Isang sitwasyon,
Na akala ng iba ikaw ay agaw atensyon.
Husga at lait ang ibinigay sayo ngayon,
Ngunit binabalewala mo lamang ito dahil ito ang iyong desisyon.Dahil di mo kayang lumaban!?
Di mo kayang sumbatan!?
Mas'ki sabi nila iyong patulan.
Ngunit nauwi ito sa pagkulong sa kwarto at umiyak ng tuluyan.Ano ba ang dapat kung gawin?
Upang ito'y wakasin?
Mga problema na bumabalot sa'king isipan
Tila ba wala ng katapusan?Nais kung kumawala!
Ngunit di ko magawa!
Nais kung kitilin ang aking buhay?
Ngunit hindi daw ito ang solusyon na di mo daw dapat isabuhay.Ano ang nais mong gawin ko?
Maging masaya? Kahit di naman totoo?
Tumawa? Kahit may pait na nadarama?
Sabihin na okay lang ako? Kahit kabaliktaran nito ay ayoko na.Simpleng salita lamang ang gusto kung sabihin,
Wag mo masyado itong damdamin.
H'wag kang tumulad sakin.
Maging matatag ka, kasama ang Diyos at ito'y iyung dinggin.Wag ka mag papatalo sa sarili mong kalungkutan,
Wag ka mag papadala sa iyung kahibangan
Matutong tumayo at lumaban.
Para malagpasan ang problemang nakasanayan.Alam kung kakayanin mo ito,
Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.
Maniwala at manalig ng totoo.
Dahil Diyos lang ang solusyon sa lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryDedicated to all readers who loves reading poetry like me :> *Expecting -Emotions -Hurt -Love Hope you like it, Happy Reading~ Don't forget to comment your suggestions, thank you!!