Chapter Six

20 1 0
                                    

Caela's POV

Halos magdadalawang oras na dito si Louise. At wala pa rin si Caleb.

"Huy, bat ka nakatulala dyan sa laptop mo?" tapik sakin ni Louise.

"H-Ha?"

"Ano, nagddaydreaming ka ba?"

I frowned at her.

"Hindi.."

"Eh anong problema?"

Sinara ko na yung laptop ko. Parang bigla akong tinamad.

"Tara, mag mall tayo.."

"Oh? Anong nakain mo, girl? Bigla bigla ka nalang nag aaya."

"Basta. Tara.."

********************************************

At Mall.

Nagsisisi ako nang makita ko ang sarili ko sa isang dresses area. Nakakainis. Girly nga pala itong kasama ko.

"Tshirt, jeans plus rubber shoes. Yun ang type ko, pwede?" binigay ko sa kanya yung dress na pinapasukat nya sakin.

"Ano ka ba naman, Caela. Minsan zmaging girly ka naman."

"I want just be plain, okay?"

"Alam mo kulang ka ng confidence sa sarili mo no? Kaya ka hindi nagkakaboyfriend eh."

"Tss. I'm not interested, anyway."

"Talaga? Kahit gwapo pa?"

"Kahit may isang milyon pa sya. Pwedeng tumigil ka na? Hindi mo ko mapipilit."

"Edi wag. Ako nalang." saka nya i spread out yung dress.

"Wait. Mag ccr lang ako."

Iniwan ko sya dun. Tss, ano ba kasing naisipan ko at sya ang sinama ko. Epekto ba to ng designs ko? Frustated na ko dahil sa promotion na gusto kong makuha.

After my peeing, napadaan ako sa isang bookstore. Siguro kailangan ko din to. Para iwas frustration. Pumunta ako sa area ng comedy books.

"Where's your bestfriend?" naagaw ang atensyon ko sa boses na yun.

"Ayaw sumama e."

Nacurious ako kaya sumilip ako. I saw Gigi and Caleb. That's what I thought. Kumuha lang ako ng isang libro tapos dumiretso na agad ako sa counter. Bago pa ako mainis.

"Di ko alam na mahilig ka palang magbasa.." napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Si Edrei.

"Ano kasi.." lumingon ulit ako sa direksyon nila Caleb at Gigi. And hell, nakatingin na sila ngayon. "Ahh, Edrei nagmamadali kasi ako.."

"Ganun ba?"

Dumiretso na ko agad sa counter. At binayaran yung book. Saka tumakbo palabas ng bookstore.

Haaaaay. Bwisit. Bakit ba kasi nandito sila? >:(

"Huuy, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." biglang sulpot naman ni Louise. Anobayan! Sulpot dito sulpot dun.

"Tara na nga.." pero for the last moment I glanced at the bookstore. At nakita kong palabas na sila ni Gigi. Saka ko naman hinila si Louise.

Bakit ba ganun nalang ako kainis pag nakikita ang babaeng yun. Parang anytime sasabog ang loob ko. I don't like her for Caleb.

*************************************************

Okay? Is it working? Or not?

Dumb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon