4th
Ezekiel's POV"Bro, sabihin mo kay maam. Masakit yung likod ko." tumayo ako sa upuan ko at umalis. Pumunta ako sa tambayan ko. Dito ako pumupunta kapag ayoko ng subject at teacher. Dito lang naman kasi ako nakakapag relax eh. At umuupo sa mini bench. Hay, ang sarap talaga tumambay dito.
May babaeng dumating. Biglang nanikip ang dibdib ko, bat ganon? Di ako makahinga. Kase nakita ko siya? Everytime na nakikita ko siya, di ako mapakali. Ewan ko kung baket. Umupo siya sa kabilang mini bench, di niya siguro ako napansin dito. Mukang ang lalim ng iniisip niya. Nag cut class din kaya siya? Pero alam kong hindi siya ganong tao. Nag dalwang isip ako kung kakausapin ko siya o hindi. Pero di ko alam kung paano ko sisimulan.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." sabi ko, nagulat siya ng magsalita ako. Shit, ang ganda niya talaga. Nakakainis naman itong nararamdaman ko eh.
Nalaman kong may gusto siya kay Tim. Ang sakit lang no? Yung taong gusto mo may mahal na iba. Parang ang sarap tuloy bugbugin si Tim, sinasaktan niya kasi si Em. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Hindi naman deserving si Timothy sakanya eh, pero sa tingin niya deserving. Binigay ko yung panyo ko sakanya. Nagulat naman ako sa sinabi niya..
"Can you be my fake boyfriend?" Teka, bago na ba sa ngayon? Fake boyfriend na? Di ko alam kung papayag ako or what. Kase it's sound so stupid.
"Ano?" Lilinawin ko lang kung totoo yung pagkakarinig ko. Ano daw? Fake boyfriend?
"Please Ezekiel. Gusto kong pag selosin si Timothy. Ito lang yung way para magkagusto uli siya saken." di ko alam kung papayag talaga ako or hinde. May part kasi sakin na pumayag ako para makasama siya, pero may part din sakin na baka masaktan lang ako sa huli. Pero gusto ko talaga siyang tulungan. Pasalamat ka mahal kita Em..
"Sige."
"Oh my god? Talaga Ezekiel?!" Niyakap niya ko ng mahigpit. Mapasaya ka lang Em, okay na. "Thank you! Thank you!"
"You're welcome. Basta para sayo." banat ko. With matching ngiti. Yung ngiting yun ay pampatunaw tingin sa chixx. Pero wala lang kay Em.
"Teka, dapat meron tayong rules." napakunot noo ako, rules? Bat may ganon pa?
"Rules? Bat may rules rules pa?"
"Rule number 1: Dapat, umasta tayong parang tayo.
Rule number 2: Dapat, mag selos si Timothy.
Rule number 3: Dapat sweet tayo. Pero bawal ang kiss.
Rule number 4: Hug and Holding hands lang ang pwede.. And rule number..
Rule number 5: Kelangan, walang ma in love kung sino man saatin."Okay na sana yung rules, kaso yung rule number 5 dumagdag pa. Bawal ma in love? Em, in love na ko sayo dati pa. Manhid mo kase. Manhid nga ba?
"Okay sige, Deal." tumayo siya.
"Deal na yan ha, sige pupunta na ko sa classroom." naglakad siya papalayo. "Bukas na nga pala tayo mag sstart. Good luck saatin." at tuluyan na siyang umalis.
Hay, hanggang fake boyfriend lang pala ako e. Isang Ezekiel Martin Loyzaga, rebound lang? Tss basta para kay Emerie Marie Lavigne! Kung di lang kita mahal.
Emerie's Point of view
Lumuwag ang hinga ko pag kaalis ko dun sa mini garden. Wooo! Buti nalang pumayag si Ezekiel.. Thank you talaga! Bumalik na ko sa classroom, wala pa din si Ma'am. Napatingin ako kay Timothy, kasama na naman si Betty. Lampungan all the time ang peg. Timothy, mag seselos ka rin akala mo! Umupo na ko sa desk ko. Ito namang dalwang asungot tumabi saken.
"Girl san ka galing?" Tanong ni Chang.
"Ay EM, may chikka kami sayo. Grabe girl." sabi ni Bibay. "Ikaw na mag sabi sakanya Chang." Na curious naman ako, itong dalwang to hindi nauubusan ng chika.
"Alam mo girl, si Tim at Betty nag torrid kanina. Nakakadurdur!" Sabi ni Chang. Na shock ako. Si tim? Nag t-torrid? B-baket?
"Uy, Bibay.. si Em ayaw mag salita.." nag aalalang sabi ni Chang.
"Ikaw kasi binibigla mo.. Uy girl okay ka lang?"
Bigla nalang tumulo yung luha ko... hindi ako makapaniwala.. tumayo ako at umalis nalang uli sa classroom.