Ezekiel's Point of View
Mas nauna akong dumating sa bahay kesa kay Em. Siguro nag 'hang out' na naman yun.
"Ezekiel, asan ba si Em? Bakit hindi kayo magkasabay ngayon?" Tanong ni Tita Tere. Umupo ako sa mesa at nagsandok ng kanin. Nakaupo sa harap ko si Mommy at si tita Tere sa katabi niya.
"Hindi ko alam Tita. Baka kumain na yun sa labas kasama friends niya." kumain ako, ang sarap naman ng ulam. Pero wala akong gana, kumain. Bat kaya?
"Lagi nalang late umuwi yung batang yon! May boyfriend na ba yon, Ezekiel?" Tanong sakin ni Tita Tere. Gusto ko sanang sabihin na, 'Opo, at ako po ang fake boyfriend mg anak niyo' kaso syempre, di ko sasabihin yon. Baka magalit si Mommy at Tita eh. Ang alam kasi nila magkapatid lang ang turingan namin ni Em. "Ezekiel, kinakausap kita. Bakit parang kanina ka pa tulala ha?" Napaisip ako sa katotohanan. Oo nga pala, ang pinag uusapan dito ay si Em. Magsasalitana sana ako ng biglang dumating si Em. Lahat kami napatingin sakanyang pagdating.
"Oh ano em, kumain ka na." Yaya ni Tita Tere.
"Ma, busog ako." tumabi siya sa tabi ni Tita. Nagtugma ang mga mata namin. Umiwas agad ako ng tingin. Seryoso kaya siya kanina? Tsk. "Hi Ezekiel." nginitian ko nalang siya. Naninikip na naman ang aking dibdib ano bayan.
"Tatanungin nga kita ng diretsehan! Bakit lagi kang late umuwi ha?" Mataray na tanong ni tita Tere. Nag iisip si Em ng isasagot. "May boyfriend ka ba? Bakit hindi ka nag sasabi sakin ha? Kabata bata mo pa ha!" napairap si Em.
"Ma, ang Oa mo ha! Wala naman akong boyfriend no! At tska, kaya late ako umuwi, kase nagawa kami ng project at minsan may rehearsal kami ng sayaw." tumayo siya. "Akyat na ko." sumunod ako kay Em. Mukang badtrip siya. Kelangan ko siya i-comfort.
"Ezekiel!!! Tapusin mo muna yung pagkain mo!" sigaw ni Mommy ng makarating na ko sa kwarto namin. "Tapos na ko Mommy!" Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Em na umiiyak sa kama niya. Nilapitan ko siya.
"Em, bakit ka naiyak? Mag share ka sakin. I-cocomfort kita." pinunasan niya ang mga mata niya. Nalulungkot na rin ako kapag nakikita ko siyang malungkot.
"Si Tim kasi ehh. *sob* Palagi na lang niya ko sinasaktan. Lagi nalang ako umiiyak, gawa niya. Pagod na ko Ezekiel. Pagod na pagod. *sob* kelangan ba.. Araw araw ko siyang makikitang may kasamang iba? *sob* ayoko na ehh." hinawakan ko ang likod niya. Tangina. Naninikip na naman ang dibdib ko. Lagi nalang eh.
"Em, diba sabi ko sayo.. tutulungan kita? Pag seselosin na tin si Tim. Gagawin ko ang best ko para mapasaya ka." 'at para mahulog rin yung loob mo sakin.' nagkatinginan kami. Ngumiti siya. "Kahit kaibigan ko siya..." Yumuko siya.
"Baka masira ang friendships niyo, gawa sakin." iiyak na naman siya. "Wag nalang kaya?"
"Hindi Em. Kaya kitang pasayahin. Mas mahal kita kesa sa Kaibigan ko." bigla siyang napatingin sakin. Mukang nagulat sa sinabi ko. "I mean, syempre mas kilala natin yung isa't isa kaya mas mahal kita." namula ako. Ramdam ko. Niyakap niya ko pabalik.
"Maraming salamat Ezekiel.. Mahal din kita." lalo siyang yumakap sakin. "Bilang kaibigan.." nawala ang saya saakin.. 'kaibigan nga lang pala ako.