"PANANDALIANG SAYA"

299 9 0
                                    


Sa bawat araw na nakita kita,
Sa bawat sulyap ko sayo tuwina.
Di mo alam kung gaano ako kasaya,
Tuwing nakikita kitang nakatawa.

Ito ako ngayon hanggang tingin parin sayo,
Nagmamasid kung saan ka patungo.
Nag-aalala sa bawat kilos at galaw mo,
At baka isang araw mawala ka bigla sa buhay ko.

Ngunit may balita akong narinig,
Na labis akong kinilig,
Pero mali pala ang aking nadinig,
At duon nagunaw ang aking daigdig.

Limang pantig tatlong salita,
Pawang panulat na nawala ng tinta.
Di-makapaniwala sa mga sinambit mong wika.
"Di kita gusto" At nawala kang parang bula.

Habang pinapanood ang iyung paglisan,
Bumabagsak ang mga luhang di mapigilan.
Pawang isang rosas na nalanta ng tuluyan.
Sa mga binitawan mong salita na sana di ko na lang pinakinggan.

Isang taon na pala ang lumipas,
Ang mga ala-alang tila kahapon lang nag wakas.
Panandaliang saya na kay bilis kumupas.
Ngunit ang pagmamahal ko mananatiling wagas.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon