Prologue

5 0 0
                                    

✿❯────「NARRATIVE」────❮✿

🔵

Malamig ang simoy ang hangin habang nakaupo sa balkonahe, at nakatitig sa halamang Lavender ang babaeng si Amirah. Habang pinapawi ang lungkot at bagot na nararamdaman, masayang ninanamnam ni Amirah ang bawat sandali kahit na hindi pa siya nakakalimot sa pagkamatay ng kanyang tatay. Noong nakaraang taon lamang nung namatay ang kanyang tatay dulot ng isang aksidente sa daan, habang papunta sa kanyang High School graduation.

Umakyat papuntang balkonahe ang kanyang ina upang sabihin ang kanilang gagawin sa mga oras na iyon.

"Amirah? Tara na. Maghanda ka at pupunta tayo sa puntod ng Papa mo." pag-aaya ng kanyang ina habang nakangiti.

"Hindi ka masaya. Nararamdaman ko sa utak at puso mo." malumanay na puna ni Amirah habang patuloy na nakatitig sa halaman.

"Nag-i-improve na iyang mind-reading skills mo ah. Nakakabilib. Tara na at-"

"Bakit hindi niyo sinabi na ampon ako?" napatigil sa pagsasalita ang ina nang magtanong si Amirah habang siya'y direktang tinitigan.

"A-anak, b-bakit mo naman n-nasabi iyan?" pautal na tanong ng kanyang ina.

"Totoo nga." mahinang tugon ni Amirah na tilang nanlumo bigla.

"Tara na." tumayo siya sa kanyang kinauupuan habang papunta sa kotse sa garahe.

Tunay na nagulat ang ina-inahan ni Amirah sa sinabi nito. Hindi niya akalain na malalaman ito ng kanyang anak at hindi ito agad sasabihin na alam niya ito, kahit na may kakayahang si Amirah na basahin ang memorya at damdamin ng kahit sino, sa pamamagitan ng pagtingin sa mata.

Agad na pumunta ang mag-ina sa sementeryo kung saan nakaburol ang ama-amahan ni Amirah. Habang namamalagi ang mag-ina sa tabi ng burol ng kanyang ama-amahan, hindi mapagilan ni Amirah na umiyak sa harap ng lapida. Bukod sa kalungkutan dulot ng pagkamatay ng kanyang ama, pagkamuhi ang nangingibabaw kay Amirah.

"Anak, sorry. Akala namin ay alam mo na." nakikiusap ang kanyang ina habang pinapatahan si Amirah sa kanyang pag-iyak.

"Okay lang Ma. Makakaya ko rin ito." paninigurado ni Amirah.

"Sinubukan naming itago ang katotohanan sayo, dahil natatakot kami na baka maka-abala yun sa paglaki at pag-aaral mo. Pero dahil nalaman namin na nakakabasa ka ng memorya, hinayaan na lang namin na alamin mo iyon at huwag na namin sabihin. Pasensya na anak." nagpaliwanag ang ina ni Amirah habang tumatangis mula sa pagkasisi.

"Kahit na hindi po kayo humingi ng tawad, papatawarin ko pa rin kayo. Hindi po ako magiging ako kung hindi dahil sa inyo. Bihira ang mga magulang na mag-aalaga ng isang batang may kakaibang kakayahan. Kaya nagpapasalamat ako na naging magulang ko kayo." mahigpit na niyakap ni Amirah ang kanyang ina at tumigil sa pag-iyak.

...

"Anak. May ibabalita ka ba tungkol sa school?" tumigil sa pagsasalita sa pagsasalita si Amirah nang tanungin siya ng kanyang ina.

"Ahmm. May bago pong transferee sa klase namin. Lalaki."

"Gwapo naman anak?" biglang tumingin ng marahan ang kanyang ina at ngumisi.

"Mama naman eh! Tuwing pinag-uusapan ang lalaki, palagi ka na lang ganyan!" nairita nang bahagya si Amirah sa tinanong ng kanyang ina.

"Eh sorry na. Pinapatawa lang kita." hinawakan ng kanyang ina ang kamay nito habang tumatawa.

"Medyo interesante nga siya eh. Nabasa ko sa isipan niya na may hinahanap siyang tao." biglang natulala sa malayo si Amirah habang iniisip ang lalaki na siyang bagong kaklase nito.

"Hindi kaya, hinahanap niya yung true love niya?" tumingala ang kanyang ina at sinabi ito.

Napatigil si Amirah at iniisip ang kanyang bagong kaklaseng lalaki. Tila nakaramdam kasi si Amirah ng kakaibang pakiramdam noong nakita niya ang lalaki. Tila nakita na niya ang lalaking ito, ngunit hindi niya matandaan.

"Ma. Parang nakita ko na siya dati." pagtataka ni Amirah

"Nako! Baka siya si Davian! Yung kababata mo dati?" paghuhula ng kanyang ina.

"Hindi yun si Davian! Paanong magiging si Davian yun, eh nakita ko na siya last time. Ang laki ng pinagbago niya."

"Nagkita kayo? Paano? Eh diba't nasa Taiwan siya?" ikinagulat ng kanyang ina ang sinabi ni Amirah.

"Kaka-uwi niya lang sa Pinas. Nakipagkita siya sa akin nung linggo pagkagaling niya ng airport. Nag-usap lang kami. Nagkamustahan." kitang-kita sa mukha ni Amirah ang lungkot habang naglalahad.

"Malungkot ka nanaman. Hindi mo pa rin makalimutan ang paghihiwalay niyo?" seryosong tumingin ang ina kay Amirah.

"Tara na Ma. Umuwi na tayo." tumayo si Amirah at naghanda upang umalis.

"Pero teka, kung hindi si Davian yung transferee na iyon. Eh di sino siya?" tumayo ang kanyang ina habang tinatanong ang sarili.

...

Isang tahimik at malamig na gabi ng natulog si Amirah. Payapa ang lahat, habang siya'y nakakakaranas ng isang kakaibang panaginip.

"Sappheria. Kay gandang pangalan-"

"Sappheria. Kay gandang babae-"

"Sappheria. Nasaan ka?"

"Sappheria?"

Tinig ng lalaking sumisigaw at tila may hinahanap ang naririnig ni Amirah, na nag-udyok sa kanya upang magising at mag-isip.

"Saan nanggagaling ang tinig na iyon?"

"Sino iyon?"

Mapaghamong tanong ang tanging naiisip ni Amirah, na nagtulak sa kanya upang lumabas ng bahay at hanapin kung saan-saan ang tinig sa gitna ng dilim. Ngunit sa gitna ng kanyang paghahanap, ay nakakita siya ng isang maliwanag na asul na ilaw na nanggagaling sa isang puno malapit sa kanilang bahay. Nilapitan niya ito ng walang pag-aalinlangan, ngunit kalaunan ay nagbunga ito ng matinding kaba.

Nasilaw ng tuluyan si Amirah na nagdulot sa kanya ng pagkawalan ng malay. Naramdaman ito ng mga tao malapit sa puno kung saan siya naroon, at agad siyang dinala sa ospital.

Nagising si Amirah kina-umagahan, ngunit siya'y hindi mapakali sa nangyari. Patuloy ang kanyang pagtatanong sa sarili.

"Sino ang may-ari ng tinig na iyon?"

"Saan nanggaling ang asul na ilaw?"

"Bakit nangyayari sa akin ito?"

"Bakit?"

The Blue-Eyed's Reminiscence - [PENDING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon