kasama mo ba doon, Ate?"
"Si Jesseih." maikli kong sagot. Tumango lamang sya bilang tugon.
Napadaan kami sa rancho. Tahimik iyon tanging mga trabahador lamang ang naroon.
Sa isang linggong nagsimula ang aming klase ay nakilala ko na rin ang nag iisang babaeng Villamonte.
Calixta Avery Villamonte. We are in the same strand. Hindi pa nga lang ganun nakakapag-adjust sa amin. Marahil ay laking Manila sya kaya hindi pa sya sanay.
Madalas syang umuwi ng maaga. Hindi din sya gaanong nakikipag-usap. She a bit spoiled I guess. Nalaman ko iyon ng minsang may magtangkang kumausap sa kanya.
"I said I'm busy. Can't you get it?" she said to our classmates. Mula noon wala ng gaanong kumakausap sa kanya kung hindi naman kailangan.
Ganun nga siguro kapag mga galing lungsod. Bigla ko na lang naalala ang pinsan nyang si Vander. Suplado nga din ito ng una ko itong makita sa falls. Kahit naman sa campus namin ay ganun din ito. He is in the 12th grade. We are in the same strand also. Also Rehan he is in the same strand.
May mga business kasi ang mga ito kaya siguro pare-parehas sila ng kinuhang strand. Related sa business and management.
"Hindi ko sure na masusundo kita, Ate. Umuwi kana lang bago ang curfew natin. Ingat." paalam sa akin ni Zion ng marating namin ang falls.
"Oo. Ikaw din mag-ingat ka." tumango lamang sya bago tuluyang tumalikod na sa akin.
Tahimik pa ang falls tanging lagaslas lamang ng tubig ang ingay at huni ng mga ibon. Bumababa na ako sa lamesang gawa sa kawayan at inilapag ang aking gamit doon.
Nagtipa ako ng mensahe sa aking cellphone para kay Jessieh.
'Hey I'm already here.'
Mahina lamang ang signal kaya medyo matagal bago ito magsend.
Kinuha ko na lamang ang aking mga notes para simulan ang pagrereview.
It took one hour but still no Jessieh come. Mabilis kong tiningnan ang aking cellphone.