Bou na ang loob ko.
Bou na rin ang disisyon ko.
"Cazepien, okay ka na ba talaga? Sigurado ka na ba sa disisyon mo?"
Nasa office niya kami. Pinatawag niya ako pagkatapos kong ma-discharge kani-kanina lang.
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa mga tanong niya. Ni hindi niya nga ako matingnan.
Okay naman na ako. Gumaling na din yung sugat sa aking ulo pati yung sprain sa binti ko ay gumaling na din. Ang lakas ko kaya.
"Sir, yes sir!"
Hindi siya kumibo ng ilang segundo tapos narinig ko nalang siyang nagbuga ng hininga.
"If that's your decision, then okay. -- Okay. You will resume on monday and that's next week."
Hinihintay ko talagang tumingin siya sa akin pero nasa papel na sinusulatan lang ang atensyon nito, nakasalamin pa siya ngayon. Ang cite lang. Pero ano daw? Bakit? Bakit siya gumaganito? Parang wala lang sa kaniyang naghalikan kami nung nakaraan.
Haaysst!
I'll stay.
Tatapusin ko itong sinimulan ko. Ayokong mapahiya ke dad tsaka maikli pa yung buhok ko kaya. Magagalit si mommy sa akin noh.
"Private Senior Captain Edillo ang hahawak na sa inyo simula sa susunod na linggo. Siguro naman ay magkakasundo kayong lahat."
T-teka, bakit? Saan naman siya pupunta? I mean, paano na siya? Natanggalan ba siya ng posisyon dahil sa nangyari sa akin? Sabi naman niya na hindi siya yung may gawa no'n di ba?
At bakit niya ito sinasabi sa akin na parang nagpapaalam na siya.
Napatitig ako sa kaniya. He sigh again. Bakit nalulungkot ang isang bahagi ng puso ko? Oh my God!
Nag angat siya ng mukha, he's sad I know it. Nakikita ko sa mata niya ang lungkot.
"B-Bakit?" mahina kong tanong sabay yuko.
Hindi ko kayang salubungin ng ganoon ang tingin niya. We kissed, kaya siguro ganoon.
Tumayo siya at lumakad papunta sa harap ng kaniyang table, malapit sa akin. Nasa bulsa yung kamay niya.
"I am assigned in field. Malayo."
And?
Naptingin ako sa kaniya at hinihintay yung susunod niyang sasabihin. Isang linya lang ang kaniyang mga labi habang inaayos ang salamin sa mata. Shit! Ang lalas ng dating!
"Wala na ako dito sa susunod na linggo." mahina ngunit dinig ko.
"Paulit ulit?" wala sa sariling tanong ko.
He smiled at me. Pinameywangan ko siya. Langya! Tatawanan pa ako?
"Look Captain, ang laki ng atraso mo sa akin tapos ngayon sasabihin mo nalang na aalis ka at pupunta ka sa malayo? Bakit nga? I mean, dahil ba sa nangyari sa akin? ---"
Wala na, nawala na talaga ang poise ko. Sundalo ako pero daig ko pa ang babaeng eskandalosa sa lagay ko. Wala namang kami.
Franceska, walang kayo. Hwag kang ano dyan.
"Hindi dahil sa nangyari sa'yo." ngumiti siya habang ang lalim lalim na ng paghinga ko dahil sa inis. "It's my call. Siguro, bumawi ka nalang kapag nakabalik na ako."
Sarap sapakin. Pa fall!
Gago niya lang.
Humalukipkip ako.
YOU ARE READING
That's my Captain!
General FictionHi! it's me ate batch! I'll continue to write this story in this account. Hopefully susuportahan niyo pa rin ako. same author, same story.