1 : Amirah

9 0 0
                                    

✿❯────「NARRATIVE」────❮✿

🔵

Hapon na at hindi pa nakakaalis si Amirah sa ospital dulot ng nangyari sa kanya noong gabing iyon. Kaya't hindi siya nakapasok sa eskwelahan na kanyang pinapasukan. Dumating ang kanyang ina upang kamustahin siya.

"Amirah! Salamat dahil walang nangyari masama sa iyo. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" pumunta ang kanyang ina sa kwarto kung saan siya namamalagi.

"OK lang po ako Ma. Wag kang mag-alala." paninigurado ni Amirah tsaka hinawakan ang kanang kamay ng kanyang ina.

"Blue Bessy! Don't worry bayad na ang hospital bill mo and you can go anytime." pumasok sa kwarto ang kanyang kaibigang si Lilly at binigyan si Amirah ng bulaklak.

"Salamat Lilly. Nandito ka palagi sa tabi ko." pasasalamat ni Amirah.

"No problem sis! Basta tutulungan mo ako palagi sa mgs school works ah?" lumapit si Lilly at hinawakan ang kanang kamay ni Amirah.

"I'm always here for you." maaliwalas na ngiti ang ipinakita ni Lilly kay Amirah upang siya'y mapanatag.

"Oh sige Anak, kukuha muna ako ng makakain mo bago ka madischarge. Babalik ako mamaya." umalis ang ina ni Amirah upang kumuha ng makakain.

"Sige po Ma."

Kalaunan, nag-usap sina Amirah at Lilly ukol sa iba't ibang bagay, at pinag-usapan ang nangyari kay Amirah kagabi.

"So, anyare?" seryosong tanong ni Lilly na nag-udyok kay Amirah upang mag-isip ng mabuti.

"Ahmm. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, pero may nangyaring kakaiba kagabi." malumanay na nagsabi si Amirah kung ano ang nangyari kagabi.

"Sige. Explain it to me, but in detail."

Detalyadong ipinaliwanag ni Amirah kay Lilly ang nangyari noong gabing iyon. Tila may nakukuhang ideya si Lilly tungkol sa iilang detalye. Tulad ng asul na ilaw, tinig, at ang lalaki na nasa likod ng lahat.

"So sinasabi mo na yung Lalaking si Rhys, yung tumatawag sa iyo na Sappheria?" pagtataka ni Lilly habang naka titig kay Amirah at nakataas ang kilay.

"Ganoon na nga." tugon ni Amirah.

"Pwede mo ba ilarawan sa akin yung boses?" napaisip ng mabuti si Amirah nung tinanong siya ni Lilly.

"Malalim, at parang boses ng isang matandang lalaki." paglalarawan ni Amirah.

"Parang yung boses ng Teacher natin sa Physics? That's impossible!" tumaas ang tono ng pananalita ni Lilly nang malaman niya na hindi si Rhys ang tinutukoy ni Amirah.

"Alam ko ang tinig ni Rhys! Malumanay, seductive, at masarap pakinggan. Parang anghel ang kanyang boses tuwing nagsasalita." hindi maipaliwanag ang saya ni Lilly habang inilalarawan ang boses ni Rhys.

"Alam mo, kulang nalang akitin mo siya eh." sarkastikong tugon ni Amirah kay Lilly.

"Eto naman oh. Ang ibig ko lang ipaliwanag, na imposibleng si Rhys yun!" paglilinaw ni Lilly.

"Ah. Baka lang nag-o-overthink lang ako." biglang nanlumo si Amirah nang narinig ang tugon.

"Teka maiba ako. Nagkita na kayo ni Davian?" marahang tanong ni Lilly kay Amirah.

"Oo."

"Let me tell you this. Be careful, kase baka saktan ka niya ulit. Bumalik siya sa school natin!" ibinalita ni Lilly ang pagbalik ni Davian.

"Alam ko Lilly, at natuto na ako." seryosong tugon ni Amirah.

"Hindi ko hahayaan na paasahin niya ang tulad ko." dagdag niya.

The Blue-Eyed's Reminiscence - [PENDING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon