Caela's POV
Simula nang away namin kagabi ni Caleb, parang lagi nalang masakit ang loob ko.
Edi ba tama naman ako? You never give a damn anymore. Saan ka busy? Sa school, sa mga personal issues mo o sa ex-girlfriend mong si Gigi? So, don't even dare to say that you did something special to me. 'Cause you did nothing. Nothing, Caleb."
"Poreber ka nalang ba tutulala dyan girl?" napalingon ako sa nagsalitang yun. And I saw Louise. "Kanina pa ko nagtatanong sayo dito. At alam kong hindi mo nanaman narinig for a hundred times."
"Sorry. Louise ha. Masyado lang masakit ang ulo ko ngayon."
"Halata nga, girl. Wait, is there any problem?" I looked at her. "Hindi ko ba pwedeng malaman?"
"It's about Caleb.."
"Ooh, your bestfriend? Oh bakit? Warlalu kayo?"
"Yea. Nakita nya ako sa Park kasama si Edrei. Galit na galit sya."
She grinned. "Alam mo, nagseselos lang yun" napatingin agad ako sa kanya.
"Selos?"
"Yea. Selos. Hindi ba uso ang word na yun sa inyo? Haha nagseselos ang isang lalaki pag may kasamang lalaki ang isang babae."
"Hindi mo naman kailangang ipaliwanag, Louise. Saka iba naman ang analysis mo e. Magbestfriend kami, okay?"
"Haha, malay mo.."
"Louise!! Ano kaba."
"Woah, woah. Masyado kong defensive."
"Tinutulungan mo ba ko o nang-aasar ka lang.."
"Alam mo kahit mag advice ako, ikaw parin ang magdedecide. Pag ba sinabi konf kausapin mo sya eh kakausapin mo nga?"
"Hindi no!"
"See? Hangga't pinapairal nyo ang mga pride nyo, walang mangyari."
Napaisip ako dun. Baka nga ganun. Pero kasi.. tss. Nakakainis.
************************
PE ang pinakaboring na subject sakin. Kahit nung highschool palang bagsak ako sa MAPEH kasi ayaw kong sumayaw. Hindi naman kasi ako palasayaw eh. Siguro kanta pwede pa.
"Sports ang topic natin ngayon. Kaya sa lahat ng non-sporty, bahala kayong gumawa ng sarili nyong grade." sabi ng Prof. And wow, wala syang pakialam. That's college. "Kaya next week magkakaroon tayo ng laro."
Next week? -_-
Nagbigay lang sya ng module samin tapos dinismiss nya na kami. Grabe. Walang turo turo? Ge. <(-_-)>
Lumabas na ko, at papunta ako ngayon sa cafeteria.
Sana... kaya lang may natanaw akong---
Tapos kumaway sya sakin at tumakbo papalapit sakin. Tumalikod agad ako.
"Wait, Caela.." wth? Alam na nya ang pangalan ko. "I'm Gio, remember?" I gave him a flat look.
"Ilang beses ka na ba nagpapakilala sakin?"
"2 or 3?" then he chuckled.
"Psh.. Oh ano kailangan mo?"
"Sabay naman tayong kumain oh."
"So, Mr. Conceited ask for a lunch break? Odd."
He smirked. "I'm dead serious, okay?"
O----kay? May problema di ba sya? Bat sya ganyan kaseryoso? Kakaiba talaga ang isang to. I only shrug at him. Saka ko nalang namalayan na sumusunod na ko sa kanya habang hila hila nya ko.
At Cafeteria.
"So, you're Caela?" as he sips on his juice.
I rolled my eyes. "Yea. What's wrong with you? Diba dapat kinukulit mo ko? Diba dapat inaasar mo ko, dapat ginagalit mo ko pero----"
"Ganyan talaga ang pagkakakilala mo sakin?" he smirked.
"Dun ka kasi magaling." I rolled my eyes for the second time.
He chuckled. Walang umimik samin. As in, ang awkward ng ambiance. It might kill me so I decided to talk and talk and talk again.
"So, you're Gio.." wait. I give a damn?
"Bat ganyan ang muka mo? Parang naghehesitate ka pang magtanong. Wag kang mahiya sakin. Sige lang."
"Bat ka ba sakin sumabay? Pwede namang sa iba nalang."
"Bestfriend ka ni Caleb?" I think he's now DEAD DEAD SERIOUS than earlier.
"Y-Yea? You know him?"
"Ha? Of course." Of course? Bakit parang lahat ata sila kilala nila si Caleb. Si Louise din yun ang tinanong sakin nung first time ko syang nakita. I saw Gio, grinning at me. "Nakakatawa ka talaga! Hahahahahah."
"Bakit ba?"
"Wala naman. Masyado kang kinakabahan pag si Caleb ang usapan."
"Teka, bakit kilala mo si Caleb?"
"Ex-girlfriend nya ang bestfriend ko. Si Gigi."
**************************************************
Sorry kung late ako mag update kung minsan. X) Nakakalimutan ko kasi e. Sorry sorry po. ^_^ Please vote.