"Okay lang na kayo rito ni Cza?" Tanong ni nanay matapos niyang ayosin yung mga gamit ko. I'm fine being alone but nanay asked--more liked forced Cza to live with me para daw may kasama ako. Damn mother's instincts! Ano akala ni nanay sakin bata?
"Opo nanay", sagot ko habang inaayos 'yong mga damit ko sa closet.
I'm a bit scared coz I've been sheltered my whole life. Ngayon lang ako malalayo sakanila. Malayo kasi ang Isabela dito sa Manila kaya kailangan kong magcondo. Hindi pa kasi tapos yung bahay namin dito Taguig kaya condo na muna daw.
"Tawag lang kayo sakin kapag may kailangan kayo ha? Magluto-luto din kayo para hindi puro take-out kakainin niyo. Maglinis-linis ka din Lukas at nakakahiya kay Cza kung tamad ka. Ang tamad-tamad mo pa naman." Napa-irap nalang ako sa closet ko habang sinasabi ni nanay yon.
Ewan ko ba jan sa nanay ko at puro yung katamaran ko yung nakikita niya. Alam ko naman yung mga gawaing bahay dahil wala kaming kasambahay pero hindi ko lang ginagawa hahaha. Makapaglinis nga mamaya para walang masabi si Czarina.
"O siya sige uuwi na kami ng tatay mo anak. Baka nababagot na yun sa baba."
Nagpaalam muna ako kay Cza na ihahatid ko muna si nanay sa baba ng condo. Luluwas din sila ngayon pa-Isabela dahil kailangan nilang asikasuhin yung clinic namin doon.
"Mag-ingat kayo ni Cza dito ha. Dadalaw nalang kami ng tatay mo kapag may time kami." Niyakap at hinalikan na ako ni nanay.
"Mamimiss kita baby girl. Mag-ingat ka dito ha. Kapag may lalapit sayo na lalaki suntukin mo agad para lumayo sila." Seryosong sabi ni tatay.
Natawa nalang ako sa sinabi ni tatay. Niyakap at hinalikan ko nalang siya sa pisngi.
"Oo na po. Ingat po kayo sa byahe. Tatay huwag masyado mabilis magdrive ha."
"Sige alis na kami anak. Ingat kayo dito ha."
"Opo."
Both of my parents are doctors pero magkaiba sila ng speceialization. Naiisip ko palang iyong bahay namin nalulungkot na'ko. I grew up without a sibling. Dahil siguro busy ang parents ko. Ngayon lang ako mahihiwalay sakanila. Just the thought of it makes me tear up.
Pagkaalis nila nanay ay umakyat na ako. I saw Cza watching Netflix noong pumasok nako ng unit. I was about to ask her what to cook noong naisip ko na may iniwan pala si nanay na lutong ulam para samin. So I went to kitchen and took the adobo and reheat it.
"Cza anong oras pasok mo bukas?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya. Cza's taking accountancy at medtech naman sakin.
I want to take up architecture or civil engineering sana kasi marunong ako gumawa ng mga floor plans. Pero ayun nga gusto ng mga magulang ko na magdoctor ako. Saka nalang daw yung gusto ko kapag naging doctor nako. Seriously? 10 years kaya akong mag-aaral bago maging doctor, depende pa kung anong gusto kong specialization. Bahala na si Lord sa buhay ko. Baka mamahalin ko din ang pagiging doctor.
First day of classes tomorrow at kinakabahan ako ng sobra. Yung feeling na wala kang kakilala sa school and feeling mo mawawala ka.
"7 am. Ikaw?" Sabi niya habang nakatutok parin sa tv.
"7am din. Sabay na tayong maglunch bukas ha? Para may kasama ako."
"Oo na."
"Lika na kain na tayo. Maaga pa tayo bukas." Yaya ko sakanya kasi narinig ko na yung microwave na tumunog.
Tahimik lang kami habang kumakain kasi ewan ko dito sa best friend ko na to ang tahi-tahimik. Diko nga alam kung pano ko to naging kaibigan e. Walang initiative na magsalita.
Pagkatapos naming kumain nagpresenta siya na siya na daw maghugas kasi pagkain ko daw yung kinain namin. Ewan ko sakanya. Bahala siya jan haha.
Inayos ko muna yung mga gagamitin ko para bukas para hindi na ko mataranta kapag late akong nagising.
Shems! Kinakabahan talaga ako para bukas. Sana naman may mahanap ako na kaibigan na matino.
--Sineeshiin ❤️

YOU ARE READING
Almost Over You
Fiksi RemajaThis story shows that not all relationships were perfect. That love isn't enough to make relationships stronger. Lukas and Kiel loved each other. Trust and faithfulness were there but time, time wrecked them apart. Lukas left. Kiel... he moved on. ...