"You're seriously asking us to go shopping with you?!" tanong ni Jica na halatang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko. Naiwan namang nakabukas ang bibig ni Olan dahil 'di siya makasabay sa nangyayari.
Bigla ko na lang kasi silang inayang mag-lunch at ngayong nakatapos nang kumain, sinabi ko na gusto kong magpasamang bumili ng mga damit.
"Oo nga!" pang-ilang beses ko na yatang sagot sa kanila.
"Para ba 'yan sa ball Ma'am?" tumili si Olan bago ko pa masagot ang tanong niya.
Kailangan kong magpatulong sa kanila maghanap ng magandang damit na pasok sa theme ng party. Malaking event ito dahil lahat ng mga artista na nakapirma sa management namin ay pupunta. Bukod pa rito, pagkakataon ko nang makilala at makausap ang ibang empleyado rito.
Bukod sa pagbili ng susuotin sa ball, balak kong isabay na rin ang pamimili ng mga pangaraw-araw kong damit para sulit naman 'yung paglabas namin. Ayoko na ring maulit 'yung nangyari last time na pangmamata sa akin ng mga katulad kong RM.
Tumayo na ako pagkakuha ng bag ko. "So sasamahan niyo ba ako o sasamahan?" tanong ko habang nakapameywang sa kanilang harapan. Tumingin sila sa isa't isa, ngumiti bago sabay na tumango.
Nakapagpaalam naman na ako kay Calix. Sinakto kong wala kaming promo sched kaya nakapag-half day ako ngayong araw. Ayos lang din naman dahil may personal din daw na lakad si Calix.
Paglabas namin ng restaurant, hinila agad ako ni Jica sa mga paborito niyang boutique. Isinabay na nga namin sa paghahanap ng neon color na damit ang pagbili ng iba pang damit na gusto ko.
At dahil expert si Jica pagdating sa fashion, isang tingin pa lang sa mga damit na naka-display alam na niya agad kung ano ang kukunin. Kumuha siya ng sunod-sunod mula sa clothing line ng boutique at lahat ay inabot sa akin para isukat.
We've spent the whole afternoon searching for the perfect clothes. Wala naman akong problema sa pangaraw-araw na damit kong pamasok lalo na't ang hilig ko naman ay mga blazers. Ayaw pa nga sana ni Jica dahil magmumukha raw akong old-fashioned pero niremedyuhan na lang niya.
Kapag daw nagsuot ako ng blazer, i-partner ko ito sa plain shirt at pantalon, shorts o skirt. Pagdating sa kulay, puro pastel color, black, grey, at white ang pinili niya para sa akin. Mas madadalian na raw akong mag mix and match pag ganito.
Sa paghahanap ng damit, halos buong mall ata nalibot na namin.
"Sigurado ka bang neon color dapat?" tanong ni Jica sa akin na halatang gaya namin ni Olan ay napagod na rin sa paglalakad. Lalo na ako at nakailang sukat na rin ako ng damit. Kaya talagang ayaw kong namimili e dahil bukod sa butas na nga ang bulsa mo, pagod ka pa.
"Ayun 'yung nakalagay sa invitation e," sagot ko. Kahit ipakita ko pa 'yung card, iyon naman ang nakalagay. Ang hirap lang talaga makahanap ng disente't magandang damit na ganito ang kulay.
"Hindi ko pa kasi nakakausap si Henz tungkol sa ball e. Medyo weird lang ng theme this year. Bukod sa semi-formal na nga, neon color pa. Ano kayang pumasok sa isip ng mga organizers this year..."
Tumigil kami sa sikat na boutique at mauupo muna sana nang tumakbo si Olan papunta sa mga damit na nakasabit. May kinuha siya mula rito na dress na agad niyang itinakbo sa amin.
"Wow!" tumayo si Jica at tiningnan ng mabuti 'yung damit. Itinapat pa niya 'to sa akin.
Kung ikukumpara ito sa mga nakita namin, ito na ang pinakaeleganteng damit na may neon color. Neon green ang kulay ng skirt nito at black naman 'yung top, although medyo daring lang ito para sa akin dahil litaw ang isang hita kapag sinuot pati 'yung gilid ng beywang ko.
BINABASA MO ANG
To Where the Wind Beats
ChickLitLouise Sevilla is a free soul with a hard shell. Kaya imbes na makapagtapos ng pag-aaral ay mas pinili niyang magtrabaho na at mag-ipon para matupad ang kanyang pangarap. Her only dream is to be capable of going anywhere she wants to or wherever her...