Edillo's
"You're too soft Captain Edillo. Napakaluwang mo sa mga trainees. Sasabak na sa gyera ang mga yan, we need men in Mindanao. Kung pwedeng daanin marahas para magkaalaman na."
Napatuwid ako ng tayo sa huling sinabi ni Commander Brigadier General Arellano.
"Kaya teni-train ang mga yan para hindi lalampa lampa kapag sumabak na. Tsk! Terrorists are pain in the ass! Nauubos na tayo."
Naiintindihan ko naman pero hindi naman siguro kailangang idaan sa dahas ang training.
Nang makalabas ako sa opisina ng commander ay dumeretso ako sa field. Nasa gitna pa rin ng training ang grupo ko. Mahigit isang daan din sila kung papagsamahin.
Apat na grupo ang hawak ko ngayon, sa ilang linggo kong tumayo bilang kapitan ay nakayanan ko naman. Naging maluwang lang ako lalo na kapag babae. They deserve to treat well, lalo na kapag may cramps ang isa sa kanila.
"Cap! Ano na?"
It was Cazepien. Lalo syang pumayat ngayon. Sabi ko nga ay mag retreat na siya kaso matigas din ang ulo. Madalas kasi siyang napag iinitan ng commander. I don't know the issue pero alam kong dahil sa apilyedo niya.
"Still out of coverage. Hayaan mo at magtatanong ako sa chief kung may pagkakataon."
Sumimangot siya habang kunwari ay inaayos ang laso ng kaniyang combat shoes.
"Yan naman palagi ang sinasabi mo eh. Hello, it's been a month na!"
Yes, mahigit isang buwan na kaming walang kontak kay Daniel. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang bakbakan doon at halos wasak na rin ang boung lungsod. Gusto ko na nga sanang magpa assign doon kaso ayaw naman nung chief namin.
"Kapag natawagan ko ang hq ay sasabihin ko agad sayo. Sege na! Go go go!"
I sigh ng matamaan ko si commander sa di kalayuan. Halos nasa amin lang ang tingin niya. Buti naman at tumakbo ulit si Cazepien.
Palagay ko naman ay ready na ready na yung grupo ko. Lahat naman sila ay pasado na sa Pma. Magaling na din sila sa self defence like arnis, knife at karate. Sa loob ng isang buwan ay alam kong marami na silang natutunan. May iilan din sa kanila ang sinanay ng breath-holding underwater, kahit bawal ay lihim pa rin naming sinasanay ang iba.
I think they're all ready for the real world.
-
"You are now one of the Philippine Special Forces! your team will be deploy in Marawi! Everyone! Don't forget the roles over the rules! Above all! Always remember the courage and determination!"
Iyon ang huling salita ng aming General bago kami napunta dito sa Cotabato. Ilang oras nalang ay lalarga na kami.
We are all ready. My men are also in their feet and ready for the real battle field. Lahat ay kompleto na ang gear para sa labanan.
Kahit ramdam ko ang pangamba ng ilan. Nang tingnan ko si Cazepien sa kabilang dulo ay kitang kita ko ang determinasyon sa mukha nito. Kahit kasi hindi siya pinayagan na sumama ay ipinagpilitan niya ang kaniyang sarili. She even sign a weaver! Dalawa lanh silang babae na nadeploy.
I shook my head, hindi ko alam kung hanggang saan ko siya kayang protektahan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko masisilayan ang mukha niya.
Walang may alam kung makakalabas pa ba kami ng buhay sa magulong lugar na ito.
"Men, this is it! Nandito tayo to save lives not just to kill. Hindi natin alam ang exit, tanging entrance lang alam ko. Pray all you can tayo dito, I know He will listen."
Bago kami naghiwalay ay nagdasal muna kami. Sana lahat kami ay makalabas pa ng buhay pagpasok namin.
Nasa grupo ko si Cazepien, I need to protect her. Yung iba naman ay nasa kabilang daanan na. Tanging radio lang kuminikasyon ng bawat isa sa amin.
Sobrang laki na ng pinsala, halos wasak na ang bahay, nangangamoy na rin. Maraming dugo na rin ang nagkalat.
Padilim na rin, it's 18:23 in the evening. Perpektong oras para makipagtaguan sa mga kalaban.
Dahan dahan kaming lumakad papasok sa isang bahay, alerto amg bawat isa. Sobrang tahimik ng paligid tanging tahol ng aso ang lumilikha ng ingay.
Nang masigurong walang tao ay umupo muna kami sandali at nang makapagpahinga ng kaunti ay alerto ulit kaming naglakad. Nang may makita kaming isang kampo na may ilaw ay dahan dahan kaming gumapang.
It was a medical team. Kasamaham namin ang maliit na logo na nakatatak sa labas. I sigh of relief. I signalled them to get up.
"I am Captain Edillo from Special Operations Command!"
Nagsallute kami sa lahat ng nasa loob. May pasyente pang nakahilata doon.. Dalawang sundalo at isang sibliyan. Tiningnan ko agad kung nandoon si Den kaso wala siya doon. Nagpaalam na rin kami kalaunan. Lumipas pa ang ilang sandali ay may nakita kaming sibliyang babae kasama ang anak niya. Duguan, they were crying, mabilis kaming lumapit at inalayan ang mag ina.
"Tabang.. "(Tulong.. ) usal ng ina.
"Ysmael, Carpio ihatid niyo sila sa medical camp. Go go!"
"Yes sir!"
Sakay sa likod ni Carpio ang bata habang akay ni Ysmael ang ginang.
"Kawawa naman yung bata." sabi ni Cazepien.
"Putang inang mga kalaban na yan!" it was one of my men.
Ngumisi ako sa kanila. Makakakita pa sila na sobra kaysa doon. Ni hindi pa nga nagsisimula ang bakbakan.
We moved forward when they get back. Masangsang na ang amoy. Sa haba ng nilakad namin ay hindi ko alam kung nasa sentro na kami ng nabigay na map sa amin. It was 23:58 in the midnight, we have to take a rest.
Pero liliko na sana kami ng may narinig kaming nagpaputok. We quickly bent down. Napatingin agad ako kay Cazepien she's safe. Nang masiguradong safe ang grupo ko ay nanguna akong gumapang papasok sa isang bahay.
Ilang sandali lang ay tumigil putukan. Hindi pala kami ang pinatatamaan ng bala. We are about to leave the house nang may makapa akong isang bagay. Dog tag. Binulsa ko muna iyon saka nanguna ulit sa paglakad.
"Pahinga muna tayo, Cap. Mabigat na masyado itong daladala namin."
Si Cazepien iyon. Bigla ko siyang nilingon dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng mukha ko. Peeo wrong move, dahil nagdikit ang labi namin. Nanlaki pa ang mga mata ko. What was that?! Shit! That was too close! Damn it! Teka, kanina nasa kabilang gilid lang siya ah!
Parehas kaming napalayo. Nanlamig ako bigla. Baka kasi anong isipin ng iba.
"A-ahmm.. Cap, hahanap lang ako ng cr." paalam no Carpio
Naupo ang iba sa may wasak na semento.
Nilapag ni Cazepien ang kaniyang baril saka umupo. Mula sa malayo ay nakiramdam lang ako.
Shit, I felt her warm lips. Amoy kendi mint samantalang ako. Bahagya ko pang hiningahan ang aking kamay at inamoy ang aking hininga. Buti nalang at di pa naman nangangamoy.
I'm so sorry Den. Di ko talaga sinasadya.
-------_----
YOU ARE READING
That's my Captain!
General FictionHi! it's me ate batch! I'll continue to write this story in this account. Hopefully susuportahan niyo pa rin ako. same author, same story.