TMC 5

35 5 2
                                    

Nagpahinga pa nga ako the next day. Namimis ko na sa labas.

Siguro nga maninibago na naman ako kapag sasabak ulit ako sa training. Nasa infirmary pa rin ako. Nasa recovery session kung saan sinasanay ko ulit yung binti at siko kong igalaw. Ang sabi tatagal ako dito ng tatlo o apat na araw. Kaya ko naman na ang kaso ay kailangan pa din daw itong gawin o kung hindi ay papauwiin na ako. It's for the better naman din daw.

Nagpagpasyahan kong pumunta muna sa pantry ng makaramdam na ako ng gutom but into my surprise ay nandoon din si Captain Choi.

Bakit siya nandito?  Di ba dapat sa mga pasyente lang ang pantry na to?

Nagkagat labi ako. Ang gwapo niya kahit mula sa malayo. Hayst! Matindi nga yata ang pag kabagok ng ulo ko kaya kahit puso ko ay umalog. Hinintay ko kung may kasama siyang darating 1 minute na ang nagdaan ay wala namang sumasabay dito. Nakaupo lang siya na parang may hinihintay. Nasa mesa lang iyong tingin niya. May dalawang tray doon.

Napakurap ako ng tumingin siya sa kinatatayuan ko. OMG!

Ngumiti ako sa kaniya habang lumalapit at nag hand salute.

"Good afternoon sir, bakit dito ka kumakain?"

Tumikhim siya at nagsimulang hawakan ang kobyertos.

"Sit and eat. Please, don't ask."

Napakurap ako. Bahagya pa nga akong lumingon sa gilid ko, baka kako may tao at yun ang kausap niya pero wala naman.

Umupo ako sa harap niya. Kinikilig ako, is it a date?

"I just want to check if you're doing good. Sabi naman ng doctor ay fully recovered na yung binti mo. Kailangan lang e-praktis ng maigi, matagal tagal pa ang training mo dito."

Nag aalala talaga siya sa akin. I'm so touched. Napangiti ako,sino ba naman ang hindi? Ang cute cute niya, parang kailan lang ay gusto ko siyang tirisin.

"Eat. Staring is rude."

Nagpatuloy siya sa pagkain. Kumain na nga ako habang may ngiti sa labi. Napakarupok ko talaga.

Nang matapos na ako ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ay sus! Ampogi!

Yung singkit niyang mata kasi, matangos ang ilong tsaka dagdag mo pa yung kulay maron niyang labi na mamasa masa.

He stood up kaya ganun din ako.

"Thank you sa pagkain, Sir."

Sinabayan ko siyang ilagay ang tray sa kitchen area. Ang sweet namin, wala namang label.

Papalabas na kami ng masalubong namin ang isa sa mga nurse. Si Private Mika De Jesus. Napatigil siya sa paglakad nang makita kami. Si Captain ay ganun din.

"Captain..."

Tiningala ko si kapitan sa gilid, nakatingin lang ito sa babae. Umangat ang kaliwang kilay ko. Anong meron?

"Cazepien, go back to the session. " utos sa akin ng nurse.

Napamaang ako. Gusto kong pigilan ako ni Captain pero hindi ito kumibo, tanging nasa babae lang ang tingin nito.

Aba. Hindi pwede to.

"Cazepien, go back to your session, now."

I balled my hand into fist. She's still my senior.

Aalis na sana ako pero naramdaman ko ang kamay ni Kapitan sa braso ko at hilahin papunta sa kung saan.

"T-Teka--"

"Den!" habol noong nurse.

Nagpatianod ako. Sa shooting range ang pinasukan namin. Walang tao doon, medyo madilim pa.

"Pasensya na."

Tanging sabi ng walang hiya.

"Nobya mo ba yun?"

Wala sa loob na tanong ko. Nagseselos ako.

Ilang sandali muna bago siya gumalaw. Umalis siya sandali at pagbalik niya ay may ear gear at baril na siyang dala, marami.

Gusto kong pumalakpak, alam ko na tong serye na to eh. Tuturuan niya akong humawak ng baril o paano gumamit ng baril. Tapos, tatayo siya sa likod ko, kikiligin ako nun. Tapos, mararamdaman ko yung init niya---- iiiihhhh! Ano ba naman yan!

Hinarap niya ako, "clean all of this, I'll be back." sabay talikod niyang sabi.

Para akong binuhusan ng mainit na tubig. Na-disappoint kaagad ako.

Umalis siya.

Iniwan niya ako. Naiiyak na ako. Masakit ba? Expecting too much?

Sinundan ko siya and into my dismay, binalikan nga niya si Private De Jesus. Ang sakit.

Hawak noong nurse ang kamay ni Kapitan. Nag uusap sila na para bang pinapagalitan siya noong babae.

"Paasa.. " bulong ko sa hangin.

Nagseselos ako. Ito ang pangalawang pagkakataon na nasaktan ako sa dahil nagseselos ako. Pero wala naman akong karapatan, wala kaming label pero naghalikan kami.

Nangingilid ang luha ko.

Umalis ako sa lugar na yun at bumalik sa session. Mabigat ang dibdib ko, hindi naman kalakihan pero dahil nga nagseselos ako.

Natapos ang araw na yun na mabigat ang kaloob looban. Hindi ko na din nakita pa si kapitan ng araw na iyon. Buti nga kung ganun kasi masasaktan lang ako.

Kinabukasan ay nasa pantry ulit si Captain Choi. Inirapan ko siya. Bwesit, paasa na naman 'to. Hindi ko siya pinansin nagmatagpo ang tingin namin. Sa labas nga ay kaya kong balewalain yung mga nagkakandarapa sa akin, dito pa kaya? Ses!

Sa bandang unahan ako umupo nagulat nalang ako ng may umupo sa harapan ko at si kapitan iyon.

Nek nek mo! Tuloy lang ako sa pagkain.

"May problema ba?"

Nak nang! Sarap kurutin yung singit neto!

Hindi ako sumagot. Kain lang ako ng kain.

"Private De Jesus was my friend ----"

"Hwag ka ng magpaliwanag wala namang 'tayo'. "

Mabigat ang loob ko talaga.

"Yun na nga, Wala namang tayo pero bakit ako nag e-explain? Walang tayo pero ba't naghahalikan tayo? Bakit ba ako nandito? Damn it."

Kahit ako ay walang sagot sa mga tanong na yun.

Bakit nga ba?

Gusto ko siya, oo aminin ko. Nagseselos na nga ako.

Sabay kaming nagbuntong hininga at nagtinginan. Buti nalang at late akong kumain, 1pmna at wala nang tao dito.

"Iniwan mo pa rin ako kahapon." i said.

"No. Ikaw ang nang iwan, wala ka na pagbalik ko. Ni hindi mo nga nalinis yung mga gamit." nag iisang linya ang labi niya, kumibot pa iyon na parang may sinasabing di ko marinig.

"Kasi nga nagseselos ako." it slipped.

Inirapan ko siya. Bahagya pa nga akong nahiya. Ako yung unang nagpapakita ng motibo, hello? Babae ka Eska!

Nahuli ko siyang ngumiti.

"Kanina pa ako dito. Mga eleven. Tapos hindi mo pa ako sasabayang kumain."

Oh my heart, fell again.

-------

An/

atebatch and I ay iisa lamang.

Aasahan ko uli ang inyong pag unawa at supurta!

Keep safe bibi's.

That's my Captain!Where stories live. Discover now