Chapter 56

219 10 5
                                    

"Sigurado ka bang may mapapala kami sa gagawin mo?" tanong ni Ms. Ana habang dahan-dahang hinihimas ang sentido niya. Sa ilang beses na pakikipagusap ko sa kanya, ganito palagi ang nagiging reaksyon niya. Halatang iritang-irita na itong makita 'ko at kung pwede lang ay kanina pa ako itinaboy.

Alam kong kumplikado ang plano ko at posible ring hindi umubra, pero mas gugustuhin kong subukan namin ito kaysa habang buhay na matakot. Paano naman kasi kami mananalo kung hindi kami lalaban?

"Kung hindi man sumangayon ang lahat sa plano ko, sisiguraduhin kong ako ang aakap ng bombang pasasabugin ko."

Nakatitig ngayon si Ms. Ana sa akin na para bang gulat na gulat sa sinabi ko. Hindi ba siya makapaniwalang ako na ngayon 'yung Lou na noo'y hindi makapagsalita sa sobrang kaba't hiya? Ako naman ang nakaisip ng lahat, dapat lang na kapag nagkaloko-loko, ako lang ang maapektuhan. Ayoko nang mandamay pa ng iba.

"Okay... I'll trust you this time Lou."

"Salamat po-"

"And you're doing this just because you want to pay your 1 million debt to Henz as soon as possible. Tama ba?" humalukipkip siya at inayos ng bahagya ang suot na salamin. Alam niyang hindi lang ito ang dahilan ng gagawin ko. "That's it right?"

Hindi na ako nakasagot dahil nakarinig kami ng pagkalabog galing sa labas ng pinto. Lumapit agad ako at binuksan ito pero wala namang tao sa paligid. Guni-guni?

Nang akala ko'y makakapagpatuloy pa kami sa paguusap, may dumating ng ibang road managers at unti-unting napuno ang conference room. Nagpatawag kasi ng meeting si Ms. Ana sa amin para pagusapan ang darating na charity event ng kumpanya. Mas maaga lang akong nakipagkita sa kanya para masolo ko siya.

"Good morning everyone!" masayang bati ni Trisha sa lahat. Oo nga naman, pwede ba siyang mawala sa meeting na 'to?

Gaya ng dati, masama pa rin ang tingin nito sa akin pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng pinto. Siguro ay kung may past life man, magkaaway na kami doon pa lang. Hindi ko rin naman gugustuhing makipagkaibigan sa kagaya niya.

After everyone has settled down, nagsimula na si Ms. Ana na magsalita.

"So alam niyo naman ang agenda ng meeting natin today. It's about the upcoming charity event of our company. Piling artista lang ang nakakapunta rito at dahil doon, pili lang din sa inyo ang makakasama."

Nagbulungan ang lahat. Nakakagulat na kahit taon-taon naman na 'tong nangyayari, excited pa rin sila gaya ng dati. Napatingin ako kay Ms. Ana at bahagya siyang tumango sa akin bago ibinaling ang tingin sa lahat.

I've heard of this event before but I was never chosen. Usap-usapan kasi ito madalas ng lahat pero palagi kaming busy ni Henz sa araw kung kailan natatapat ang event kaya hindi kami nakakapunta. Syempre gusto rin ni Ms. Ana na samahan ko lagi si Henz.

Pero sabi naman ni Henz, ngayong taon ay pinilit siyang magpunta rito kasama si Rachel para sa pelikula nila. Pagkatapos kasing lumabas ang issue tungkol sa relasyon ni Rachel at Calix, takot ang management na ma-flap 'yung pelikula nila ni Henz. So they're trying to do precautionary measures as early as now.

"Dapat ngayon alam na ng lahat ang kahalagahan ng event na 'to. Dito nagpapaangatan ang ilan sa mga alaga niyo. Mula ulo hanggang paa walang kawala sa mga mata ng tao. Kaya tinututukan talaga ito taon-taon ng media. May live coverage mula sa iba't ibang media outlets kaya siguradong kakalat ang balita tungkol dito mapa-online, papel, o TV man 'yan."

To Where the Wind BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon