Munimuni #1BAWAT PIYESA
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places , events, locales, and incidents are either author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
PROLOGUE
"Sama ka, Clarize?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Chester.
"San ba?" ngisi ko sa kanya.
"Nasa City High yung paborito mong banda." Sagot sakin ni Francesca.
Inubos ko ang frappe na iniinum ko at tinignan kung anong oras na sa cellphone ko. Magaala-sais y medya pa lang naman eh. Wala naman akong trabahong tatapusin ngayon and Sunday naman bukas kaya for sure, walang trabaho.
"Hihintayin ko muna mag-seven pm. Baka may ipagawa na naman na Financial Report yung Boss ko. Pagalitan na naman ako." Sabi ko.
"Bakit ba ayaw mo pa dyan umalis?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Sean.
"Maganda benefits." Sabay agaw ko sa frappe ni Jessy.
"Mang-aagaw ka talaga," sabi sakin ni Jessy. Inirapan ko lang sya.
"Ano? G ka ba? Ngayon na lang ulit tayo magkakasama tapos aalis ka pa ng maaga." Ulit na naman ni Chester.
"Teka lang. Teka lang. Teka lang munaaa!" pakantang sinabi ni Sean kaya agad syang sinapok ni Jessy sa ulo. Inirapan lang sya ni Jessy ng tumingin ito. Napatawa na lamang ako sa dalawa.
"G na ba?" Tanong ulit na sa akin ni Chester.
Nagkibit balikat ako sa mga kaibigan ko bago ako magsalita.
"Game." Ani ko.
Agad naghiyawan ang mga kaibigan ko kaya napatakip ako ng tenga. Agad kaming sumakay sa kotse ni Chester. Nagrereklamo pa sya nung una kung bakit sasakyan nya ang gagamitin eh sya naman itong nagyayaya ngayong Sabado para magkita-kita. Sabaw talaga.
Agad kaming nakarating sa City High at puno agad ito ng maraming tao.
"Glad to be back!" Sigaw agad ni Sean.
"Tanga ka talaga, ano?" Tanong sa kanya ni Cesca.
Inambahan lamang sya ni Sean sa likod pero nang humarap si Cesca agad naman tumiklop ang lalaki. Bading.
Napatingin ako sa paligid. Wala pa ring nagbago. Ganon pa rin ang itsura ng bawat building pero iba na ang pintura. Yung gymnasium ganon pa rin. Yung oval, mas dumami ang punong nakapalibot tapos mas dumami rin ang upuan.
"Aah, I really missed this place!" madramang sinabi ni Jessy.
"Ba't naman nakakamiss? Dito ka ba pumasok?" Pamb-bwisit ulit ni Sean dito.
"Pwede bang izipper nyo muna yung mga bibig nyo? Nakakarindi na kayo ha?" Iritadong sinabi ni Cesca. Palihim pa ring nagbabayangan ang dalawa kaya napairap na lang sa kawalan si Cesca. Well, hindi ko rin naman sya masisisi. Totoo naman ang sinabi nya.
Hindi kami dito pumasok. As in hindi. Pumupunta lang kami dito pag ganitong College Fair. Suki kami dito ng mga fair nila nung nagaaral pa kami. Mahilig kasi kami sa mga banda kaya ganon. Nakakamiss lang talaga.
BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa
RomanceMUNIMUNI #1 Buong buhay nya, akala nya kaya nya lahat. Well, totoo namang kaya nya ang lahat. She's a leader and always have a solution to every problem she faced! All her life, she was really used to being independent and believe that she can do ev...