2nd
Emerie Marie's Point of View16 years old. Studying in East High Academia. 4th Honor. Cheerleader. Etc.
Nakaupo ako sa may sofa, dahil iniintay ko na naman si Ezekiel! Agh! Araw araw ko lagi iniintay yan eh! Parang babae kumilos! Napaka bagal! Kasama ko si Tita Tess dito at si Mama.
"Ezekiel! Bumaba ka na nga dito!" Sigaw ni ni Tita Tess. Dahil nahalata niyang bored na bored na ko ditey, kakaintay. Narinig ko ang tugon ni Ezekiel na matatapos na raw siya sa ginagawa niya. Tss, pero hindi pa naman. Tumayo ako, I can't take it anymore! Papasok na ko ng school mag isa!!
"Tita, Mama, aalis na po ako. " dumeretso ako sa pinto at nag abang ng trysicle. Tsk! Badtrip, wala pang masakyan. Halos 3mins na akong nag iintay dito sa may gate namin, kaso wala pa rin. Tumunog yung iPhone ko.
-Prince Lim
Hey, sasabay ka saken?Hindi ko siya ni-replyan. After a second, dumating na si Ezekiel. Tsk! Ngayon lang natapos! Pinaharurot niya ang motor niya, no way, hinding hindi ako sasabay sakanya!
"Em, sasabay ka ba saken?" Tinignan niya ako ng nakakaloko. Puta, ang yabang talaga! Pag ako nakabili ng kotse! Hinding hindi ko siya isasakay!
"No, thanks! Mag aantay nalang ako ng trysicle. Kesa sumakay diyan sa pipichugin mong motor!" Umirap ako at tumingin tingin kung may nadaan na sasakyan pero wala pa ren! Nakakabadtrip na pota!
"Bahala ka, may practice ka pa naman ng sayaw." tumawa siya. Nag suot ng helmet at akmang aalis na.
"Wait! Sige na nga, sasakay na ko! Bwisit ka talaga" sumakay na ako sa likuran niya at hinampas ko ang likod niya, ang bango kasi. Nakakainis!
"Aray!" Pinatakbo niya ng mabilis at nakarating kaagad kami ng school. Sabay kaming nakapasok sa gate at binati na naman ako ni Kuya Guard, hay nako alam ko namang may gusto sakin yang si Kuya Guard, ayaw pang umamin! Pagkarating namin ng gymasium, bumungad na naman sakin yung mga kabarkada ni Ezekiel, may dala dalang flowers(Roses) at isaisang binigay saken. Sino naman ang nagpakana neto? Kinuha ko isa isa. Argg, si Timothy pala. ^_^ crush ko to e<3 pero quiet lang guys.
"Hi, Em." inabot niya sakin yung teddy bear at chocolate. "Sana magustuhan mo to." marami ng tao ang nakatingin saamin. Grabe yung iba bini-videohan kame. Tas yung iba nag iiritan, yung iba naman nag bubulungan pa.
"Ahmm, thank you Timothy." Ngumiti ako at tinaggap ang chocolate at teddy bear. Kyaaaa! Kilig Vibes agaaaaaain!
"Tara? Sabay tayo pumasok sa room?" Ahhm wait. Kaklase ko nga pala tong si Tim, kinababaliwan yan dito sa Academia. Nasa pilot section kami, while yung ibang kabarkada niya nasa Section C. Section ng mga tarantado, at kasama diyan si Ezekiel. Nag lalakad kami papunta sa room ng maalala ko ang katarantaduhan ni Ezekiel.
"Tim, wag kang mag papa hawa ng katarantaduhan kay Ezekiel ha?" Sabi ko sakanya, eh buti nalang mabait to. Tumawa siya.
"Oo naman. Pero masaya naman siyang kasama ah." umakyat na kami sa hagdan ilang hakbang nalang makakarating na kami sa room.
"Kaya nga, kaso nga tarantado yon. Wag kang magpapahawa, kundi tutuk-tukan kita!" Nakarating na kami ng room nakatingin silang lahat saamin. Grabe, hindi naman kami Criminal no? Tumakbo saamin sina Bibay at Chang.
"Omg girl, kayo na?" Sigaw ni Bibay. Kahit kelan talaga napaka ingay nito ni Bibay! Sarap sampalin nung labi e!
"Grabe ka hindi pa no!" Sigaw ko sakanya at si Chang naman grabeng kalabit saken. Aa grabe lang?
