Chapter 1
Tess POV
"Mare, buti nalang sabay tayo nabuntes!" Tuwang tuwa na sabi saakin ni Mareng Tere. Bff ko since college kame. 8Months na akong buntis. Siya rin buntis at 7months pa lang.
"Gaga! Hindi tayo sabay! Mas ahead ako ng isang buwan!" Binatukan ko siya. Hindi naman kasi maalam mag bilang?
"Ay oo nga pala. Ito naman kasing nene ko, parang gusto ng lumabas. Nene, hayaan mo dalwang buwan nalang, makakalabas ka na rin." sabi ni Mareng Tere habang hinihimas himas ang tiyan. Babae ang kanyang anak at lalaki naman ang akin.
"Alam mo Mare, feeling ko magiging mag bestfriends ang anak natin. Parang tayo.."natutuwang sabi ko.
"Ano ka ba! Hindi lang mag bff! Mag bf/gf pa!" Sabay kaming tumawa ng malakas.
Ganyan kami mag usap ng kumare ko araw araw. Sa iisang bahay lang kami nakatira.
Asawa? Ahmmm, meron naman kami. Mag bestfriend lang din sila at seaman pareho.
**
Lumipas ang isang Buwan. January 15 19** feeling ko manganganak na ako! Napakasakit na ng tiyan ko, yung para bang gusto ng lumabas ng baby Junior ko?"Tere!!! Tere!!!" Sigaw ko ng nakaupo ako sa sofa. Iika ikang lumapit sakin si Tere. Ang laki naman kasi ng tiyan niya.
"Oh baket?!!" Sigaw niya.
"Manganganak na ko Gaga ka!!!!" Mangiyak ngiyak kong sinabi sakanya. Ang gaga talaga ng bff ko kahit kelan!!
"Ano?! $&@!!! Agad agad?! Teka tatawag lang ako ng taxi!" Tatakbo na sana siya..
"Gaga ka talaga!! May kotse ka naman! Ipagdrive mo na ko! Dali!"
"Ay oo nga pala! Tara na!" Kinuha niya ang susi at pumunta na sa labas, ang tanga talaga ni Mare. Di man lang ako inalalayan. Kaya naman mag isa akong sumakay ng kotse.
Nakarating kami sa Baduy Baduy Hospital. Ito ang pinaka sikat dito sa lugar namin. Sa laguna. Sa pangalan palang sikat na.
**
Hay, nailabas na rin si Junior. Wala pa akong maisip na ipangalan sakanya. Ang dami kasing tumatakbo at naglalaro sa isip ko kung ano ang ipapangalan ko sakanya."Mare!! My god! Ano? Mahirap ba manganak? Masakit ba sa ano?! Ha? Nakakapaos ba?!" Ano ba yan, kakadating lang sigaw agad?
"Ano ba mare! Ang sakit sa tenga ha! Easy ka lang!"
"Ay sorry na. Eh kasi naman, sa isang buwan na ako manganganak. Kinakabahan ako, tska para alam ko mangyayari."
"Eh siyempre sa una, nakakahiya no." natatawang sabi ko kay Tere.
"Hala? Bat naman nakakahiya?" nagtatakang tanong ni Tere.
"Eh syempre yung ano.. yung ano.." di ko masabi, nakakahiya kasi talaga!
"Ano ba Tess?! Ano ba yon?!" Sigaw niya.
"Yung ano! Yung pikikay naten! Nakalantad kay Doctor! Nako nakakahiya talaga Mare!" Namumulang sabi ko. Nakakahiya naman talaga, eh kasi naman madamo pa yung pukikay ko. Pero normal lang naman yun, hehe.
"Ay sus! Baka mahiya ako neto!" Sigaw ni Tere.
After 1week. Nakauwi na rin kami galing ospital. Hays, ang sarap sa feeling na hawak hawak ko na si Baby Ezekiel Martin Lavigne. Oh diba? Ang bongga bongga ng name ng anak ko? Nakahiga ang baby ko sa kama ko. Mahimbing na natutulog. Nakatingin lang ako sakanya, kamuka ng tatay niya..
"Mare, ang gwapo ni Baby Ezekiel. Kamuka ni Zeke." si Zeke yung asawa ko. Speaking of Zeke, tatawag daw siya ngayon.
"Oo nga e, ang gwapo gwapo. At napakaputi pa. Bigla ko tuloy namiss yun si Zeke."
**
1month na, Feb 15 19**"Mare!!!!" Si Tere, nasigaw. Di kaya? Tumakbo ako papunta sakanya.
"Ano Tere? wag mong sabihingg.."
"Oo Tess' manganganak na ko! Gaga! Shave-an mo ko!" Natawa ako dahil hindi oras sa pag aahit ngayon
"Ano baaaa? Tara na! Yaya alaagan mo si Ezekiel." Umalis na kami ang nagpatuloy sa Baduy Baduy Hospital at nanganak na rin si Tere. Baby girl.
"Tere, anong pangalan ng nene naten?" Masayang masayang tanong ko.
"Ahmmm, Baby Emerie Marie Loyzaga. Oh diba ang bongga ren?"
After 7 years. Syempre mag 7th birthday na ang anak kong si Ezekiel Martin. Kailangan bongga. Pagsasabayin na rin namin ang birthday ni Emerie Marie. Gaganapin ito sa Shang Hai Hotel. At invited kayong lahat!!
"Tess, tara na at may practice pa ang mga bata." Ay oo nga pala. May practice sila para sa 7th birthday nila. Nakaka excite naman!
Nakauwi nadin pala ang mga mister namin, ang gwapo talaga no Zeke. Lalo akong naiinlove.
"Mommy, where are we going?" Tanong ni Ezekiel sakin. Habang nag dridrive ako sa kotse.
"Honey, we are going to hotel. Kung san gaganapin ang birthday mo." sabi naman ni Zeke kay Ezekiel.
"Yehey!! Excited na ko!!!" Yipeee!"
**
Another year passed.. Well, my Baby Ezekiel Martin Lavigne is not a baby anymore. He's a teenager now. Ayoko mang sabihin na natanda na ako at nag bibinata na ang anak ko.