2 : The Bookkeeper

3 0 0
                                    

✿❯────「NARRATIVE」────❮✿

🔵

Ika-6 ng umaga, nagising si Daimon upang maghanda sa pagpasok sa St. Michael University. Kumpara sa ibang mag-aaral, si Daimon Villareal ay gumigising ng maaga upang buksan at bantayan ang public library sa loob ng paaralan.

Tatlong taon na siyang nagtatrabaho bilang bookkeeper upang matustusan ang kanyang pangangailangan at pag-aaral. Mag-isa niyang itinataguyod ang sarili sa kadahilanang hindi siya sinusuportahan ng kanyang magulang.

Isa lang siyang simpleng mag-aaral, ngunit ang kaalaman niya tungkol sa mga kakaibang bagay ay mas higit pa sa inaasahan...

-

Tahimik na nag-aayos ng libro si Daimon tulad ng kadalasan niyang ginagawa. Masasabi na isa na itong propesyon para kay Daimon dahil sa kahusayan niya pagdating sa pagbasa, pagsuri, at pag-ayos ng mga libro.

"Ti li li li ling~" isang paparating na tawag na nagpahinto sa kanya sa pag-aayos. Sinagot niya agad ito.

"Hello? Sino t-" napatigil si Daimon dahil sa narinig na boses mula sa telepono.

"Daimon. Ang Papa mo ito. " ang kanyang tatay ang tumatawag sa kanya. Tila nanlumo si Daimon nang marinig niya ang boses.

"Hindi kita Ama. Anong sadya ng pagtawag mo?" marahang pagsabi ni Daimon na tila ay hindi masaya sa pagtawag ng kanyang ama.

"Gusto ko lang sabihin na, Congrats sa pagkapanalo mo sa isang Reading Contest. Dahil dyan, binayaran ko na ang tuition mo sa buong school year. Magpasalamat ka naman!" laking gulat ni Daimon sa narinig niya na nagpatahimik sa kanya ng matagal.

"Hindi ko kinailangan ang tulong mo kahit kailan! At akala ko ba wala ka nang paki sa akin?" galit na galit si Daimon habang tumugon sa sinabi ng kanyang ama.

"Kailangan ko na kasing magpahinga. Gusto ko na may sumunod sa mga yapak ko. " malumanay na pagpaliwanag ng kanyang ama.

"Hindi ako susunod sayo! Bakit hindi mo kausapin si Davian? Tutal nagkasama kayo sa Taiwan! Bakit ako? " pagalit na tugon ni Daimon.

"Alam ko na mas mabibigyan mo ng hustisya kapag ikaw ang sumunod sa ak-"

"Hinding hindi ako magiging magnanakaw at kriminal na katulad mo!  Tandaan mo yan! " napatigil ang kanyang ama sa pagsasalita habang napuno ng poot si Daimon at ibinaba ang telepono.

Hindi mapigilan ni Daimon ang kanyang galit ng marinig niyang muli ang tinig ng kanyang ama. Ikinamumuhian niya ito dahil ang kanyang ama ay talamak na kriminal at propesyonal na magnanakaw. Pero kahit ganoon, hindi isinisumbong ni Daimon dahil ayaw niyang malagay sa peligro ang kanyang ama.

Pinilit ni Daimon na pawiin ang galit sa pamamagitan ng pagbabasa. Binasa niya ang libro na pinapakuha ni Amirah sa kanya noong nakaraang tatlong araw.

"Mystery of Gems? Hmmm. " inisip ni Daimon ang dahilan kung bakit ganoon ang title ng pinapakuha ni Amirah na libro at nagsimulang magbasa.

Natapos si Daimon sa pagbabasa at saktong dumating si Amirah sa Library.

"Library Card?" hiningi ni Daimon ang library card ni Amirah at ibinigay niya agad ito.

"Palagi kang galit. Hindi nakakabuti sa iyo yan. " marahang ngumiti si Amirah kay Daimon.

"Hindi ako galit. " marahang tugon habang hindi makatingin ng direkta si Daimon kay Amirah sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Hindi ako naniniwala. Tumingin ka nga sa akin!" dineretso ni Amirah ang nakayukong ulo ni Daimon at tumitig sa kanyang mga mata.

The Blue-Eyed's Reminiscence - [PENDING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon