"CORONA VIRUS"

298 35 1
                                    


Mga tao natataranta dahil sa sakit na kumakalat.
Buong mundo damay di lang tsina kundi lahat.
Hindi nila naisip na hindi ito sapat.
Dahil may Diyos tayong kinakapitang tapat.

Kaibigan di mo kailangang mag panic.
Subalit hindi ito ang solusyon sa nakabaon na tinik.
Isa itong pagsubok na tayo'y sinasabik.
Kailangang manalig hindi tumahimik.

Hindi kaba naniniwala?
Oh sadyang di mo kayang magawa?
Hihintayin mo pa bang lumalala?
At lahat ng tao nawala.

Imbes magsumbatan tayo'y magtulungan.
Bayanihan ang kinakailangan.
Iisang tabi muna ang mga bulong-bulungan.
Datapwat ipairal ang pagmamahalan.

Kaya ito nangyayari,
Dahil sa ating mga maling gawi.
Kasalanang pilit pinapawi,
Saka magbabago kung may mangyayaring mali.

Bakit ganito ang tao? Puro kasayahan ang gusto?
Hindi ko nilalahat pero yun ang totoo.
Sana ngayon palang tayo'y magbago.
Bago pa magunaw ang mundo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon