Chapter 3

69 1 0
                                    

3rd

Emerie's Point Of View

Tumunog ang alarm clock ko. Argh. Nakakatamad bumangon. Dati, ginagahanan akong bumangon at pumasok sa school. Kase may dahilan, pero ngayon wala na ata. Lantutay akong nag hilamos ng muka at bumaba ng hagdan. Hmmmm naamoy ko na naman Yung bacon, nagutom tuloy ako bigla. Nakita ko sina Tita Tess, Mama at Ezekiel. Grabe napaaga ngayon si Ezekiel nakapaligo na at naka uniform na.

"Aga mo Ezekiel ah." umupo ako sa upuan ko at sumandok ng kanin.

"May try out kasi ng basketball eh." kumain na rin siya. After kong kumain nag ready na ako. Nag suot ng uniform and ready to go. Naalala ko na naman si Tim, malamang nakikipag lampungan na yon sa school.

"Tara Em, sabay na tayo." sabi ni Ezekiel habang nasa gate ako. At pinaharurot na naman yung pipichugin niyang motor. At ako naman si uto uto, sumabay. Yaan mo na, minsan lang. Habang nasa byahe, tumunog yung iPhone ko. Argh, abala eh.

Prince Lim
-Sabay tayo?
-Emerie, sabay tayong pumasok.
-Emerie, kanina pa ko nag iintay sayo, papasok ka ba?
-Argh, reply pls?!

"Sino yang nag text?" Tanong ni Ezekiel, pakielam ba niya?

"Wala ka ron! Mag drive ka na nga lang diyan!" Pinatay ko na yung iPhone ko at muling humawak sa bewang ni Ezekiel. Grabe, ang bango niya. Ano kayang pabango neto? Sarap sapakin e, ang bango kasi. Nakarating kami sa school, nakatingin samin yung ibang students. Teh? Hindi kami criminal!! Tumakbo papalit saamin si Chang at Bibay. Argh, itong mga asungot na ito. Hahaha.

"Girl, alam mo ba yung chika?" Sabi ni Chang.

"Em, una na ko." umalis na si Ezekiel. Bakit parang naiinis ako? arghh what so ever.

"Ano nga ulit yung chika mo?" Sabi ko kay Chang.

"Pinaguusapan kasi ng tao, na kayo daw ni Fafa Ezekiel?" Lumaki yung mata ko, kasi naman bat si Ezekiel pa? Pwede namang si Timothy nalang diba? Grabe na itu eh. Natawa nalang ako.

"Hala? Mabuti sana kung si Tim pa e, kaso si Ezekiel? haha! Grabenamanyown!" Naglakad kami papunta sa classroom, nakatingin na naamn ang lahat samin.

"Uy, bat ba nakatingin saatin yung mga yun? Akala mo naman kung may pinatay ako eh" sabi ko kila Bibay, kasi naman aa, nakakatakot yung mga tingin nila.

"Eh kasi nga, akala nila kayo na ni Ezekiel. Alam mo naman na maraming tutol kapag nangyari yon." umirap ako. Duh as if naman.

"Ano ba kayo, alam niyo namang hindi ako ma fa-fall dun no! Tska kung alam niyo namang napaka baho ng utot nun! Tas minsan yung brief iniiwan nalang basta kung san! Tapos yung boses niya minsan napiyok! Tas nung isang araw iihi hindi nag sasara, tapos nung bata pa yan takot na takot sa ipis! Grabe paano ako ma fafall sa kagaya niya diba? Hays, common sense naman guys." Hingal na hingal ako sa sinabi ko. Lahat kasi ng negatives niyan ni Ezekiel parang alam ko na, haler? Childhood friend kami no, pero wala talaga akong feelings sakanya. Kaya yung iba diyan mali ang akala. Kung makapag husga.

"Gravity girl, dami mong sinabe. Di rin naman natin masasabi no, malay mo mahulog ka sakanya." singit ni Bibay. Hinding hindi mangyayari yun. Not in a million dreamss.

