Palagi akong excited. Pang apat na beses na kaming sabay mag lunch. Gaya kahapon, ang dami naming napapag usapan. Sabi niya naman ay sinusulit niya lang daw yung araw kasi nga madedistino na siya sa malayo. Nalulungkot nga ako eh, nag aalala na din.
Hulog na hulog na ako sa kaniya. Sobrang mabait pala siya o sadyang natatakpan lang yun ng pagkilig na nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin naman siya nanliligaw pero pakiramdam ko ay kami na. Official.
Marami siyang kinukwento, about sa buhay buhay kahit naman maikli lang yung panahon namin. Minsan nga ay inabangan niya ako nung nakaraang gabi. Nagtago lang kami sa shooting range, nag usap, nagtawan sobrang kilog na kiligako noon. Bawal kasi. Bawal malaman nang iba na nagkikita kami nga palihim o di kaya ay may relasyon kami.
Sana nga ay may relasyon na kami.
Napaka gentleman niya din, bagay na bagay maging sundalo. Siguro, maraming nagkakagusto din sa kaniya. Di naman maikakaila yon, pafall din kasi.
Ngayon na ang huling araw ko sa infirmary. E X-ray nalang yung binti at siko ko tapos ay sasabak na ulit ako sa training.
Hayst! Di pa nga ako umabot ng isang buwan ay ang dami nang nangyari. Siguro papauiwiin na talaga ako ni daddy kapag nalaman niya 'to.
Nang makuha ko na ang results ay may ngiti akong pumunta sa pantry. I checked my wristwatch, pass 1pm na pero nakapagtatakang wala pa si kapitan.
Kumuha ako ng dalawang tray ng pagkain tapos ay naghintay pa ng onti. I twitch my lips habang naghihintay pero alas dos na ay wala pa rin siya. Nakapagtataka naman.
Nagsimula na akong kumain ng nakasimangot dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Hanggang sa matapos ay wala pa rin si kapitan.
Siguro naging busy yun o di kaya ay nasa gitna pa siya ng training. Baka nagpapahinga.
Nasanay lang siguro akong nandito siya.
-------
"They need you now Captain Choi. Your deployment is effectively now. Napakagulo na sa head quarters, I can't say no to them. Pack your things as soon as possible, the team will be here at one o'clock. Go go!"
Kahit mabigat man sa loob ko ay mabilis akong kumilos. I wasn't able to tell Seven para masabihan si Cazepien. Gustong gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon man lang, pero gipit na gipit na ang oras ko. Kapag sinabing one o'clock ay dapat 12 noon ay nasa gate na ako
Alam kong naghihintay na siya sa akin ngayon but I have no choice.
I thought I still have two days and a wake-up, pero ngayon na pala yun. Nag-iwan ako ng note.
For Cazepien
Nilagay ko yun sa ibabaw ng table ni Seven.
Dala dala ang malaking bag ko ay nilisan ko ang opisinang yun na mabigat ang loob.
I'm gonna miss her, bad.
Sa main head quarters ang tuloy namin. Halos lahat ay mga kakilala ko naman, mga nakasama ko na noon sa Basilan. Nihanda na namin ang lahat ng mga gamit.
It's gonna be a big day. I miss her already. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Sana pala ay sinulit ko pa yung tangahlian namin kahapon o di kaya ay dapat binalikan ko siya kagabi. Hindi ko naman alam kung kailan talaga ang balik ko o baka hindi na nga.
Noong unang halik ko sa kaniya ay talagang tumibok na ang puso ko agad. She was like a magic. Hindi nga siya yung tipo kong babae pero tangnang puso, bigla bigla nalang akong naghanap.
Nagpasiya akong layuan siya, kasi nga nababahag ang buntot ko lalo na pag naiisip ko ang aspeto ng buhay nila. Mayaman, makapangyarihan sa larangan ng industriya, mahirap abutin.
Pero sabi ko sa sarili ko 'bakit pa ako nagsundalo kung mababahag langang buntot ko. Oo, aaminin ko, gusto ko siya. Siguro nga mahal ko na siya. Nanghihinayang talaga ako kung bakit hindi ko sinulit ang panahon.
Nagitla ako ng magring ang telepono ko.
"Hey! did you got my message?"
(aryt, ikaw na ang panalo. Liligawan ko pa nga sana yun eh. Hahaha! Anyway, ibibigay ko bukas.)
"Salamat. Tumawag ka ulit bukas."
(Aye, Captain!)
Napangiti ako bago naputol ang tawag.
NAGSIMULA ang bakbakan alas syeta ng gabi. Kararating lang namin halos sa field pero sumabak agad kami. Nagpalitan ng putok ang panig namin sa kalaban. Bigla ko tuloy namis ang ganitong mga putukan. Yung kahit saang madilim na sulok ay may maririnig kang putok ng baril. Ilang taon din akong namalagi sa tahimik na training school kaya siguro naninibago ulit ako.
Gumapang ang grupo namin, palipat lipat pa kami ng lugar baka kasi may mga sibilyan pa kaming ma rescue. Mamayang konti ay matatapos na din ang putukan. Sa gabi kasi nag lalaro ang mga daga kaya sa gitna ng dilim naman ay nakaabang ang mga pusa.
"Choi, pahinga muna tayo dito."
Sa isang wasak na bahay kami nakaabang. Kalahati nalang ang bubong at ang dinding. May mga dugo pang nagkalat sa sahig.
Hindi pa tukoy kung sino ang kalaban, basta na kabilang panig sila at nag sosout ng kulay berde sa balikat.
Ilang sandali kaming naglagi doon ay ng umalingawngaw ang isang napakalaking putok ay uminog ang mundo. May narinig akong iyak. Mabilis akong tumalima, i sshh them at pinuntahan kung saan galing ang iyak.
Sa isang kwarto sa taas galing ang umiiyak na boses. Maingat akong humakbang habang ganun din ang ginawa ng dalawa ko pang kasama. Yung iba ay nakaabang lang sa baba. Inilibot ko ang aking flash light.
"Mamang! Agay!! Tabang!"
Isang batang lalaki ang duguan ang mukha. Iyak ito ng iyak, bakas na bakas ang matinding sakit na nararamdaman.
"Shit!"
Mabilis kong inilabas ang medkit at kinuha ang bandage doon, inikot ko sa ulo ng bata. Nakausli din ang buto nito sa tuhod. At dahil dun ay kumuha na rin ako ng morphine at tinurok dito.
"Ako na sir!"
Mabilis siyang kinarga ng isang kasama ko.
Ang malaking bahagi ng ding ding ang natumba sa katawan ng isa pa.
Naikuyom ko ang aking palad. Gusto kong sumigaw sa tindi ng galit. Tatlong bata pa ang naroon ng inilibot ko pa ang flash light. Ang isa mga dalawang taong gulang pa siguro. May tama ito ng baril sa dibdib.
Ang bata ang siyang biktima sa kaguluhang ito! Kawawa! Putang inang mga walang puso! Bakit target talaga nila ang mga walang kamalay malay na mga sibilyan?!
Nagsindi ako ng yosi, dapat kong lakasan ang loob ko. Unang gabi ko palang sa buwan na ito.
Sana matapos na agad ang gyerang ito.
Sana wala ng inosenteng bata at sibilyan na madamay.
-_
YOU ARE READING
That's my Captain!
General FictionHi! it's me ate batch! I'll continue to write this story in this account. Hopefully susuportahan niyo pa rin ako. same author, same story.