Nasaan na ba kayo? - Henz
It felt like I was running for my life! Paano'y mali ang sinabing oras sa akin ni Jica. Kung hindi ko pa nakita 'yung ticket ni Henz ay hindi ko malalaman.
Mahirap talaga kapag walang road manager na nagaasikaso ng lahat; napaka-prone sa ganitong pagkakamali. Kaya hindi ko maintindihan kay Ms. Ana kung bakit hinahayaan niyang mag-mall show si Henz ng walang RM. Tuloy nadodoble ang trabaho ni Jica at Olan.
Isa pa, sa Tacloban ang mall show ni Henz! Who in their right mind would let a very popular actor go there by himself?! Sobrang istrikto pa sa akin ni Ms. Ana noon e hinahayaan lang naman niya si Henz ngayon. Sana man lang nagpasama siya ng event coordinator o kung sino man from the management. Malaki ata ang tiwala niya sa glam team nito pero syempre iba naman ang trabaho nila talaga. She shouldn't expect everyone to do more than what their job title says.
Why are you not even replying? - Henz
Ipinahiram muna sa 'kin ni Jica 'yung company phone niya. Ayaw din naman niyang kulitin siya ni Henz dahil sa hindi nila pagsipot kaya heto't ako ang nakakatanggap ng mga texts nito ngayon. I'm just doing this because I care enough.
Nauna dapat kayo sa 'kin - Henz
Nandito naman na ako sa airport ngayon. Kaya lang dahil boarding time na, halos liparin ko na makarating lang sa Terminal 3. I don't have time to answer his texts. Mas nape-pressure lang tuloy ako ngayon dahil sa parang life-threatening ang mga texts nito.
Kahit kasi gustuhin ni Henz mauna, si Jica ang may hawak ng boarding passes at gagamitin nito sa show – well ako ang may dala ngayon to be exact.
Nabangga-bangga na ako sa mga taong nakakasalubong ko pero pakiramdam ko mas lumalayo pa 'yung dapat kong puntahan. Ang hirap naman kasi nito't may dala akong malaking bag sa likod ko at maleta. Bukod kasi sa mga gamit ni Henz, dala ko rin ang mga gamit ko. Ngayon ko lang naramdaman na sana iniiwan ko na lang ang gamit ko. Mabuti na lang talaga't mahaba ang biyas ko kaya 'yung isang hakbang sa iba ay parang dalawa na ng akin.
Uuwi na ako. - Henz
"Wait!" sigaw ko habang tuloy pa rin sa pagtakbo. Nakikita ko na kasi si Henz ngayon. I'm not sure if he already saw me dahil nakasuot siya ng shades at nakasumbrero. Binilisan ko na lang lalo ang takbo ko hanggang sa nasubsob na 'ko sa kanyang dibdib dahil hindi kaagad ako nakahinto.
"Sorry!" sabi ko habang hawak-hawak niya 'ko sa magkabilang braso. I could feel a fast heartbeat although I'm not sure if it's just mine. Ngumisi ako sa kanya at agad tumayo ng maayos. 'Yung buhok kong halos tumakip na sa mukha ko ay iniayos ko na rin ng bahagya.
"What are you doing here?" Dahil sa shades, hindi ko makita ang mga mata niya. All I could see was his furrowed brows. Of course, what was I expecting? He wouldn't welcome me with open arms after what happened between us.
"Sorry I'm l-late. Mali 'yung o-oras na nabigay sa 'kin," Naghabol pa ako ng hininga kaya hindi ako makapagsalita ng maayos. Nakangisi ako habang naka-poker face lang siya sa 'kin.
Narinig namin pareho na tinatawag na ang mga pangalan namin sa speaker. Siguradong kanina pa kasi nakasakay ang ibang kasabay namin at last call na ngayon. I know we don't have enough time left if we stay here and chitchat.
"Nasaan sila Jica at Olan?" Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin ngayon. Wala ring emosyon ang kanyang pagsasalita. Kung ibang tao ang kausap niya, siguradong natakot na sa kanya kaya lang iba naman pagdating sa akin. Sanayan lang din talaga siguro.
"I'm here as an outsource make-up artist and stylist!" Kunwari'y masayang balita ko pero hindi nagbago ang itsura niya. Mas kumunot pa yata ang noo niya.
BINABASA MO ANG
To Where the Wind Beats
Chick-LitLouise Sevilla is a free soul with a hard shell. Kaya imbes na makapagtapos ng pag-aaral ay mas pinili niyang magtrabaho na at mag-ipon para matupad ang kanyang pangarap. Her only dream is to be capable of going anywhere she wants to or wherever her...