"Never mang yayari yun guys. Wala akong feelings para sakanya, tska diba alam niyo naman kung sino nilalaman nito diba?" Tinuro ko yung puso ko. Si Timothy lang naman ang tinitibok ng heart ko eh. Siya lang. Nakarating kami sa classroom, nakita ko si Tim, kasama si Betty. Kaylangan araw araw iba ang kasama niya?! nag iba ang mood ko.

"Ay girl, give up na ba?" Sabi ni Chang. Anong give up?! Fuck walang give up give up sa ngayon!!

"Ouchy Em!" Umupo ako sa desk ko. Aa naiiyak na naman ako. Di ko na alam nararamdaman ko. Kaya ayokong pumasok eh, alam ko naman yung madadatnan ko. Gusto kong umiyak, kaso malakas ako eh. Gusto kong lumayo.

"Ay ang tagal naman ni Maam. Kaazar" reklamo ni Bibay.

"Wala kaya si Maam, absent" singit ni Marj. Umalis ako sa classroom. Pumunta ako sa mini Garden. Umupo ako sa mini Bench. Hays, never kasi akong maka experience ng pain eh. So, ganto pala yon. Ang hirap.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." nagulat ako sa nagsalita, napatingin ako. Si Ezekiel. Nakaupo sa kabilang mini bench.

"Grabe Ezekiel! Nakakagulat ka! Anong ginagawa mo diyan?" Napahawak ako sa dib dib ko, nakakagulat kasi eh.

"Nakaupo." umirap ako, napakapilosopo eh.

"Duh! I know, wala kayong teacher?" Tanong ko.

"Nag cut class ako." bumunot siya ng flowers sa garden. Grabe napaka tarantado talaga niya, hindi naawa kay Tita Tess. "Ikaw? Bat ka nandito?"

"Wala kaming teacher." yumuko ako, naalala ko na naman si Tim. "At gusto kong magpahangin."

"Buti, dito mo napili mag pahangin." nakayuko pa rin ako. Naiiyak ako. Mag open kaya ako kay Ezekiel? Sabi nila masarap daw mag open sa lalaki, kase naiintindihan nila yung side naming mga babae.

"Gusto ko k-kasing lumayo eh.. *sob* kase, *sob* nasasaktan ako. *sob*" ayan na nga, umiiyak na ko! Tumabi sakin si Ezekiel, inakbayan niya ako at binigyan ng panyo. "Nakakainis *sob* kasi s-si Tim e-eh, alam naman niyang m-may *sob* gusto ako sakanya, pero ayan siya. Sinasaktan ako." niyakap niya ako.

"Em, nandito lang ako." hinimas niya yung likod ko. Hinayaan ko siyang yumakap saken. "Wag ka ng umiyak please? Napangit ka."

"H-hindi ko kasi kaya eh. Araw araw nalang. Mahal ko na ata si Tim eh." niyakap ko siya. At umiyak lang ako ng umiyak. "Gusto ko siyang masaktan katulad ng nararamdaman ko ngayon."

"Alam mo Em, hindi mo naman kaylangan gumanti eh. Kaylangan mo lang siyang kalimutan.." lalo akong naiyak. Aa grabe? Kalimutan? Hindi ko kaya.

"Hindi ko kaya yun Ezekiel! At tska kaklase ko siya, sa araw araw ko siyang nakikita! Di ko kaya *sob* yon!" Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Em, nag aaksaya ka lang ng mga luha. Yang mga luha nayan, dapat tumutulo yan sa mga deserving na tao. Si Tim, sinasaktan ka niya. Kaylangan mong humanap ng tama sayo." tumigil ako sa pag iyak, may bago chixx si Tim. May naisip akong idea. Kung kaya mag hanap rin ako ng bagong chixx?

"Ezekiel, can I ask a favor?" Kinakabahan ako. Si Ezekiel kasi yung napili ko.

"Ano yon?"

"Can you be my fake boyfriend?" Lumaki ang mata niya. Ito lang kasi yung tamang paraan para pag selosin si Tim.

I know it's stupid, pero kaylangan ko talagang gumanti sayo Timothy!!

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon