TMC 8

56 6 1
                                    

Eska

Syempre, may hinanakit pa rin ako kay Captain Choi. Ni walang text o tawag man lang. Mula nung madestino siya doon ay isang beses lamang syang natawag tapos hindi pa kami nag usap, pinaalam lang sakin ni Seven yon. Sabi ni Seven ay nasa gitna na ito ng gyera.

Hindi naman kami talaga official pero nararamdaman ko namang mahal niya ako-- I mean gusto niya ako. We kissed na nga tapos pa ulit ulit iyon bago siya umalis.

Nakakainis lang, paano kung napahamak na siya doon? O di kaya ay nabihag na nga kabilang panig?

I sigh. Minsan nga ay lihim akong umiiyak kasi namimiss ko siya. Feeling ko kasi siya lang yung taong mapagkakatiwalaan ko dito.

Minsan nga ay pinatawag ako ng General, pinag retreat na ako kesyo umuwi na yung ibang kababaihan sa grupo namin. Sabi niya pa na hindi ako nababagay dito, aba edi tang ina niyang panot na yun! Naghirap din ako para makapunta dito. Kahit naman minsan ay lalampa lampa ako ay nagsisikap namam din ako no.

Mainit lang talaga siguro yung dugo niya sa akin, dahil siguro napakaganda ko para sa posisyong ito. Tss! Hindi ako basta titigil dito. Ilang araw na lang din naman at sasabak na kami.

Napatakbo ako sa kinauupuan ni Seven, nakita ko siyang nasa field. Gabi na, siguro ay may kikitain siyang nurse dito o di kaya ay tatawagan niya si Den.

"Sir!" nag sallute ako sa kaniya.

Bahagya pa siyang nagulat sa akin. Itinago niya yung cellphone niya saka hinarap ako ng lubusan.

"Saan ka galing? Alas otso na at dapat nagpapahinga ka na."

Napabuga ako ng malalim na hininga.

May inililihim siguro ang isang 'to.

"Ano kasi Cap, m-may balita na ba"

Kilala naman niya kung sinong tinutukoy ko. Umiling siya ilang sandali. Lalo akong nalungkot.

"It'll be alright."

I just nod.

Umalis ako na bagsak ang balikat.

Nang malaman kong deploy na kami ay isa lang ang nasa isip ko. Ang pag asang makikita ko pa si Captain Choi. Sana nga makikita ko pa siya ng buhay. Hindi ko pa nasabi sa kaniyang mahal ko siya.

Syempre naman, lagi akong kinikilig lalo na kapag naiisip ko siya. Tumitibok ang puso ko kapag naaalala ko yung mga ngiti niya sa akin.

Buti na nga lang at nandito naman si Captain Edillo. Sobrang bait niya sa amin. Hindi niya kami pinapabayaan. Nagpapasalamat nga ako at naging kaibigan ko siya at panatag naman ang loob ko sa kaniya. Siya rin daw ang nag iisang bestfriend ni Den sa HQ. Kaya hindi malabong maging kaibigan ko din siya.

But then that moment made my heart skipped. Yun bang tumigil sandali ang  pag inog ng mundo. Ang bilis nang pangyayari. I felt his warm lips touched mine. Naalala ko pang bahagyang nag slow motion ang sandaling yun kanina.

Kunwari kong pinupunasan ang baril ko. Pero sa kabila noon ay napapatingin ako kay captain Seven. Buti nalang at parang hindi niya naman yon binigyan ng pansin. I shook my head. Naalala ko kasi yung mainit na hininga niyang dumampi sa labi ko. Shit!

Naglakad ulit kami. Nakadistansiya ako kay cap baka kako magtagpo ulit yung labi namin. Jusko talaga!

Nang mapunta kami sa isang wasak na grocery store ay nanguha kami ng noodles na pwede pang lutuin. Yung iba can goods at iba pa. Hindi namin alam kung hanggang kailan matatapos ito, kung hanggang saan ang dulo ng labanang ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That's my Captain!Where stories live. Discover now